CHAPTER 121

4 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Luxzell mag usap tayo" sabi ko sa kaniya na nakagat pa ang sariling labi pagkatapos.

Napalingon naman siya sa akin tsaka ngumiting nilingon ang mga papel na nasa harap niya.

"For what?" nakangiting tanong niya at patuloy na nagbabasa sa mga folder na nakalapag sa table niya.

"L-Luxzell, I'm sorry" halos mahirapan ako dahil hindi ko masabi ng maayos ang linyang 'yun.

Nag uunahan ang kaba at luha ko. Pinipigilan ko ang luha kong pumatak. Nasasaktan ako dahil hindi ako naniwala sa kaniya. Hindi ako tumupad sa usapan namin na maniniwala ako sa mga sasabihin niya kahit anong mangyari. Inuna ko 'yung galit ko bago ko pinakinggang ang side niya. Kasalanan ko.

"Nakalimutan ko na ang bagay na 'yun" nakangiting sabi niya tsaka tumingin sa relo niya. "May pupuntahan pa pala ako, mag iingat ka dito and welcomeback" nakangiting sabi nito tsaka umalis ng office.

Doon sunod sunod na tumulo ang luha ko. Kasalanan ko kung bakit naging ganu'n si Luxzell. Kasalanan ko kung bakit nakalimutan niya na ang lahat. Limang taon! Limang taon kong hindi siya pinagkatiwalaan.

Walang lakas akong naupo sa sofa at patuloy sa pag iyak. Nasasaktan ako sa mismong kagagawan ko.

"A-Axie?" may tumawag sa akin dahilan para mabilis kong pinunasan ang luha ko.

Napalingon ako sa tatlong pumasok. Si Yvez, Tristan at Seirho.

"Bakit ka umiiyak? S-saan si Luxzell?" tanong ni Tristan na nilibot ang tingin sa office.

Pati sila ay ang laki ng inimature. Lumaki ang mga katawan at nanatiling mga gwapo maliban kay Seirho na wala namang pinagbago pero nanatili pa ring gwapo.

"Kailan ka pa umuwi? B-bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ni Yvez tsaka lumapit sa akin.

Umiling ako at hindi sinasalubong ang tingin nila.

"Umalis na pala si Luxzell, pupunta pa 'yun kay Allirah." Sabi ni Seirho tsaka lumabas ng office.

Pati sa galaw ni Seirho ay nanibago ako. Nag eexpect lang kasi ako na matutuwa sila dahil nakabalik na 'ko pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang maabutan ko.

"Alam mo na ba ang totoo?" tanong ni Tristan, tumango naman ako tsaka nakagat ang sariling labi. Todo ang pagpipigil sa pag iyak. "Anong pakiramdam na hindi mo pinagkatiwalaan ang kaibigan namin?" tanong ni Tristan, nanibago ako sa paraan ng pakikipag usap niya. Pati ang pagkaclinge ay nagmatured na o baka galit din siya.

"Tristan" sita sa kaniya ni Yvez pero napangisi lang si Tristan.

"Look? 5 years mong iniwan si Luxzell. No. 6 years" pagtatama nito. "6 years mo siyang iniwan at sinaktan. You don't believe him right? So I think he do the same" sabi ni Tristan tsaka ngingising umalis sa office.

Humagulhol ako ng iyak ng makalabas ito. Hindi ko na kaya. Ang sakit na. Hindi ko pa man nalalaman ang lahat nasasaktan na 'ko.

"Yeah. Tristan is right but you are still my cousin. Base sa mga galaw ni Luxzell last year, I think nakamove on na siya" napalingon ako kay Yvez ng sabihin niya 'yun. "Nung iniwan mo siya, he always think about you. Kung kamusta ka na, kung ayos lang ba kayo ni Wayan, kung mahal mo pa ba siya pero he change when the year was pass" sabi nito na lalong ikinakirot ng dibdib ko. "Especially when he meet the son of Allirah." napalingon ulit ako kay Yvez sa sinabi niya. "He's not his son but he treat it as his son, inshort inilayo mo si Wayan at naramdaman niya ang presensiya ni Wayan sa anak ni Allirah" napalunok ako sa sinabi niya tsaka inilayo ang tingin sa kaniya. "Sorry to say pero didiretsuhin na kita Axie." napalingon ako sa kaniya nang magbuntong hininga siya. "He change because of you. He change because it's your fault. Kung pinagkatiwalaan mo siya 'nung una pa lang, hindi magiging ganito kahirap ang sitwasyon niyo" sabi niya tsaka tumayo. "I need to go, may kailangan pa akong asikasuhin" sabi niya tsaka ako naiwan mag isa sa office.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala ako sa sariling umuwi sa bahay at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Hindi ko alam!

"Axie" tawag sa akin ni Dad. "Nakausap mo ba tungkol sa bagay na 'yun?" umiling agad ako.

Kumuha ako ng beer sa refrigerator at agad na ininom 'yun.

"Saan ka ba nagsususuot? Akala ko babalik ka pagkatapos ng walo o siyam na buwan para malaman ang result, paanong umabot ng limang taon? Limang taon nga ba? Anim na taon" sabi nito.

"Dad nagalit ako. Natabunan ng galit 'yung puso ko" sabi ko na nahimalos pa ang sariling palad sa mukha tsaka madabog na naupo sa upuang katabi ng table. "Nagalit ako kasi naulit nanaman! 'Nung una si Xybrill tapos 'nun si Luxzell naman? Dad! N-natakot lang ako!" umiiyak na paliwanag ko tsaka muling uminom ng alak.

"Bakit hindi mo pinagkatiwalaan si Luxzell?" pandidiretsong tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko tsaka binaling ang tingin sa boteng hawak ko. "Kasi natabunan na 'ko ng galit 'nung araw na 'yun." sagot ko dahilan para maluha nanaman, agad ko naman itong pinunasan gamit ang palad. "Dad nag ooverthink na 'ko that time. Nakikita ko 'yung tiyan ni Allirah at nagtutugma ang buwan na sinasabi ni Mrs. Salvador"

"Pinaniwalaan mo ang ibang tao kaysa sa mismong boyfriend mo?" nakangiting tanong niya, napatikop naman ako ng labi. "Hindi nagsalita si Lux tungkol sa totoong nangyari dahil alam mo kung bakit? Dahil ayaw niyang mapahiya si Allirah. Mas pinoprotektahan ng boyfriend mo 'yung ibang tao kaysa sa sarili niya. Alam mo kung bakit niya pinoprotektahan si Allirah? Dahil narape ito parehas ng buwang nagsama sila sa Cebu. Kinwento ni Allirah kay Luxzell na narape siya ng boyfriend nito kaya sila nagbreak. Ayaw ni Mrs. Salvador sa boyfriend ni Allirah at ang alam nito ay nagbreak lang sila pero ang totoo daw 'nun ay narape na si Allirah." Mahabang paliwanag niya na ikinagulat ko. "Gusto ni Luxzell magpaliwanag sa'yo pero ikaw 'tong basta na lang umalis at hindi hinayaan ang taong magpaliwanag" naluha ako sa sinabi ni Dad, hindi ko matanggap na ako ang sumira sa relasyong mayroon kami. "Naipit si Luxzell sa sitwasyon kaya pinanindigan niya ang pagiging ama sa baby hanggang sa hindi pa nakukuha ang DNA test result. 'Nung makuha ay negative ang lumabas pero napalapit na si Lux sa bata pati na rin kay Allirah" naiyak ako sa palad ko dahil sa mga sinasabi ni Dad. Hindi matanggap ng kaluluwa ko ang mga naririnig ko. "Hindi na ako magtataka kung mahulog si Luxzell dahil 'nung araw na wala ikaw, si Allirah ang nagbigay 'nun kay Luxzell at habang wala naman si Wayan, anak ni Allirah ang nagbigay 'nun kay Luxzell"

Parang sobrang nanghina ang katawan ko sa mga narinig kay Dad. Para bang lason ang bawat salita ni Dad na sa tuwing maririnig ko ay dahan dahan akong nanghihina. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko 'to kung bakit nangyayari ang bagay na 'to.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now