CHAPTER 115

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

Pumunta ako sa bahay ni Mrs. Salvador para kamustahin si Allirah. Alam kong hindi ko anak ang nasa sinapupunan niya pero bata 'yun na wala pang kamuwang muwang.

"Buti at bumisita ka dito" sabi ni Mrs. Salvador, bungad niya agad sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa kwarto ni Allirah. Sa ilang buwan na lumipas, ilang beses na din akong nakapunta dito.

"Kamusta ang baby?" tanong ko kay Allirah.

Nakahiga ito sa kama niya at medyo lumalaki na ang tiyan niya. Ngumiti naman ito tinignan ang tiyan niya.

"Ayos naman kaso naninibago ako dahil mabigat sa tiyan ko" natatawang sabi nito na hinaplos pa ang tiyan niya. Napatingin ako sa mukha niya. Nakangiti ito habang nasa tiyan niya ang tingin. "S-sorry nga pala kung ikaw ang pinipilit ni Mom na tatay nitong anak ko, sinubukan ko namang magpaliwanag pero ayaw niya talaga maniwala. Gusto niya ay ikaw ang tatay" natatawang sabi niya.

Natawa naman ako. "Baka nga gusto ng Mom mo na ako ang tatay ng anak mo." natatawang sabi ko na napatingin pa sa tiyan niya.

Tumipid naman ang ngiti niya. "Sana nga ikaw na lang ang tatay nito" natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi 'yung hayop na boyfriend ko na hindi man lang nagpakita sakin" nameke ito ng tawa.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nanatili lang akong tulala sa kaniya. Nagkatitigan kami na halos hindi mapunit ang tinginan namin. Hindi ko naman maitatanggi na maganda si Allirah. Pwede siyang magustuhan ng kung sinong lalaki pero hindi ako, ilang buwan na ang lumipas pero sa isang babae pa din naghihintay 'yung puso ko.

Ako na ang nag iwas ng tingin tsaka bumaling sa tiyan niya. Dati ay hindi niya matanggap ang anak niya pero nang tumagal ay dahan dahan niya itong natanggap kahit ginawa nila ito ng hindi niya gusto. Maituturing siyang dakilang ina kahit na sa ganu'n kasimpleng paraan. Unang bisita ko dito 'nung tumawag si Mrs. Salvador at nalaman na uminom ng alak si Allirah habang nagbubuntis.

—flashback

"Bakit ka umiinom?" Nagtatakang tanong ko.

"Ayaw ko naman ng batang 'to!" lasing na sabi niya na uminom nanaman.

Inagaw ko ang bote ng alak na hawak niya at inilayo sa kaniya.

"Nakakasama sa bata 'yan Allirah!" inis na sabi ko.

"Alam mong hindi ko gusto ang batang 'to. Ayaw kong mabuhay 'to sa kagagawan ng boyfriend kong tarantado." Sabi niya na pinapalo palo pa ang tiyan na.

Pinigilan ko ang kamay niya tsaka hinarap siya.

"Wag mong idamay ang bata Allirah. Buhay ang dala dala mo. 'Wag mong idamay 'yung walang kamuwang muwang" pakiusap ko sa kaniya.

Humagulhol siya ng iyak tsaka niyakap ako. 'Nung una ay nag aalinlangan pa akong yakapin siya pero wala din naman akong nagawa. Humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"Napapagod na 'ko Luxzell at naiipit ka pa sa problema ko" sabi niya habang yakap yakap pa din ako.

"A-ayos lang. Narito na din naman tayo e ipagpatuloy na lang natin" sabi ko na hinaplos pa ang buhok niya hanggang sa makatulog ito.

Inihiga ko siya ng maayos sa kama niya at tsaka pinagmasdan ang mukha nito.

Gusto kong magalit sa'yo pero mas iniisip ko 'yung batang nasa sinapupunan mo. Ayaw kong magkasakit 'yan dahil lang sa mga nangyayari dito sa mundo.

—end of flashback

"By the way maraming salamat sa pag aalaga. Utang na loob namin 'to ng anak ko sa'yo" nakangiting sabi nito.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now