CHAPTER 76

8 0 0
                                    

LUXZELL  POV

"Hoy!" Tawag sa akin ni Ax.

Napasimangot ako dahil hindi niya man lang ako tawagin ng kung anong callsign.

Papalapit siya sa akin na dala dala ang pinamiling gamit para sa pasukan. Hindi na kami nag abalang nagpa enroll dahil inasikaso na pala ni tito 'nung nasa London palang kami.

"Are you done?" I ask her while seeing the paper bag.

Tumango naman siya at sinilip din ang hawak niyang paper bag. "How about you?" tanong niya na sinilip ang dala ko. Tumango naman ako. "Punta tayong Mang Inasal" sabi niya na ininguso pa ang Mang Inasal sa hindi kalayuan.

Napasinghal naman ako. Pagkain nanaman.

Nauna siyang naglakad kaya sumunod ako. Kinuha ko na ang dala niya at ako na ang nagbitbit. Kawawa naman, nagmumukhang minion e.

Pagpasok pa lang ng Mang Inasal ay naglilingunan nananaman ang mga taong nasa loob sa amin. What's new? Palagi namang nangyayari ang bagay na 'yun at hindi na 'yun nakakapagtaka.

Nang makaorder siya at inilapag ko ang mga paper bag na dala namin sa gilid at hinihintay ang inorder niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Nanalaki ang mata ko dahil nakacross arm siya habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

"W-Why?" nagtatakang tanong ko.

"I'm getting jealous when your attention is on others"

Napaawang ang labi ko ng sabihin niya 'yun pero agad ding napalitan ng ngiti. Masyado siyang selosa, cute.

"Ofcourse not" nakangiting sabi ko na tinitigan ang mukha niya.

Napakasarap sa pakiramdam na ipinagdadamot niya 'ko sa iba. First girlfriend ko siya at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Psh. Ang ganda ganda ko pero tumitingin pa ng iba" bulong niya na umiiling iling pa habang inilayo ang tingin sa akin.

Tumayo ako at tumabi sa kaniya. Nagulat pa siya pero agad ding umiwas ng tingin at binigyan pa ako ng pwesto para makaupo. Niyakap ko ng isang braso ang bewang niya habang tinititigan ang mukha niya.

Napakasarap niyang titigan. Natural ang ganda niya at walang kolorete ang mukha. Makinis at namumula pa ang pisngi. Bakit pa nga ba ako titingin ng iba kung nasa kaniya na ang lahat ng ganda?

"Stop staring bro!" maktol niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bro? The f*ck Ax?" salubong ang kilay ko na tinignan siya.

Talagang wala siyang balak sabihin 'yung mga callsign ng magjowa at ang pangit pa ng napili niya. Sa ganda niya nagmumukha siyang tomboy dahil sa callsign niyang bro!!!

"Ohmygash si Luxzell! Tara tara tara!"

Rinig kong tili ng babae sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kung saan galing ang tinig na 'yun.

Mga babae kasama si Jichelle na naiilang na tumingin sa amin.

"Hoy nakakahiya ka Heliexia" maktol ni Jichelle habang sinamaan ng tingin ang babaen sumigaw.

Papalapit sila sa amin.

"Hiii Kuya Luxzell" sabi 'nung Heliexia kuno.

"Hi" nakangiting sabi ko na nilingon si Jichelle, nahihiya naman itong tumingin.

Parang alam ko na kung ano ang nagustuhan sa kaniya ni Yvez. Shy girl ang type ni Yvez at nakilala ko na si Jichelle 'nung nasa Bicol.

"Can we take a picture please?" sabi ni Heliexia na itinuro pa ang phone niya, ngumiti naman ako at tumango.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt