CHAPTER 88

4 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Tigil tigilan mo ang paglapit sa jowa ko Nix, alam mo kung gaano ako kaselosang tao" maktol ni Ax.

Papunta kaming Canteen at pinagtitripan nanaman ako ni Nix. Hinihila ako ni Nix palayo kay Ax at kahit ako napipikon.

"Pwede bang ikwento niyo kung bakit kayo nagkagalitan? Nakakacurious e" tanong ni Tristan.

"Yiee interested ka na sa akin babe" sabi ni Nix na kinurot pa ang pisngi ni Tristan.

Napasinghal naman si Tristan. "Sabi ko, sa inyong dalawa ni Axie, hindi lang sayo. Feelingera psh" maktol naman ni Tristan.

"Sungit" bulong ni Nix tsaka nilingon si Ax na masama pa din ang tingin sa kaniya, natawa naman si Nix. Halata na close talaga sila at sanay na si Nix sa ugaling mayroon si Ax. "Ganito kasi 'yun. Magkaibigan kami ni Axie sa London, since 1st year high school" panimula ni Nix, lahat kaming magkakaibigan ay interesado sa nakaraan nilang dalawa. "Close kami. Bestfriend nga e" sabi niya na sumenyas pa sa daliri. "Then one day, 'nung Grade 10 kami, doon na nagkagulo" ngumiwi pa ito na nilingon pa si Ax. "Napalapit ako sa ibang grupo kaya bihira ko na lang siya makasama, well napakaselosa ni Axie" napalingon naman ako kay Ax. "Kaya nga alam kong seryoso siya kay Lux dahil todo siya kung magselos" nakangiting sabi nito na nilingon pa ako. "Yun nga ang ginawa ko para mapansin niya nga ako diba" napangiwi nanaman ito. "Sa sobrang selosa ng kaibigan ko ay hindi niya ako pinansin sa London 'nung Grade 10 kami kaya nilapit lapitan ko si Xybrill, ex niyang muntikan niya ng seryosohin" napalingon naman ako kay Ax pero nakatingin na pala siya sa akin, nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilain palapit sa kaniya, natawa naman si Nix. "Tapos sa sobrang selos niya sa mga naging close ko noon ay iniwan niya ako at dito siya pumasok, well hinanap ko siya kaya nga ako napadpad dito. Nalaman ko lang na dito ka na dahil kay Almira" Almira? 'yung babae sa grupo. "Sinundan ko siya at pagpasok ko dito ay hindi niya nanaman ako pinansin kaya tulad ng ginawa ko kay Xybrill ay ginawa ko din kay Lux at effective naman dahil pinansin na ako ni Ax pero hindi niya pa rin nababago ang pagkaselosa niya" nakangiwing sabi nito.

Napalingon naman ako kay Ax pero naupo na ito kaya napaupo na din ako.

"Ako na kukuha ng makakain" sabi ni Tristan.

"Sama ako babe" pang aasar nanaman ni Nix.

"Tsk babe your face" maktol ni Tristan.

Naiwan naman kaming apat nina Yvez, Sevi at Ax.

"Selosa pala ang palatandaan na seryoso ka" natatawang sabi ni Yvez, napalingon naman ako kay Ax habang nakangiti.

Ngumiwi naman si Ax tsaka lumingon sa akin. "Madamot ako kapag nagmamahal" sabi niya tsaka inilayo ang tingin sa akin, wala ako sa sariling napangiti.

Nang makabalik na sila ay nagsimula na kaming kumain.

Nang matapos ay sabay sabay na din kaming bumalik ng room. Hindi na rin nabubully si Nix dahil nalaman nilang kaibigan ito ni Ax. Makapangyarihan ang pangalan ni Ax tsk tsk.

"Hoy tambay naman tayo sa studio room! Walang practice do'n" yaya ni Tristan ng matapos ang klase.

"Tara" tuwang tuwa na sabi ko tsaka lumingon kay Ax. "Sumama ka na" yaya ko din.

"Sasama talaga ako" nakangiwing sagot nito.

"Ikaw 'wag ka na sumama dahil hindi ka marunong kumanta" pambubuyo ni Tristan kay Nix.

"How dare you?" pagtataray ni Nix. "Baka mainlove ka sa akin kapag narinig mo ang boses ko"

"Haha patawa. Talaga lang ha" hamon naman ni Tristan. "Baka ikaw ang mainlove kapag narinig mo ang boses ko"

"Psh, baka mainlove kayo sa isa't isa kapag nagkantahan kayo" singit ni Ax na ikinatawa namin ni Yvez at Sevi.

Nakakatuwa din dahil natutong gumamit ng instrument si Sevi dahil sa turo nina Yvez at Tristan.

Nang makarating kami sa Studio Room ay wala ngang nagpapractice kaya free na tumambay doon.
Hinila ko kaagad si Ax papunta sa microphone. Maganda ang microphone na narito, 'yung pang record ng mga singer.

Hinawakan ko ang kamay niya tsaka plinay ang minus one ng kakantahin ko.

-Nang dumating ka/ bandang lapis

"Sa araw-araw na gusto kang laging makita
Nasasabik sa 'yong paglalambing
'Pag 'di ka nakikita ang puso ko'y nanghihina
Na para bang 'pag wala ka'y wala na ring saysay
Ang buhay kong ito oh oh oh
Oh oh oh..."♫︎

Simula ng liriko. Nakita ko ang tuwa sa mata niya, nakangiti siya habang pinagmamasdan ako.

"Wag ka lang umalis
'Wag ka lang lumayo
Dito ka lang sa aking tabi"♫︎

Nagsisilingunan ang mga estudyanteng dumaraan sa room na 'to. Hindi na nakakapagtaka.

"Nang dumating ka sa buhay ko
Binago mong lahat
Pati ang aking mundo
Binigyan mo ng ngiti
At ligaya ang buhay
Pangako ko sa'yo
Na hindi kita iiwan"♫︎

AXQUECIA POV

"Kapag ika'y lumalapit ako'y natutulala sa 'yong
Magagandang ngiti sa akin
At sana'y mapakinggan mo ang awitin kong 'to
Iisa lang ang pangarap ko sa mundong ito
Ang makasama ka sa araw-araw
At makapiling ka sa habang buhay"♫︎

Sa buong buhay ko, kay Lux lang ako kinilig. Sa lahat ng naging jowa ko, si Lux lang ang gusto kong ipagdamot.

"Wag ka lang umalis
'Wag ka lang lumayo
Dito ka lang sa aking tabi"♫︎

Nagsimula ng magtilian ang mga babaeng napadaan.

"Nang dumating ka sa buhay ko
Binago mong lahat
Pati ang aking mundo
Binigyan mo ng ngiti
At ligaya ang buhay
Pangako ko sa'yo
Na hindi kita iiwan"

Napakaganda ng boses niya, para bang bawat liriko na inaawit niya ay tumatatak sa puso ko.

"Wag ka lang umalis
'Wag ka lang lumayo
Dito ka lang sa aking tabi"♫︎

Nagulat pa ako ng bahagya niya akong hilain palapit sa kaniya pero natawa lang din naman ako.

"Nang dumating ka sa buhay ko
Binago mong lahat
Pati ang aking mundo
Binigyan mo ng ngiti
At ligaya ang buhay
Pangako ko sa'yo
Na hindi kita"♫︎

Isa sa mga rason kung bakit ako sumama, nag eexpect ako na haranahin niya ako at ginawa niya naman.

"Nang dumating ka sa buhay ko
Binago mong lahat
Pati ang aking mundo
Binigyan mo ng ngiti
At ligaya ang buhay
Pangako ko sa'yo
Na hindi kita iiwan..."♫︎

Huling liriko tsaka niyakap niya at hinalikan sa noo. Ang sarap ng yakap niya.

"Gash ang ganda ng boses mo Lux" papuri ni Nix, nginiwian ko naman siya.

"Mas maganda boses ko diyan" singit ni Tristan.

"Sabihin mo, mas maganda ako sa lahat babe" panghaharot naman ni Nix.

"Sabihin niyo, gusto niyo ang isa't isa" singhal ni Lux na ikinatango ko.

Halata naman. Madedevelop din 'tong dalawa. Parehas pang maingay tang*na. Hindi na ako magtataka kung sila ang magkatuluyan psh.

---------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now