CHAPTER 97: BICOL

6 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"HOY DALIAN NIYO NAMAN PUPUNTA TAYONG SIMBAHAN!" maktol ni Lux.

Linggo nga pala ngayon ay nakakatuwa lang na naiisip niya pang magsimba kahit bakasyon ngayon.

Natatawa lang ako dahil gumising siya ng alas kwatro para mambulabog ng mga kaibigan.

Pinagpupupukpok niya ang pinto ng lahat at sumisigaw na gumising na. Tama nga ang sinabi ni Tristan, hindi maganda ang gising nila sa tuwing kasama si Lux.

"GISING NA! HOY!" sigaw niya habang pinupukpok ang mga pinto, palipat lipat.

Hindi naman daw siya pwedeng sumigaw ng may sunog dahil baka mabulabog niya ang lahat kaya ginugulo niya lang ang mga ito.

Napakagwapo niya pa rin kahit nakapantulog lang siya. Nakacouple pa kami, kulay red na pantulog sa kaniya habang kulay pink naman ang akin. Parehas na may design na mga star, nabili namin kahapon sa may palengke.

"HOYYY YUHOOO" sigaw ni Lux habang pinapo palo ang mga pintuan, sobrang lakas ng pagkapalo kasabay pa ng sigaw niya.

Napalingon naman siya sa akin tsaka ngumiti. Lumapit siya sa akin at hinalik halikan ako. Napakalambot ng labi niya na. Halos matumba pa nga ako sa diin ng pagkakahalik niya pero nakaalalay ang braso niya sa likod ko habang inianday ako sa pader.

"Ano ba naman 'yan!" rinig kong sabi ni Tristan na kinakamot pa ang ulo.

Sabay sabay na silang nagsisilabasan sa kwarto nila na pumupungay pa ang mata, halatang nabulabog talaga sila ni Luxzell.

"Dalian niyo magsisimba tayo, ang mahuli hindi sasama" sabi ni Luxzell na parang bata na sinilip pa ang relo.

Nagsibalikan naman sila sa kwarto at paniguradong nagsisiligo na 'yun.

Napalingon ulit ako kay Luxzell, bigla niya nanaman akong hinalikan pero dampi lang 'yun at  tsaka niya 'ko hinila papasok ng room.

"Mauna ka ng maligo" sabi niya na hinalikan nanaman ako.

Napakunot naman ako, ang weird niya. Minu minuto naman kung humalik. Naligo na nga ako at nagbihis ng simpleng damit. Nagsuot lang ako ng tshirt na kulay pink tsaka pantalon.

Nang lumbas ako ng Comfort room ay nanlaki ang mata ko ng makita si Luxzell na nakabrief na lang. Napalunok ako ng makita ang kamay niya roon, wala namang ginagawa at nakapatong lang habang busy ang mata niya sa Tv. Napalingon siya sa akin tsaka ngumiti, pinagmasdan ang suot ko. Sinenyasan akong lumapit sa kaniya.

"B-bakit ganiyan nanaman ang suot mo?" tanong ko na napalunok pa habang lumalapit sa kaniya.

Hinila niya ako bigla kaya napaupo ako sa kandungan niya. Kahit nakapantalon ako ay ramdam na ramdam ko ang pagkalalaki niya, napapalunok ako sa kaba.

"Hindi ka na nasanay tsk tsk" natural ang pagkakasabi niya.

Niyakap niya ako mula sa likod at hinalik halikan ang leeg ko, napapaiwas pa ako dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya.

"M-maligo ka na" sabi ko.

Tumango naman siya tsaka inalalayan akong tumayo tsaka siya tumayo. Napalunok pa ako dahil lintik ang mata ko at magalaw talaga, kung saan saan napapadpad. Hindi ko naman kasi maitatangging maganda ang katawan ni Lux, hindi man hulmang hulma ang abs e malaki naman... Ang muscle psh.

"Ang mata mo Ax" natatawang sabi ni Lux habang naghahanap ng damit.

Napalunok pa akong nag iwas ng tingin. Sino nga bang hindi mapapalingon doon? Ang laki! Psh.

Nasa simbahan na kami at talagang kahit dito ay pinaglilingunan kami ng mga tao, karaniwan ang mga dalaga't binata ang nagsisimba. Hapon yata ang matatanda dito kung magsimba.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now