CHAPTER 33

27 1 0
                                    

(033)

AXQUECIA POV

Maaga akong nagising.Madilim pa rin ang paligid.Anong oras na ba?Napatingin ako sa table na nasa tabi ko.Kinuha ko 'yung cellphone na nandoon.Kunot noo ko pang tinignan ito.Psh,kay Luxzell 'to.

Napalayo pa ako ng mabuksan ito dahil sa silaw ng phone niya.4:32am.Psh maaga pa nga.May pasok pa kami nakakatamad.

Kunot noo akong napalingon ulit sa phone niya.Family picture nila ang lock screen niya.May kung anong inggit sa dibdib ko dahil sa larawan na 'to,naghahangad na sana ganito rin kami.

Inislide ko naman ito.Nanlaki ang mata ko ng mabuksan ko ang phone niya.Wala man lang password o pattern.Psh hindi man lang natakot na maopen ng kung sino ang phone niya pero mas lumaki ang mata ko ng makita na ako ang wallpaper niya.

Kunot noo kong tinitigan ang larawan ko.Wala ito sa social media ko.Napalingon ako kay Lux.Saan mo naman 'to nakuha?Stolen shot?Kunot noo ko ulit tinitigan ang larawan ko.

Nakatayo at kulay puti ang tshirt.Nakamaong na pantalon at puting sapatos.Nakatingin sa kung saan habang nakacross arm.Ahhh.Naalala ko na.Sa Bicol.Hindi ko man lang napansin na kinukuhanan niya 'ko ng litrato.

Napunta naman ako sa apps niya.Iphone pro max ang phone niya at hindi nalalayo sa phone ko kaya kabisado ko ang pasikot sikot.Inopen ko ang gallery niya.Bumungad agad sakin ang file na nakapangalan sakin.

Axieee ko.

Wala alo sa sariling natawa dahil sa file name ng gallery niya na nalalagyan ng mga picture ko.Hindi ko inaasahan na sobrang dami ng picture ko sa phone niya.Puro stolen pero psh maganda pa rin talaga 'ko.Umabot ng 2,357 pictures.Grabe naman 'to mainlove psh.

Dumapo naman ako sa isang file.Kulay itim na puso lang ang nakalagay sa file name.Inopen ko 'yun at nanlaki ang mata ko ng makita ang larawan naming magkasama.Sino ang kumukuha ng mga ito?May larawan na nakatingin kami sa isa't isa.May larawan na nakahawak ang kamay.May larawan 'nung sinasayaw niya 'ko nung Welcome party.May larawan na parehas kaming nakangiti.May larawan 'nung kumakanta si Lux habang nakatingin kami sa isa't isa.Lahat ng oras na magkasama kami ay may larawan maliban lang kapag nasa bahay kami.

Napalingon naman ako kay Lux,mahimbing pa din ang tulog niya.Napalingon ulit ako sa phone niya.May naisip ako kalolohan psh.Inopen ko ang camera at inopen ang flash tsaka kinuhanan siya ng larawan.Kunot noo naman siyang nagmulat ng mata at tumingin sakin.

"Good Morning"nakangiting sabi ko tsaka tinignan ang larawan na nakuha ko.

Akalain mo nga namang gwapo pa rin ang itsura niya kahit blur ang kuha ko.Napalingon naman ako kay Lux pero nakatingin na din siya sakin tsaka dahan dahang bumaba ang tingin sa phone niya tsaka bumaling ulit ang tingin sakin.Pumikit ulit siya.Napakunot naman ang noo ko ng bigla niya akong yakapin at ilapit sa kaniya.Nakahiga ako ng maayos habang nakayakap siya sa akin na nakatagilid paharap sakin.Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko dahilan para makiliti ako at mapasinghal.

Napalingon naman ulit ako sa phone niya.Inopen ko ang data at sinubukang iopen ang account niya sa facebook.Akalain mo nga namang nakaopen din ang account niya at hindi man lang nilog out.Wala na ngang password ang phone,nakaopen din ang account.Napalingon naman ulit ako kay Lux,tulog psh.Wala siyang pakealam kahit hawak ko ang phone niya.

Napatingin ako sa mga litrato niya.Napakagwapo psh.Wala ako sa sariling napangiti habang tinitignan ang litrato.Nangunot na lang bigla ang noo ko ng maramdaman kong hinahalikan niya ang leeg ko.Siniko ko siya para makalayo pero agad din siyang lumapit at hinalik halikan ang pisngi ko.Inis naman akong sininghalan siya at pilit na tinutulak pero nakangiti lang ito.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now