CHAPTER 80

6 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Malakas talaga ang pandama ng jowa mo" rinig kong bulong ni Nix sa gilid ko, napasinghal naman ako.

"Tigil tigilan mo ako Nix, hindi mo alam kung ano pwede kong gawin sayo" inis na bulong ko.

Nasa room kami at nakaupo sa kaniya kaniyang upuan. Bakit ba kasi naupo 'to sa likod ko?

"Do what you want honey" malanding sabi niya na nakangisi pa.

Nandiri akong nagtakip ng tainga. Nakita ko naman na nakakita sa amin si Sevi at sumenyas itong 'wag titingin sa kaniya, ginawa ko naman.

Naiinis na ako. Ngayon lang ako nakaencounter ng babaeng manyakis! Oo ganito rin si Ax 'nung una kaming nagkasama, naghalikan pa nga kami pero hindi ko masabing manyakis si Ax dahil ni hindi niya ako inakit ng ganu'n tulad ng ginawa ni Nix.

Kinakabahan ako dahil baka hindi ako paniwalaan ni Ax kapag sinabi ko sa kaniya. Bahala na? Wala akong maisip na gagawin o kung anong paraan para matigil na ang kalokohan ni Nix. Ayaw kong masira kami ni Ax dahil lang sa babaeng malandi.

"Kain na" sabi ni Ax.

Nasa Canteen na kami at dahil sa sobrang pag iisip ay hindi ko na alam ang ginagawa ko. Napangiti muna ako bago nagpatuloy sa pagkain. Napapansin na din nina Tristan at Yvez ang pagiging lutang ko. Napakaexpressive ko talaga at hindi ko alam kung paano ito itatago.

"May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik" sabi ni Ax na ikinalingon ko, ngumiti ako at umiling.

Nagtataka ang tingin niya sa akin tsaka nagbaling ng tingin sa mga kaibigan ko na agad ding nag iwas ng tingin.

Nang makabalik kami ng room at hanggang mag uwian ay tahimik ako. Hindi ko kaya ang presensiya ni Nix. Sa tuwing papasok ako ng room at magsisimula na ang klase ay nadidistract ako dahil sa kaniya.

Nagdaan ang ilang araw at tahimik lang talaga ako. Ni hindi na nga ako umuuwi sa bahay nina Ax dahil sa bahay na ako mismo umuuwi, ayaw kong magduda siya kaya umiiwas na lang ako.

Dumating ang araw na kinukulit nanaman ako ni Nix.

Hinila niya ako papuntang kotse niya pero nagpumiglas ako.

"Ano ba! Kung makahila ka parang magjowa tayo ah!" inis na sabi ko habang hinihilot ang brasong kinapitan niya.

Napangisi naman ito. "Darating din tayo diyan" malanding sabi niya na tinataas taas pa ang kilay. "Bakit hindi mo na yata nakakasama ang girlfriend mo? Baka busy na sa ibang lalak—"

"Wag mo ngang sasabihan ng ganiyan si Ax!" inis na sigaw ko. "Wag mong itulad 'yun sayo dahil malandi ka!" gigil na sabi ko.

"Oh bakit hindi mo tanungin 'yung jowa mo kung bakit hindi mo siya nakakasama?" nakangising tanong niya.

"Busy siya sa bahay nila, sa pag aaral niya at pati na rin sa kumpanya! Manahimik ka na lang okay? You don't know everything" pagdidiin ko.

Ngumisi naman ito. Alam kong busy si Ax ngayon sa mga bagay bagay dahil kahit 'nung una pa lang kaming magkita ay ganu'n na talaga siya. Busy na tao. Hindi rin ako pumupunta sa bahay nila tuwing gabi dahil nga umiiwas ako na baka mapansin niya na tahimik ako.

"Yes ofcourse I know everything" nakangising sagot niya na lumapit sa akin pero agad din akong umiwas. "Mas kilala ko siya kaysa sayo"

"Wala akong pakealam kung ano siya dati okay? Alam ko kung ano ang nakaraan niya? Stop doing this shit!" inis na sigaw ko na tinulak siya at nagmadaling naglakad palayo.

Gusto kong mainis dahil wala sa isip ko na magkakaroon ng transfer at sisirain ang buhay ko. Hindi ko inaasahan na guguluhin niya ako pati na rin ang relasyon namin ni Ax.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now