CHAPTER 112

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

Natigilan ako ng bigla akong sampalin ni Ax pagkapasok ko ng bahay nila. Doon na tumulo ang luha kong kanina pa gustong lumabas dahil sa kaba.

"Kailan mo pa 'ko niloloko Luxzell?" madiin ang pagkakatanong niya. "Ngayon ko lang nalaman na ibang anak pala ni Mrs. Salvador ang kasama mo"

Napalunok naman ako bago humarap sa kaniya.

"A-Ax, h-hindi kita niloloko maniwala ka" sabi ko habang naaapektuhan ang sinasabi sa pagpipigil ng paghikbi. "H-hindi ko kayang gawin 'yun sa'yo mahal" sabi ko na hahawakan sana ang pisngi niya pero agad itong umiwas.

"Hindi? Ano ang batang nasa tiyan ni Allirah kung ganu'n?" kunot noong tanong niya.

"H-hindi sa akin 'yun" sagot ko.

"Paano mo maipapaliwanag ang 1 month pregnant?" inis na tanong niya. "Alam mo Luxzell, mahal na kita e" napalunok ako kasabay ng pagyuko. "Pinagkatiwalaan kita ng so—"

"Pagkatiwalaan mo ko ngayon" singit ko sa sinabi niya.

"Paano ako magtitiwala sa'yo sa ganitong paraan?"

"Ax,listen to me please" sabi ko na napapikit pa. "N-nung nasa Cebu kami ni Allirah, n-nagkwento siya sa akin na na—"

"Hindi ko na kailangan pakinggan ang sasabihin mo Luxzell. Wala ng ibang pumapasok sa isip ko kundi 'yung anak na ginawa niyo ni Allirah!" inis na sigaw nito na napapikit pa sa inis. "Nag iisip ako kung ano bang pagkukulang ko sa'yo! Ang alam ko kasi sapat na 'yung pagmamahal ko sa'yo e!" napalunok siya tsaka doon tumulo ang luha niya. "Hindi ko alam na kailangan mo pa pala ang katawan para mabuo ka"

Doon ako nanghina sa sinabi niya. Hindi niya kasi ako hinahayaang magpaliwanag at yeah, oo nga. Hindi niya din naman papakinggan ang paliwanag ko. Wala akong magawa. Naiipit ako sa sitwasyon. Narito nanaman ako sa puntong lugmok na lugmok nanaman ako.

"A-Ax, h-hindi ako ganu'n. A-alam mong mahal kit—"

"Yeah, mahal mo nga. Mahal mo pero may hinahanap ka" sabi niya na pekeng ngumiti pa. "Totoo nga talaga" sabi niya na tumatango tango pa. "Walang seryosong lalaki. Dapat talaga hindi na lang ako nagseryoso para hindi ako nasasaktan ng ganito"

"A-ax, 'wag mo namang sabihin 'yan" sabi ko na hahawakan sana siya pero mabilis siyang umiiwas.

Nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya. Alam kong wala akong kasalanan pero nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

"Alam mo..." pekeng ngumiti ito. "Wala kang pinagkaiba sa pinsan mo"

"A-Ax"

"Ingatan mo ang anak niyo" peke ang ngiti nito at lalo akong masasaktan. "Ingatan mo kung paano mo iningatan si Wayan" sabi nito tsaka tinalikuran ako.

"Hindi ko anak 'yun at papatunayan ko 'yun kapag nakalabas ang bata. MagpapaDNA kami at ipapakita ko sa'yo" sabi ko na napalunok pa.

Tumigil siya sa paglalakad palayo tsaka lumingon sa akin. "Sana nga" sabi nito. "Pero sa ngayon, tapusin muna natin 'yung relasyong mayroon tayo hanggang sa wala ka pang napapatunayan"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"A-Ax" hahabulin ko pa sana siya pero pinigilan na ako ni Sevi.

Hindi na nahinto ang pagpatak ng luha ko. Hinang hina akong naupo sa sofa. Hinahaplos naman ni Tristan ang likod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala si tito Primo at lalo akong kinakabahan. Kung sasaktan agad ako ni tito Primo tatanggapin ko kahit alam kong wala akong kasalanan.

Napatayo ako ng makitang may dala dalang bag si Ax habang karga karga si Wayan.

"A-Ax" tawag ko na pilit na hinaharangang sila. "A-ano 'to? Aalis ka? Iiwan mo 'ko dito?"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now