CHAPTER 118

3 0 0
                                    

LUXZELL POV

"LUXZELL BANGON DALI! NANGANAK NA SI ALLIRAH!" sigaw ni Tristan.

Aligaga akong bumangon sa pagkakatulog. Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung anong oras. Narito kami natulog sa bahay ni tito Primo.

"H-ha? Saang hospital?" tanong ko habang nagsisipilyo sa banyo dito sa baba.

"Dalian mo na!" Sabi ni Tristan na aligaga ding kinuha ang susi ng kotse ko.

Patakbo akong lumabas ng bahay.

"Balitaan niyo na lang ako dahil walang bantay sa bahay" sabi ni Yvez.

"Tsk sabihin mo ayaw mong sumama dahil walang bantay si Jichelle" sabi ni Tristan tsaka sumakay na ng kotse.

Madilim pa ang paligid at hindi ko alam kung anong oras na.

"Anong oras na ba? Tsk tsk" inis na tanong ko na kinapkap ang phone ko sa bulsa.

2:35am.

Bullshit? Madaling araw pa!

Nang makarating kami ng hospital ay agad namin hinanap ang kwarto ni Allirah. Hindi naman kalayuan kaya agad naming napuntahan. Nakita ko na hawak na ni Allirah ang anak niya kasama nito si Alisha na tulog sa sofa.

Napangiti ako ng makita ang bata. Nilapitan ko at sinilip ang batang yakap yakap niya.

"He's a boy Luxzell" sabi ni Allirah.

"Pwede bang makarga ko?" tanong ko, tumango naman agad siya.

Dahan dahan ko naman itong kinarga at kinukurot kurot ang pisngi. Cute.

"What his name?" nakatinging tanong ko habang nasa baby ang tingin, sinisilip din siya ni Tristan.

"Rahzell" nakangiting sagot ko.

Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti ito habang nakatingin sa baby na hawak ko.

"Allirah plus Luxzell? Rahzell?" paglilinaw ni Tristan, gusto kong magpasalamat kay Tristan dahil tinanong niya 'yun.

Gusto kong itanong ang bagay na 'yun kaso nahihiya akong itanong sa kaniya.

Tango lang ang naging sagot ni Allirah.

"Hindi naman 'to anak ni Luxzell e" sabi ni Tristan na tinuro pa ang bata.

"Yeah I know. His name will always remember me  that challenges that we encounter" sagot ni Allirah habang nakatingin sa akin. "Atleast sa pangalan niya maalala ko kung kung anong nangyari bago siya nilabas" nakangiting sabi nito, tumango tango naman si Tristan. "Thank you for caring Luxzell, now you can take a DNA test with him" sabi niya.

Aligaga naman akong naglipat lipat ng tingin sa kaniya pati sa baby. Sa tutuusin lang ay nawala na 'yun sa isipan ko pero kailangan ko pa din gawin 'yun.

"B-bukas na lang. Magpahinga muna kayo" sabi ko tsaka inilapag ang baby sa tabi niya.

Napalingon ako ng may pumasok ng doctor.

"Siya ang kukuha ng DNA niyo" sabi ni Allirah. Napalingon naman ako sa kaniya. "Alam kong negative 'yan pero mas maganda na may patunay ka, sige na" nakangiting sabi nito.

Nilapitan nga ako ng doctor tsaka sinimulan na.

TRISTAN POV

"Anong feeling na mapapatunayan mo na hindi ikaw ang ama?" tanong ko sa kaniya.

Nakauwi na kami at kumakain kasama si tito Primo.

"Masaya na medyo malungkot. Tsk tsk hindi ko maintindihan" sabi niya.

"Bakit? Napalapit ka na sa baby ano?" tanong ni tito Primo dahilan para mapalingon kami sa kaniya, tumango naman si Lux. "Nakakaramdam ka ba ng pagsisisi na sana ikaw na lang ang ama ng batang 'yun?"

Pare parehas kaming napahinto sa sinabi ni tito. Napalingon naman kami kay Luxzell.

"H-hindi po sa ganu'n" sagot ni Lux na napunok pa.

"Natural lang 'yan. Ganiyan talaga ang epekto ng isang sanggol. Marami ang naging magulang dahil sa hindi nila kagustuhan pero kapag nakikita nila 'yung baby nagbabago pananaw nila. 'Yan nga ang sinasabi nilang parang anghel ang sanggol at napapagaan ang loob mo" paliwanag ni tito.

"Ganu'n na nga po" sagot ni Luxzell.

Nang matapos ang kainan ay nagyaya ulit si Luxzell na samahan siya sa bahay nina Allirah para tignan ang bata.

"Hi baby" sabi ni Luxzell sa baby na nasa tabi ni Allirah.

Kinukurot kurot pa nito ang pisngi ni Rahzell.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Yvez kay Allirah.

"Ayos na" nakangiting sagot ni Allirah.

"Masakit ba manganak?" inosenteng tanong ko.

Natawa naman ito tsaka tumango.

"Ingatan mo ang baby mo" nakangiting sabi ni Seirho. "Napakagwapo ng anak mo, nagmana sa ganda ng mukha mo"

"Willing akong tumulong kung may kailangan ka pang iba" nakangiting sabi ni Luxzell.

Tsk sobrang bait talaga ni Luxzell. Nakakabading man pakinggan pero bukod sa Daddy ko, si Luxzell ang isang lalaking hinahangaan ko. Thankful ako dahil ako ang naging kaibigan niya, kami ni Yvez. Sobrang bait niya pero mayabang nga lang HAHAHAHAHA shh.

LUXZELL POV

Ilang araw lang ang lumipas ay lumabas na agad ang DNA test result at hindi na nakakapagtaka dahil negative ang lumabas. Hindi ko anak ang batang 'yun

Napalunok si Mrs. Salvador ng makita ang result at nagtatakang tumingin sa akin.

"Sorry Luxzell, h-hindi ako naniwal—"

"Kalimutan na natin 'yun." nakangiting singit ko. "Ang gusto ko lang sabihin na sana sa susunod pakinggan niyo 'yung paliwanag ng anak niyo kasi hindi magsisinungaling ang anak mo" sabi ko.

Tumango naman ito. Halata naman ang pagkakahiya sa reaksyon niya.

"S-Sorry Mr. Primo. I di—"

"Nagawa mo na, hindi mo na maibabalik 'yung dati. Sa susunod 'wag mong susugurin ang anak ko ng wala kang sapat na pruweba dahil kapag naulit pa ito, ipapakulong na kita" sabi ni tito.

Hindi na ako sumingit pa sa usapan nila at ayaw ko na rin pang pahabain.

Nagsiuwian na ang lahat pero nagpaiwan ako kasama ni Allirah. Sinisilip ko pa ang mukha ng baby at nilalaro ang mallit na kamay nito.

"Gawin mo 'kong ninong kapag bininyagan 'to ah!" sabi ko kay Allirah.

Natawa naman ito tsaka tumango. "Sige sige"

"Kamukha mo ang baby mo" nakangiting sabi ko na sinilip din ang mukha ni Allirah pero umiiwas ito ng tingin.

Natatawa naman ako dahil naiilang na siya sa akin.

"Masyadong gwapo 'yung ninong mo Rahzell kaya nahihiya ang mommy mo" nakangiting sabi ko habang nilalaro ang maliit na kamay nito.

"Tss mayabang ka talaga pero hindi mo ginamit 'nung pinaghinalaan ka ni Mom" nakangiwing sabi nito.

"Nagyayabang ako pero hindi ako nanakit ng tao lalo na kapag babae" sabi ko sa kaniya na sinilip pa ang mukha niyang kanina pa nakayuko at ayaw salubungin ang tingin ko.

"Yeah. Another attractive to you" sabi niya na nag iwas ng tingin.

Natawa naman ako tsaka muling nilaro ang kamay ni Rahzell.

"Crush mo 'ko?" Natatawang tanong ko na sinilip pa ang mukha niya. Lalo siyang yumuko. Natawa nanaman ako. "Akalain mo nga namang pati ikaw magkakagusto sakin tsk tsk. 'Wag ako, may hinihintay ako" kahit hindi ako sure kung babalik pa. Nakangiting sabi ko.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now