CHAPTER 12:Welcome Party

32 4 0
                                    

(012)
Welcome Party

ZEVAREIL POV
Yung dating party na kinatutuwa ko noon,kinaiinisan ko na ngayon.Yung dating party na sobrang saya ko,ngayon hindi ko na alam kung ano nga ba talaga.Dating hinihiyawan na pangalan ko,parang wala na ngayon.

Narito ako sa gilid,sa madilim na parte ng pool area.Wala akong kasama,ako lang mag isa.Nagpaalam ako sa kaibigan ko at kay Lux na uuwi na 'ko pero hindi talaga.Gusto ko lang masaktan ang sarili ko habang pinapanood si Lux at Axie na nagsasaya habang pinagtutuksuhan na dapat kami 'yun ni Lux at hindi sila ni Axie.

Hindi ko man sila naririnig sa layo ko pero alam kong tinutukso ni Tristan at Yvez si Lux na isayaw si Axie dahil sa reaksyon nila.

Can't help falling inlove(now playing)

Nagsimula ng tumugtog ang sweet music.Lalong umugong ang paligid.

♫︎Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you♫︎

Lalong umugong ang asar ng magkaibigan kay Lux habang si Lux naman ay palipat lipat naman ng tingin sa mga kaibigan at kay Axie na nanonood lang sa mga sumasayaw pero lumilingon lingon din kay Lux.

♫︎Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?♫︎

"Sige na Lux!Ang duwag mo naman!Sayaw lang naman e"

Dahil sa lakas ng bunganga ni Tristan ay marami ang nakarinig,kahit ako ay rinig na rinig ko 'yun.Marami ang naglingunang estudyante at lalong lumakas ang tuksuhan ng makita ang dalawang magkasa sa iisang table.

♫︎Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be♫︎

Tumayo si Lux at inilapag ang kamay sa harap ni Axie.Napatingin naman si Axie sa kamay ni Lux.

Lalong umugong ang sigawan ng mga estudyanteng nakakita.Hindi na naalis ang tingin ni Lux kay Axie.Marami ang kinikilig dahil sa tinginan nilang dalawa.Halos lahat ay naghihintay ng pagsayaw nilang dalawa.

♫︎Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you♫︎

Inabot naman ni Axie ang kamay kay Lux habang nakangiti.Pumunta sila ng gitna at sumayaw.Halos tutok ang paningin nila sa isa't isa at parang hindi naririnig ang nasa paligid na kung tutuusin ay nasa kanilan ang lahat ng paningin.Nakangiti sila sa isa't isa.

Hindi ko maalis sa sarili ko ang inggit at selos.Dapat ako ang nasa pwesto ni Axie pero dito ako ngayon,nag iisa.

♫︎Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be♫︎

Nakita ko pa ang pagkibot ng bibig ni Lux na halatang may sinabi kay Axie.Hindi ko aasahan na titingin si Axie sa labi ni Lux dahilan para mapalunok ito.Kumibot naman ang labi ni Axie na may sinabi kay Lux.Sila lang talaga ang nagkakarinigan.Nakita ko na manlaki ang mata ni Lux na tumingin kay Ax.Hindi ko maintindihan ang  pinag uusapan nila pero alam ko sa sarili kong nasasaktan ako.

♫︎Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you♫︎

Nang matapos ang kanta ay inalalayan ni Lux si Axie na maupo sa table nila.Nakita ko naman ang nanunuksong tingin ng mga estudyante sa kanilang dalawa pero tulala si Lux na para bang ang lalim ng iniisip.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now