CHAPTER 43

25 1 0
                                    

(043)

TRISTAN POV

"Wow sanaol"react ko kaagad ng bumalik si Yvez galingsa line.

May dala siyang cupcake na kasing laki ng platito at may icing sa ibabaw.Tsokolate 'yun at may mga nips pa sa ibabaw kasama ng icing.

Sininghalan naman ako ni Yvez.Magkaharap sila habang nasa gitna naman ako.Square wood table 'to kaya sakto sa apatan pero dahil tatlo kami,ako ang walang kaharap.

"Wala ba akong ganito?"tanong ko sa cupcake na kain kain ni Jichelle tsaka lumingon kay Yvez.

Iisa lang ang kinuha niya at para lang talaga kay Jichelle.

"Wala.If you want that,get your own"sininghalan niya nanaman ako.

Tsh.

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya si Yvez na kumain ng street foods.Nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya.Hindi siya kumakain ng street foods.

"H-hindi ka naman kumakain ng s-ouch tsh!"inis na sabi ko ng sikuhin niya nanaman ang braso ko,sobra na ha!!!.

"Hindi ka kumakain ng street foods?"nagtatakang tanong ni Jichelle na kay Yvez ang tingin.

Napalingon sakin si Yvez at halatang walang maisip na isasagot."A-ah ano k-"

"Kasi a-ano h-hindi siya sanay na k-kumain ng street foods kapag p-pagkatapos kumain ng madami.D-diba?"singit ko na tinapik pa ang braso ni Yvez.

"A-ahh oo"naisagot naman ni Yvez.

Dahil malapit lang naman ang mga nagtitinda ditong streetfoods ay nilakad na lang namin.

Sa aming tatlong magkakaibigan ay si Lux ang mahilig sa streetfoods habang si Yvez naman ang ayaw.Nakakapagtaka lang ngayon ay kumakain siya kasama si Jichelle.

Smell something...

Nang matapos ay pumunta ng malapit ng Mall sila.Nagulat na lang ako ng bilhan ni Yvez si Jichelle ng tatlong box ng hopya.

Ang cheap!Hoypa ang ipangreregalo niya?Pesteng kano 'to mas korni pa sa pinoy.

"Thank you"tuwang tuwa na sabi ni Jichelle ng iabot sa kaniya ang paper bag na may lagay ng hopya.

"W-wala ka na ba ibang gustong bilhin?"naiilang naman na tanong ni Yvez.

Wow. HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA pinagtripan ko lang kinareer na,kakaiba talaga.

"Okay na 'to sakin.Salamat"sabi ni Jichelle na sinilip pa ang loob ng paper bag.

Nang makarating kami sa subdivision na tinitirahan namin ni Jichelle ay nakiusap siya na sa gate na lang siya ng subdivision ibaba kaya 'yun naman ang ginawa ni Yvez.

Hindi pa ako umalis at nilapitan ang kotse ni Yvez,parehas kaming nakasakay at nagkatinginan lang sa parehas na bukas na bintana ng kotse.

"Gusto mo?"alertong tanong ko na pinatong pa ang braso sa bintana ng kotse ko.

Nangunot naman ang noo niya tsaka suminghal."Baka ikaw ang may gusto"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now