CHAPTER 41

20 0 0
                                    

(041)

AXQUECIA POV

"Kailangan mong pumunta ng kompanya ngayon,may hawak na baril si Lux.Hindi makiusapan.Kinakabahan na 'ko"tawag ni Dad sa gitna ng klase.

Wala ako sa sariling napatakbo sa labas kahit nagkaklase.Narinig ko pang tinawag ako ng teacher pero hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko.

Dali dali akong sumakay ng kotse pero nanlaki ang mata ko ng makitang nakasunod si Tristan at Yvez.No choice ako kundi ang pasakayin sila sa kotse ko at pinaharurot na minaneho.

"Ms. Alvarez,hindi po pwede luma-"sabi 'nung guard.

"Open the gate please.May kailangan kaming puntahan"pakiusap ko.

"Hindi po talaga pwede.Ako po ang mapapagalitan ni Mr. Primo"halata ang pakikiusap sa mukha niya pero kailangan kasi!

Tuliro akong tinawagan si Dad.

"Dad.Hindi kami pwede makalaba-"

"Give him your phone"utos ni Dad na ginawa ko naman agad.

Kinuha naman agad 'nung guard."Okay po sir.Sorry po.Sige po"sabi 'nung guard habang kausap si Dad tsaka inabot sakin ang phone.

Dali dali niya naman binuksan kaya pinaharurot ko kaagad ang kotse ko.

"Ano bang nangyayari?Hindi ko pa nalalaman e kinakabahan na 'ko tsh"sabi ni Tristan.

"May hawak si Lux na baril"tipid na sagot ko pero hindi na nila nagawang magtanong.

Nang makarating kami sa buliding ay hindi na kami gumamit ng elevator dahil mabilis naman ako tumakbo.Patakbo akong pumunta ng office ni Dad at nanlaki ang mata ko ng makita si Lux na may hawak na baril na nakatutok kay Mr. Lafuente.

"Lux"tawag ko pero hindi siya lumingon at tutok na tutok ang paningin kay Mr. Lafuente.

Sabay sabay kaming pumunta sa likod niya.Nasa kaliwa niya naman si Dad.

"Hindi ko inaasahan na ganito pala ang deal na sinasabi mo"natatawang sabi ni Mr. Lafuente pero halata ang takot sa mata niya.

"Ganito ako makipagdeal"malamig na pagkakasabi ni Lux.

Natutuliro naman akong napalingon kay Dad pero halata ang kaba sa pagkakatitig niya kay Lux.Hindi ko alam ang nagyayari.Ano bang nangyayari dito?Anong deal?Anong mayroon kay Mr. Lafuente?

"H-Hindi ko maintindihan ang inaasta mo"naguguluhang sabi ni Mr. Lafuente na pinapanatili ang ngiti sa labi niya pero halata ang takot sa mata niya.

"Hindi mo talaga 'ko maiintindihan Mr. Lafuente kaya ipapaintindi ko sayo"sabi ni Lux na inabot sakin ang Usb at sinenyas ang Tv screen na nasa sala set na hindi man lang inaalis ang tingin kay Mr. Lafuente.

Nakuha ko naman ang pinupunto niya kaya inilagay ko ang usb at hinanap ang file.

"Lafuente"malamig na tono ni Lux,nahanap ko naman agad.

Video?

Plinay ko naman.

Lahat kami nakatingin sa screen maliban kay Lux na tutok ang paningin kay Mr. Lafuente.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang cctv footage.May lalaking nakasuot ang katawan ng itim na jacket,pantalon,sapatos,sumbrero,mask at gloves na binutas ang gulong ng kotse ni tito Lucas at dali daling umalis ng magawa ang pinaplano.Ilang minuto ay lumabas sina Tita,tito at Lexzia na nakangiting sumakay ng kotse.Few minutes,Pagdating ni Mr. Lafuente na nakangiti na nakaformal suit.Few minutes,sa office ni Dad habang nakipagkamay pa sila sa isa't isa.Forward.May tumawag sa phone ni Dad at aligaga itong lumabas ng kotse.Maya maya ay may inalabas na bagay si Mr. Lafuente sa bag niya.Nanlaki ang mata ko na napagtanto ko na ang bagay na 'yun ay ang ginamit na pambutas sa kotse.May dumating na lalaki,ang anak niya.Nagtawanan sila at nagpalitan ng thumbs up.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ