LUXZELL POV
"Yun oh!" Pang aasar ni Tristan na ikinasimangot ko.
Magkasama sina Yvez at Ax na nag oorder ng pagkain namin. Hindi ko naman maawat ang isang 'yun dahil magagalit 'yun kapag kulang ang inorder ko.
"Nakita niyo 'yung talim ng mata ni Axquecia habang nakatingin kay Nix? Nakakatakot Master kaya kung ako sayo 'wag mo ng alisin ang tingin mo kay Axquecia" sabi ni Sevi na binulong pa sa akin, para bang nambabanta pa.
Napalunok naman akong napasilip kay Ax, nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakacross arm. Kanina niya pa hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Oo nga! Naku napansin ko din 'yun kanina" sabi naman ni Tristan.
"Boooom!"
"Uh oh!"
"Ohmygash stop it!"
"Hoy ano 'yan?"
"Gagi HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"Ingay sa loob ng Canteen kaya sabay sabay kaming napalingon doon. Napasinghal pa ako ng makita sina Zaifa Salvador at Vennize Sanches na nambubully nanaman at walang pinagbago, newbie ang binubully nila, si Nix.
"Hoy 'wag mo kong angasan newbie, hindi mo kilala ang binabangga mo" inis na sabi ni Zaifa na pinandilatan pa ng mata si Nix.
"Lalong hindi mo kilala ang binabangga mo Zaifa Salvador" sagot ni Nix na ikinagulat ni Zaifa.
"How did you know my name?" maarteng sabi ni Zaifa. "Ow what's new? My name is popular too, hindi na nakakapagtaka" sabi naman nito.
Zaifa Salvador. Anak ng nagmamay ari ng Malaking factory dito sa Pasig.
"Don't mind them Lux, ang mata ni Axquecia" sabi ni Sevi dahilan para matuon ang tingin ko kay Ax na papalapit na sa pwesto namin.
Hindi naman na bago ang mga nangyayari dito. Madalas talagang pagtripan dito sa Campus ang mga baguhan pero hindi 'yun nangyari kay Ax last year kahit newbie 'to. Malakas ang karisma ni Ax at walang nagbabalak ng masama.
"Let's eat" yaya ni Yvez.
Naupo naman si Ax sa tabi ko na nakangiti kaya napangiti din ako. Nawala ang pangamba sa Isip ko na baka galit siya o nagseselos.
"Ganito pala ang binabanggit niyong kaibahan ko sa ibang newbies last year" sabi ni Ax dahilan para lingunin namin siya.
"Oo. Bullying pero nawala 'yun dahil sayo, bumalik lang ngayon" sabi ni Yvez na nilingon ang mga babaeng binubully si Nix.
Pinagtutulungan si Nix ng mga babae. Nakakaawa naman siya pero mas maawa ako sa sarili ko kapag nakealam ako at nainis si Ax sakin.
"Hey hey!" sigaw ni Ax kay Zaifa at Vennize. "Tama na 'yan! Magsikain na kayo" sabi ni Ax dahilan para sumunod naman ang mga ito.
Hindi ko alam kung bakit napapasunod niya ang mga ito gamit lang ang salita. Ang mga estudyante kaninang nakikichismis ay nagsiupuan na at nagpatuloy sa pagkain.
"Be thankful dahil kinakampihan ka ni Axie" sabi ni Vennize na tinulak pa si Nix.
"Wala akong kinakampihan psh" sabi ni Ax na ikinangiti ni Nix dahilan para lalong mapikon si Vennize.
"Did you hear that? Wala siyang kinakampihan dito, hindi ikaw at lalong hindi ako. Angas napapasunod lahat" pabulong na lang ng sabihin ni Nix ang huling linya pero hindi 'yun nakaligtas sa pandinig ni Ax.
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Alam ko kasing kayang kaya ni Ax patulan si Nix kahit anong oras, walang kinakatakutan si Ax at ayaw ko ng gulo.
"Wag ka na lang magsalita kung ayaw mong mapahawak ng sobra d-"
"Bakit? Siya ba ang leader niyo dito?" singit ni Nix sa sinabi ni Zaifa.
"Ofcourse not" natatawang sabi ni Ax dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "If ever na leader ako, hindi lang gusot na damit at buhok mo ang mangyayari." Sabi ni Ax na inikot ang upuan paharap kay Nix. "Pati laman loob mo"
YOU ARE READING
SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓
RandomSHS SERIES 1 STATUS: COMPLETED (UNDER EDITING) Love story between Luxzell and his second version that named Sevi and their girl name Axquecia. How their love story become perfect if Axquecia loves the machine that reflects to the old Luxzell that na...