CHAPTER 65:BICOL

33 3 0
                                    

(065)

AXQUECIA POV

Hawak ni Lux ang kamay ko ng pumasok kaming Hotel. Private room pala ito para sa Jeon at Alvarez. Para din siyang condo pero hiwa hiwalay ang room namin pero magkakatapat lang.

Ang akala ko ay kami lang nina Dad at Wayan ang narito pero narito din sina Yvez at Tristan. Narito din si Luxzell at Seirho. Kasama din pala si Jichelle.

Ang akala ko ay tig iisa kaming kwarto pero talagang nananadya si Dad dahil limang room lang daw ang mayroon dito. Isa kay Tristan. Isa kay Seirho. Isa kay Dad at Wayan. Isa kay Jichelle at Yvez at isa para sa amin ni Lux.

Nasa baba silang lahat at kumakain kaya sumunod kami ni Lux.

"Yun oh ayos na" sigaw ni Tristan,napangiti naman si Lux.

"Maraming salamat sa inyo" sabi ni Lixzell.

Napasinghal ako. Talagang pinag kaisahan nila 'ko. Kaya pala nagmamadali si Dad dahil dito.

Inalalayan akong maupo ni Lux at tsaka siya naupo sa tabi ko.

"Papa" sabi ni Wayan na tumabi kay Lux. "Kuya Selo,lalo tayo mamaya ha" sabi naman nito kay Seirho, tumango naman at natawa pa si Seirho.

"It's nice to know that you're okay now" sabi naman ni Yvez.

"Okay na tama na." singhal ni Lux tsaka pinagsalinan ako ng kanin sa plato ko, natawa naman sila.

Nilagyan niya ng mga iba't ibang seafoods ang plato ko. May hipon, isda, crab at kung ano ano pa. Binalatan niya pa 'yun para sakin.

"Ako na ako na" sabi ko na inagaw ang binabalatan niya pero agad niya din itong iniwas at nginitian ako, napangiwi naman ako.

Pinagpatuloy niya 'yun at sinubuan pa 'ko. Hindi naman ako nahihiya sa kanila pero kay Wayan, oo.

"Papa ako din" sabi ni Wayan na ngumanga na din.

Napangiti naman si Luxzell at sinubuan din ito. Kumakain kain din siya tsaka muling babaling sa akin para pagbalatan ako.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ang mga kaibigan nito dahil naantok na daw sila. Naiwan naman kami nina Dad, Wayan at Lux.

"Mauna na din kami ni Wayan. Antok na rin yan." Sabi ni Dad. "Wala tayong aasikasuhin ha, sabi sabi ko lang 'yun" sabi ni Dad habang tumatawa kaya napangiwi ako. "Bakasyon niyo 'to kaya libre lahat ni Lux,enjoy" sabi ni Dad tsaka kinarga si Wayan "Bukas tayo gagala" sabi niya pa at naglakad na palayo.

Naiwan naman kami ni Lux. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako, napangiwi nanaman ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta ng next floor para mapuntahan ang room na nakaassign sa amin.

Pagpasok namin do'n ay bumungad agad ang maleta ko. Napasinghal pa ako ng maalala ang ginawa ko. Hindi pala maayos ang mga damit ang nakuha ko, basta ko na lang pinulot 'yun at pinasok.

"Maligo ka na. Dalawa ang banyo dito. Amoy alak ka pa" sumama ang tingin niya sakin tsaka pumasok ng kabilang comfort room.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now