CHAPTER 66:BICOL

29 1 0
                                    

(066)

AXQUECIA POV

Napalunok ako ng mabuo ang sentence.

"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND AXQUECIA?" sabi ni Luxzell habang diresto ang tingin sa akin habang nakangiti pero napapalunok siya.

Halata na kinakabahan siya at nilalabanan niya 'yun. Napangiti naman ako ng lumapit si Wayan na itinaas pa ang papel na hawak niyang may nakasulat na Girlfriend? At winawagayway pa 'yun sa harap ko. Natawa naman silang lahat sa ginawa ni Wayan.

Napatingin naman ako kay Lux. Hinila naman ako ni Wayan papalapit kay Lux. Ngayon ay ang lapit ko ma kay Lux at halata na sobra siyang kinakabahan kahit pilitin niyang itago.

"Yes" sagot ko na ikanalaki ng mata niya. "Yes, I can be your girlfriend" napangiti ako at biglang niyakap.

Napangiti naman ako dahil nararamdaman ko ang panginginig ng palad niya. Nararamdaman ko din ang bilis ng kalabog ng dibdib niya. Hinarap niya 'ko at ngumiting inabot sa akin ang bulaklak,nakangiti ko naman 'yung tinanggap.

Niyakap niya ulit ako at tuwang tuwa naman ang mga kaibigan namin.
"Bakit girlfriend agad? Tsk dapat ligaw muna e" maktol ni Tristan.

"Kaya ko naman siyang ligawan araw araw kahit kami na tsk tsk. 'Wag ka ngang epal" maktol naman ni Lux.

"Ikaw Yvez,kailan mo balak magpropose? Tutulong din kami tapos si Wayan, medyo epic lang pero pwede na" madaldal nanama na sabi ni Tristan, natawa naman kami maliban kay Yvez na binubuyo nanaman ni Tristan.

"Psh. Manahimik ka nga kano" inis naman ni Yvez kay Tristan.

"A-ano? Sino sa atin ang kano e ikaw nga 'tong english ng english" maktol naman ni Tristan.

Hinila naman ako ni Lux na hindi ko napansing may hawak ng gitara. Hinila niya ako malapit sa dagat. Naupo kami do'n habang nakatitig sa buwan na sumasabay sa ganda ng memory ko ngayon.

Maraming stars at napakapresko ng hangin. Wala masyadong turista dito, hindi tulad sa kabila.

"I love you Ax" sabi ni Lux na ikinalingon ko.

Nasa akin ang tingin niya, sa mismong mata ko habang nakangiti.

Ang sarap sa pakiramdam na sabihin niya 'yun sa mismong harap ko.

"I love you too Lux" sabi ko na nasa mismo niya din ang tingin.

Napangiti siya tsaka napayuko para tignan ang gitarang hawak niya.

Kinakalabit niya ito habang nakatingin sa maliwanag na buwan.

-Thank God I Found You / Mariah Carey

"I would give up everything
Before I'd separate myself from you
After so much suffering
I finally found unvarnished truth
I was all by myself for the longest time
So cold inside
And the hurt from the heartache would not subside
I felt like dying
Until you saved my life"♫︎

Napatingin ako sa mata niya ng kantahin 'yun. Para bang kinakausap niya 'ko gamit ang mga liriko.

"Thank God I found you
I was lost without you"♫︎

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now