CHAPTER 52

21 1 0
                                    

(052)

AXQUECIA POV

Nasa sementeryo ako ngayong linggo.Wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong bisitahin si tito Lucas,tita Lexzy at Lexzia sa sementeryo.Ilang buwan din ang nakakalipas ng huling bumisita kami dito ni Dad.

Pagdating ko sa puntod nila ay nanlaki pa ang mata ko ng may makitang bugkos ng bulaklak.Napalingon ako sa paligid pero hindi ko kilala ang mga taong narito na busy rin sa kani kanilang mga binibisita.

Napalingon naman ako sa tatlong puntod na magkakatabi.Nasa kaliwa si tito Lucas,nasa kanan si tita Lexzy at nasa gitna si Lexzia.Nakakatuwang tig iisang bugkos ang bulaklak ang tatlo.

Napaupo ako sa damo at tinitigan ang puntod nila.Malinis na ang mga ito.May bumisita sa kanila bago ako.

Kandila?Walang kandila!

Napatayo ulit ako at nilibot ang paningin.Wala man lang akong dalang kandila kaya naisipan kong bumili na lang.

Napatingin ulit ako sa tatlong puntod bago naglakad palayo.

Naghanap ako ng may tindang kandila.May mga nagtitinda sa labas ng sementeryo kaya nakahanap ako ng nagbebentang kandila.

Lumapit ako do'n at kumuha ng isang balot.Napatitg pa sa akin ang lalaking nagtitinda habang nakaawang ang labi.Nangunot naman ang noo ko na iniwas ang tingin sa kaniya.

Psh.Lalong gumaganda ang tingin ko sa sarili ko sa tuwing may magrereact ng ganiyan habang nakatingin sakin.

Napatingin naman ako sa itsura niya.Hindi ko naman sinasabing pangit siya pero parang ganu'n na nga.Psh.Oh bakit?bawal na ba magsabi ng totoo?

Malaki ang mata,malaki ang ilong na pango pa.Malaki ang bibig at kayumanggi ang kulay.Maliit na nasa tingin ko ay edad katorse.Magulo ang buhok at ang damit ay marungis.

Hindi ako nanghuhusga sa katayuan ng buhay niya pero hindi ko rin sinabing gwapo siya.

"How much?" tanong ko.

Naguluhan naman itong naglipat lipat ng tingin sa akin at sa hawak kong supot ng kandila.

"A-ahh ano 'yan trenta" sabi niya na natutuliro pang tumuro sa hawak ko.

Kumuha ako ng 50 pesos at binigay sa kaniya.Aalis na sana ako ng...

"M-miss ano 'yung sukli mo" sigaw niya.

"Sayo na 'yan" sabi ko ng lingunin ko siya tsaka muling bumaling sa daan para maglakad kaso...

"Sayo na 'ko?" banat niya na ikinalingon ko,nakangisi siya.

Napangiwi naman ako tsaka napasinghal.

"Magtinda ka lang,hindi mo ikalalago ang banat mo" inis na sabi ko habang naglakad palayo.

Bwisit na bata 'yun.Babanat pa sakin akala mo naman hindi totoy.Psh.

Sa paglakad ko papalapit sa puntod nina tito ay may nakita akong lalaki na nakaupo sa damuhan malapit do'n na may dalang pagkain at kumakain mag isa habang hinahaplos haplos ang puntod ni tita.

Nakajacket na kulay blue na may hood.Naka maong na pantalon at puting sapatos.Nakatalikod man siya ay alam ko kung sino siya.

Napalunok ako ng mapalingon siya sa gawi ko,si Lux.Ang akala ko ay Lunes na kami magkikita pero parang napaaga ngayon.

Nanlaki ang mata nito ng makita ako at natulirong lumingon sa paligid.Napalunok muna ako bago lumapit sa puntod nina tito para magsindi ng kandila.Alam kong nakatingin lang siya sakin habang ginagawa ko ito.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora