CHAPTER 108

7 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Ang laki ng saging ano?" tanong ni Ax habang kumukuha ng saging.

Nasa bahay ko kaming dalawa habang nasa Mall nanaman si Seirho at bumibili ng lulutuin niya nanaman.

Napalunok ako ng makitang isubo niya ang pagkalaki laking saging. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko dahil sa pinapakita niya. Kumuha nanaman siya ng panibagong saging at isubo 'yun. Napalunok akong nag iwas ng tingin.

"May hotdog ka ba diyan?" seryosong tanong niya.

Napalunok naman ako. "H-ha?" Nagtatakang tanong ko.

Nangunot naman ang noo niya. "Hotdog"

Napalunok nanaman ako. "W-wala" sagot ko tsaka nag iwas ng tingin.

Nang aakit ba siya? Tsk tsk.

"Bakit namumula ka? Psh. Imagine" sabi niya na natawa pa.

Kumuha nanaman siya ng panibagong saging. Binalatan 'yun habang nakatingin sa mata ko tsaka dahan dahang sinubo habang nasa mata ko pa din ang tingin. Napalunok naman ako sa ginagawa niya.

"S-stop teasing A-Ax. I-Its not funny" inis na singhal ko na agad ding nag iwas ng tingin.

"Teasing huh" nang aasar ang pagkakangisi niya. "Talagang magaling ka lang mag imagine" natatawang sabi niya. "Pero kung..." Putol niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Kung ano man 'yang naiisip mo, tama ka" nakangising sagot niya, napalunok naman ako. "Kaya ko 'yan" nakangiting sabi niya na sumubo ulit ng saging.

Napapikit ako at napakuyom ng palad. Talagang nang aasar pa siya! Hindi maganda ang sitwasyon ko!

"K-kaya alin? T-tigilan mo nga ako Axquecia" inis na sabi ko na halos hindi maayos ang sinasabi dahil sa pagkakautal.

Naiintindihan ko ang pinupunto niya at todo ang pagpipigil ko. Ang hirap ng sitwasyon ko!

"Bakit kinakabahan ka?" natatawang tanong niya. "Ano bang naiisip mo" nakangising sabi niya na kinagat pa ang sariling labi.

Ano bang pumasok sa isip nito at ang lakas mambuyo.

"G-gumagawa ka kasi ng iisipin" inis na singhal ko.

"Anong iisipin? 'Yung kaya ko 'yan?" natatawang tanong niya. Napatikop nanaman ako ng bibig. "Gusto mo bang itry natin?" nakaangat ang gilid ng labi niya, nang aasar. Napalunok naman ako sa trip niya. "Ano?" natatawa pa siya.

"T-tigilan mo nga ako A-Ax! H-hindi nakakatuwa tsk tsk" hindi na yata mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Ako ang lalaki pero ako 'yung kinakabahan! Nakakainis! Hindi kasi maganda ang trip niya. Hindi ko inaasahan na aasarin niya 'ko sa ganitong paraan. D-dapat ako ang nang aasar sa kaniya sa ganitong bagay pero siya ang malakas ang loob na asarin ako.

"Matutuwa ka kapag sinubukan natin" nakangising sabi niya.

"E-ewan ko sayo" inis na sabi ko tsaka tinuon ang tingin sa pagkain.

Natawa naman siya at tsaka pinagpatuloy ang pagkain niya.

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya siyang pumunta ng J.A Company at hindi ko siya kayang tanggihan kaya sinamahan ko na siya para makapagbisita din ako doon.

"Good Afternoon Mr. Jeon and Ms. Alvarez"

Bati sa amin ng mga empleyado. Ngiti lang ang naisagot namin tsaka sabay na sumakay ng elevator para mapuntahan ang office ni tito Primo. May kung anong pagkamiss ang naramdaman ko sa tuwing papasok ako rito. Naalala ko ang mga memory namin dito ng pamilya ko tsk tsk.

Nawala ang iniisip ko ng bigla akong yakapin ni Ax mula sa likod. Nalangiti akong sinilip pa siya sa likod. Kaming dalawa lang dito sa elevator.

"Did you want something?" nanlalambing na tanong ko.

Umiling naman siya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap. Napapangiti ako sa ginagawa niya.

"Birthday mo pala sa December 15" sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya at tumango. "Totoo ngang swerte ang mga pinanganak ng December" natatawang sabi niya.

Napangiwi naman ako tsaka siya inakbayan ng bumukas ang elevator. Marami ang naglilingunang empleyado sa amin at ngumingiti pa habang nasasalubong ang tingin namin.

Nang makapasok kami ng office ay naabutan namin si Krivz na nagbubuklat ng mga papel sa sofa, napalingon siya sa amin tsaka tumayo at yumuko bilang pag galang.

"Mr. Primo is on meeting. Mamaya pa siya makakabalik" nakangiting sabi nito.

Sumenyas naman si Ax na bumalik ito sa ginagawa niya kaya sinunod naman agad nito. Nagkalingunan pa kami ni Ax tsaka siya pumunta ng table ng Dad niya at kung ano ang kilakikot doon.

"May hahanapin ka?" tanong ko na nasa papel ang tingin.

Mga employer's report ang mga nasa table ni tito Primo.

"Wala, chinicheck ko lang" sabi niya habang binubuklat ang mga folder.

Napatingin naman ako kay Krivz na abala din sa ginagawa. Naupo naman ako sa kaharap ng sofang kinauupan niya. Napalingon siya sa akin tsaka ngumiti.

"How's your work?" nakangiting tanong ko.

"Doing better Luxzell, how are you?" tanong niya din.

"Still fine and cool"

Natawa naman siya sa sagot ko. "Yeah you're still cool, its true" nakangiting sabi nito.

"Psh" rinig kong singhal ni Ax dahilan para mapalingon kami sa kaniya pero nginiwian niya lang kami.

"By the way, kadadaan lang din dito ni Yvez Alvarez kaso umalis din agad dahil nasa meeting si Mr. Primo" sabi ni Krivz, napalingon naman ako sa kaniya.

Napatango naman ako tsaka nagtatakang tumingin kay Ax pero abala ito sa binabasa. Ano kaya ang pakay ny isang 'yun?

Nang matapos si Ax sa pagcheck ay nagpaalam na kami kay Krivz na aalis na kami at binilinan itong sabihan si tito Primo na napadaan kami. Dumiretso kami sa bahay ni Nix.

"Ow wow! May unexpected visiting ka na palang nalalaman beshy ha" madaldal nanamang sabi ni Nix.

Napalibot ko naman ang tingin ko. Hindi ito kasing laki ng tinitirahan namin ni Sevi pero alam kong mamahalin ang mga gamit at dahil sa sobrang tahimik nito ay paniguradong siya lang ang nakatira.

"Stop calling me beshy, it sounds weird" singhal ni Ax na naupo sa sofa tsaka hinila ako para mapaupo sa tabl niya. "Ikaw lang mag isa dito. Ano naman pinagkakakaabalahan mo dito?" nagtatakang tanong ni Ax habang nilibot din ang tingin sa kabuuhan ng bahay.

Kulay pink ang pintura, pang babae masyado tsk tsk.

"Watching p*rn is enoug—"

"After watching, then what next?" nakangising tanong ni Ax.

"Uhmm you know na!"

"Psh, ang bastos mo talaga"

"Wow! 'Wag mo 'kong pinagloko Axie, alam nating dalawa kung sino ang pinakabastos"

Ako ang naiilang sa pinag uusapan nila. Hindi ba nila napapansin na lalaki ang kasama nila para lang magkwento ng ganiyang bagay?

"By the way, may nakita akong pogi sa Miranda International School 'nung nakaraang araw gagi" maharot na sabi ni Nix na kinikilig pa tsk tsk. "And you know what! His name is Minux, ohmygash ang gwapo!"

"Psh, lalakero"

Parehong pareho sila ng ugali ni Tristan, lahat yata ng babaeng magaganda e gusto niya. Una si Xhiellow, sunod si Heliexia 'yung kaibigan ni Jichelle, sunod si Nix. Alam kong type niya sa Nix pero indenial siya. Halata namang gusto niya e. Sunod may gusto nanaman siyang taga VIS. Grabe babaero! Wala pang jowa 'yan, paano kung mayroon na? Gulo yan panigurado.

---------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now