CHAPTER 56

20 1 0
                                    

(056)

SEIRHO POV

"TEKAAA NAMAN!" maktol ko ng hilain ako nina Tristan at Yvez sa kung saan.

Uwian ngayon at nagmamadali akong umuwi dahil paniguradong maglalasing nanaman si Master Luxzell pero ito ako ngayon at hila hila ng dalawa.

"Psh.Nagmamadali ka kasi!Sabing sumama ka na e madali lang!" sabi ni Tristan na tulak tulak ang likod ko habang si Yvez naman ay hawak hawak ang kamay ko.

Napanguso na lang ako sa ginagawa nila.Para silang bata sa pinaggagagawa nila sa akin.

Kahapon lang ay seryoso silang naghahanap kay Axquecia pero ngayon ay parang bata silang pinipilit akong isali sa laro. Hindi ko nga alam kung saan nila nakita si Axquecia kahapon. Hindi naman kasi 'yun ang inaalala ko kundi si Master na nagpapalunod na sa alak kapoproblema para lang maibalik niya 'yung saya para lang makasama ang babaeng 'yun.

Napalingon na lang ako ng marinig ang tilian ng mga babae sa isang room.Marami ang nakadungaw do'n at may nagtatatalon pa sa kilig habang tinitignan kaming papalapit do'n.Marami ding camera ang nakaharap at sobrang ingay.

"SAAN BA KASI TAYO PUPUNTA?NAGMAMADALI AKO OH!" sigaw ko dahil hindi kami magkarinigan dahil sa lakas ng tilian at sigawan.

Puro high school students at mangilan ngilan lang ang senior high.

"Pwede bang sumama ka na lang.Nagmamadali ka pala e ang bagal mo maglakad!" galit na ba si Tristan?inis na inis ang tono niya e.

Napanguso naman ako tsaka nagmadaling naglakad.

Wala akong kaidedeya kung anong gagawin nila,kung mayroon nga bang gagawin sila.Hindi ko alam kung anong pinagagagawa nila at kailangan nila kong hilain para lang mapapayag ako.Sinabi ng nagmamadali ako e tsk tsk.

Lalong lumakas ang sigawan ng makalapit ako do'n,may nagsisidatingan pang estudyante.Napangiwi akong yumuko.Nabigla na lang ako ng huminto si Yvez at Tristan sa isang pintuan.Walang bintana 'yun kaya malamang ay hindi ko malalaman kung anong mayroon sa loob.

Hinila naman ako ni Yvez papasok at napasinghal talaga 'ko sa inis.Naiinis ako dahil kailangan ako ni Master ngayon dahil baka naglalasi-

Naputol ang naiisip ko ng humarap ako sa loob.Nakita ko si Axquecia na nakaupo habang kinakalabit ang gitara.Hindi siya nakatingin sakin dahil nakatagilid lang siya sa gawi ko.Naguguluhan akong napalingon kay Tristan at Yvez pero hindi sila nakatingin sakin kundi kay Axie.

Natahimik naman ang mga estudyanteng nakadungaw sa pintuan at naguguluhan ako.

-(When I Met You / APO Hiking Society)

"There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about"♫︎

Unang lirikong kinanta ni Axie dahilan para dahan dahan akong mapalingon sa kaniya.

Ang ganda ng boses niya.

"Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was, so in love with you"♫︎

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now