CHAPTER 103

6 0 0
                                    

LUXZELL POV

"It's nice to know that you're here Mr. Jeon" bungad sa akin ni Mrs. Salvador ng makapasok ako ng building ng kumpanya niya.

"It's also nice to know that you have project and you choose me to be with you" nakangiting sabi ko tsaka nakipagkamay.

Sinenyasan niya akong maupo kaya naupo ako sa sofa, naupo naman siya sa kaharap ko.

"So it means you are agree to my offer?" nakangiting tanong nito, tumango naman ako. "So the project that I plan is to build a new school in Cebu. Wala masyadong school sa lugar nila kaya naisip ko na magpatayo ng isang school. Alam mong estudyante ang focus ng kumpanya namin kaya naisipan ko ito. So nakasama ka na din namin sa unang project so alam ko na matutulungan mo kami" mahabang paliwana ni Mrs. Salvador.

"Anytime Mrs. Salvador. Willing din ako tumulong sa mga bata and I'm willing to cooperate with you, financially or physically" nakangiting sabi ko.

"Sa financial, kahit one fourth lang ang contribution mo ay ayos na sa akin. Nakahanda na rin kasi kami sa ganitong bagay at may mga tauhan na rin kami doon. Ang gusto ko lang ulit is samahan mo ang anak ko at gabayan ito sa ganitong project"

Tumango naman ako. "Ako na po ang bahala"

"Oh. Andiyan na pala ang anak ko" sabi niya na nakatingin sa pinto kaya napatingin din ako doon.

B-Babae. Hindi ko alam na babae ang anak na panganay ni Mrs. Salvador. Oo nga pala shit! Walang sinabi si tito Primo kung babae ba o lalaki ang anak na panganay ni Mrs. Salvador.

"Luxzell, this is Allirah Crystal Salvador" pakilala ni Mrs. Salvador sa anak niya. Napatayo naman ako at hinarap 'yun. "Allirah, this is Luxzell Jeon. Siya ang makakasama mo sa Cebu" pagpapakilala naman sa akin ni Mrs. Salvador.

Ngumiti naman kami sa isa' isa tsaka nagkamayan.

"Nice to meet you" nakangiting sabi nito.

Matangkad siya, kulay light brown ang kulay ng buhok. Mahaba at maalon ang buhok. Maputi at mukhang manika dahil sa haba ng pilik mata.

"Same" nakangiting sabi ko.

Sabay kaming naupo sa sofa at hinarap si Mrs. Salvador.

"School ang gagawin kaya matatagalan ito at alam kong may pasok kayo kaya naisipan kong isang araw lang kayo magmamanage doon. Mayroon akong tauhan na maghahandle ng mga constuction worker doon. Ang gagawin niyo lang ay sisiguraduhin niyong maayos na ang lahat bago niyo iwan" mahabang paliwanag ni Mrs. Salvador, tango naman ang naging sagot namin ni Allirah. "May hotel sa Cebu na tutuluyan niyo at mayroon din akong tauhan doon na mag aasikaso sa kaniya." Sabi nito na naglilipat lipat ng tingin sa aming dalawa. "Make sure na ayos ang lahat bago kayo umuwi rito. Wala naman masyadong aasikasuhin doon. Just take note what happen in Cebu" nakangiting sabi nito.

"No worries Mom, we can do this right?" tanong ni Alisha na nilingon pa ako, naiilang naman akong tumango.

"Good" nakangiting sabi ni Mrs. Salvador. "3am ang alis niyo at ipapahatid ko kayo sa tauhan namin sa airp—"

"N-No need Mrs. Salvador. May private plane po ako. Mas madali 'yun" singit ko sa sinabi ni Mrs. Salvador.

"Oh? Great great. Sige be prepared" sabi nito.

Nang matapos ang usapan ay umuwi na agad ako para ayusin ang gamit ko. Sinabi ko na rin kay tito Primo ay napag usapan at pupunta si Ax ngayon sa bahay.  Tinutulungan ako ni Sevi na mag impake ng gamit ko.

"Sure ka bang hindi ka magpapasama?" pang uulit niya sa tanong niya na kanina niya pa tinatanong ko.

"Oo nga tsaka isang araw lang naman 'yun." Sabi ko habang naglalagay ng damit sa bag.

"Iisa lang ba ang kwartong tutuluyan niyo?"

Napalingon ako kay Sevi ng itanong niya 'yun.

"H-Hindi ko alam" sagot ko. "T-tsaka imposibleng kuhanan kami ni Mrs. Salvador ng iisang kwarto. Alam niyang lalaki ako at babae ang anak niya tsk tsk" sabi ko tsaka nagpatuloy sa pagliligpit.

Hindi ko talaga alam kung anong hotel ang papasukan namin. Pero alam kong hindi naman 'yun gagawin ni Mrs. Salvador na patulugin kami sa iisang kama.

"Lux!" may tumawag sa akin, si Ax. Napalingon ako sa pinto, kakapasok niya lang. "Are you sure na one day lang 'yan?" paniguradong tanong niya na nagcross arm pa, tumango naman ako. "Tatawagan kita every minute just make sure na ayos ka lang"

Napangiti naman ako ng todo sa sinabi niya. "Sure no problem" Nakangiting sabi ko.

"Psh take care. 'Wag kang gagawa ng ikaseselos ko" sabi ni Ax, tumango naman ako.

Lumapit ako sa kaniya tsaka hinalikan siya. Naramdaman ko naman ang palad niya sa bewang ko, napangiti naman ako dahil simple lang ang halik ko pero mahigit ang pagkakakapit nito sa gilid ng damit ko.

"Masarap ba?"

Natigilan kami ng magtanong ni Sevi. Sumama naman ang reaksyon ng mukha ko. Napalingon ako kay Ax ng tumawa ito. Lalong sumama ang mukha ko.

"Stop asking like that Sevi, it's wierd" singhal ko tsaka pinagpatuloy ang pag aayos ng damit.

Nang matapos ay agad akong pumunta ng airport,baka naghihintay na si Allirah. Nang makapunta nga ako ay tama ang hinala ko tsk tsk.

"S-sorry na late" sabi ko na napakamot pa sa ulo.

Ngumiti naman ito tsaka tumango. "Ayos lang, kararating ko lang din" sabi niya.

Sinenyasan ko naman siyang sumunod at nakita ko kaagad si Mr. Fritz, ang tauhan ni Dad. Kinuha niya agad ang gamit namin at pimatuloy sa loob ng private plane ko. Si Mr. Fritz na kasi ang nagmamaneho nito. May lisensiya na din siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Allirah dahilan para mapalingon ako sa kaniya, tumango naman agad ako.

Kumain ako ng niluto ni Sevi bago umalis.

Nanatili kaming tahimik sa byahe at panay ang tingin ko sa phone ko. Walang signal tsk tsk. Napatingin naman ako kay Allirah, nakatulog na siya. Halata namang magkakasundo kami nito. Mas okay nga lang sa akin si Alisha dahil mas bata sa akin pero si Allirah, hindi ko alam kung mas matanda siya sa akin o magkaedad kami.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now