CHAPTER 111

5 0 0
                                    

LUXZELL POV

Nagulat ako ng bigla akong sampalin ni Mrs. Salvador. Napahawak ako sa pisnging nasampal niya. Kasama niya si Allirah na nakayuko at umiiyak.

What happened?

"W-What's wrong with you Mrs. Salvador?" nagtatakang tanong ko.

Napalingon naman ako kay Ax at kahit siya ay nagtataka din sa ginawa ni Mrs. Salvador. Nasa parking lot kami ng Campus at uuwi na sana nang biglang lumapit si Mrs. Salvador at sampalin ako ng pagkalakas lakas.

Wala akong idea kung bakit niya ginawa ang bagay na 'to at dito niya pa talaga ako sesermonan at hindi sa pribado.

"Binuntis mo si Allirah!" galit na sigaw niya.

Napaawang ang labi ko at dumaungdong ang kaba sa sinabi niya. Napalingon ako kay Allirah pero hindi niya ako tinitignan at nanatiling nakayuko lang habang umiiyak.  Hindi ako kinabahan sa ibinibintang niya kundi sa magiging reaksyon ni Ax. Napalingon ako kay Ax at seryoso na ang mukha niya habang nakatikop ang bibig.

Aligaga akong napalingon kay Mrs. Salvador.

"N-no. H-hindi. H-hindi ko magagawa 'yun Mrs. Salvador" agad na tanggi ko.

Naalala ko ang usapan namin ni Allirah. She was raped by her own boyfriend.

"Anong hindi magagawa? 1 month pregnant siya Luxzell at ikaw ang kasama niya 'nung nasa Cebu kayo" galit na galit ang tono ni Mrs. Salvador na nagpapadagdag sa kaba ko.

"M-Mrs. Salvador I explai—"

"I don't need your explination Luxzell. Parehas kayog tumatanggi ni Allirah e kayo lang naman ang magkasama 'nung huling buwan" pinandilatan niya pa ako ng mata.

Napalunok akong napalingon kay Ax, nakakuyom na ang palad nito. Lalong hindi maintindihan ang kaba ko.

"I trust you Luxzell then you do this to my daughter? Tinago niyo pa talaga sa akin? Nalaman ko na lang 'nung lumalaki na ang tiyan niya?" galit na galit ang tono ni Mrs. Salvador.

Hindi ko na alam kung paanong hihinga sa sitwasyon. Alam kong wala akong ginawa at wala akong dapat ikatakot dahil alam ko ang tama pero natatakot akong baka hindi nila ako paniwalaan dahil maraming bagay ang nagtutugma na pwedeng gawin nilang rason.

"M-Mrs. Salvador,w-wala po talaga kaming ginawa. Maniwala po kayo sakin. H-hindi ko po magagawa 'yun sa anak niyo" pilit na pinapaintindi sa kaniya.

Nagtama ang paningin namin ni Allirah pero agad itong umiwas ng tingin.

"Mom, 'wag dito Mom please" umiiyak na sabi ni Allirah.

"Isa ka pa! Ang bata bata niyo pa para sa bagay na 'yan! Pinagkatiwalaan ko kayong dalawa tapos ganito ang mangyayari?" inis na inis na sabi ni Mrs. Salvador na nilingon ako.

"Mom, I already explain Mom. 'Wag dito" umiiyak na sabi ni Allirah.

Napalunok akong napalingon kay Ax. Nakayuko na din siya habang nakakuyom ang palad. Napalingon din ako sa mga kaibigan ko at nagtatanong ang mga tingin nila habang halata ang inis sa tingin ni Yvez. Napabuntong hininga ako tsaka iiling iling.

"Allirah" tawag ko kay Allirah dahilan para mapalingon ito sa akin. "Ano 'to?" inis na tanong ko na lumapit pa sa kaniya dahilan para mapaiyak siya lalo.

Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Mrs. Salvador palayo. "Wag kang maiinis sa anak ko. Anong balak mo sa magiging anak niyo?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nag aalinlanagan akong napatingin sa tiyan ni Allirah. Hindi ko anak ang nasa tiyan niya.

"I-I'm not the father of her child Mrs. Salvador."

Nakagat ko ang sariling labi ko ng bigla akong sampalin ulit ni Mrs. Salvador.

"Hanggang kailan mo itatanggi na hindi mo anak ang batang ito?" galit na gitil ni Mrs. Salvador sa akin.

Napalunok ako at hindi maintindihan ang kabang nararamdaman. Hindi ko na alam ang idadahilan ko. Nawawalan ako ng isip sa sitwasyon at hindi ko malaman ang isasagot ko. Naisabi ko na sa kaniya lahat maliban sa narape si Allirah ng sarili niyang boyfriend pero mas naiisip ko pa din ang privacy. Ayaw kong ipagsigawan ang bagay na 'yun dito sa maraming tao. Naiisip ko pa din ang kapakanan ni Allirah.

"What is it?" Singit ni tito Primo.

Napayuko ako sa sobrang seryoso niya. Sunod sunod ang paglunok ko sa sobrang kaba.

"Binuntis ni Luxzell ang anak ko" inis na sabi ni Mrs. Salvador na nilingon pa ako. Napalingon naman sa akin si tito Primo, nagtataka ang tingin niya. "Allirah is 1 month pregnant and 1 month ago ng magsama silang dalawa sa Cebu"

"So..." putol ni tito Primo na nilingon kaming tatlo ni Mrs. Salvador at Allirah, seryosong seryoso ang mukha niya. "Kailangan ba talagang dito niyo pag usapan ang bagay na 'yan? Sa harap ng maraming estudyante Mrs. Salvador?" kalmadong tanong ni tito Primo, napalunok naman ako. "Umuwi na kayo at ako na ang bahalang kumausap kay Luxzell" napatikop ako ng bibig, nakakaba ang seryosong tono niya.

"Babalikan kita Luxzell at ihanda mo ang sagot mo kung may balak ka bang panindigan ang batang dinadala ni Allirah" sabi ni Mrs. Salvador sa akin tsaka naglakad palayo.

Ang akala ko ay mawawala na ang kaba ko pero para bang lalong dumaungdong ang kaba ko nang maiwan kami.

"Magsiuwian na kayo dahil gabi na" sabi ni tito Primo sa mga estudyanteng nakikichismis tsaka siya bumaling sa amin. "Luxzell, mag uusap tayo sa bahay mamaya" sabi ni tito Primo tsaka kami tinalikuran.

Napalingon naman ako kay Ax nang maglakad ito palayo.

"A-Ax" tawag ko pero hindi siya lumingon at padabog pang nagsara ng pinto ng kotse niya.

Nagulat ako ng biglang dangkutin ni Yvez ang kwelyo ko.

"Kailan mo pa pinagloloko ang pinsan ko?" galit na galit si Yvez.

"Y-Yvez, hindi ko niloloko si Ax. H-hindi ako ang ama ng dinadala ni Allirah" kabadong sagot ko.

"Kung hindi ikaw? Who? Luxzell who?" Inis na sabi niya na lalong idiniin ang pagkakahawak sa kwelyo ko.

"Stop it" awat ni Sevi na inalis ang kamay ni Yvez sa kwelyo ko. "Wag dito pakiusap" sabi nito tsaka pumwentso sa unahan ko.

Napahilamos naman ako sa mukha at inis na inis na tumingin sa malayo.

"Explain it Luxzell" nambabanta ang tono ni Yvez at padabog ding sumakay ng kotse niya.

"Luxzell I trust you. Explain mo lang 'yung tama erp" sabi ni Tristan tsaka sumakay na rin ng kotse niya.

Hindi pa rin nabawasan ang kaba ko.

"Tara na at baka naghihintay na sila doon" sabi ni Sevi.

"N-Natatakot ako" kinakabahan na sabi ko.

"Bakit ka natatakot? Alam kong hindi mo gagawin 'yun. 'Wag kang matakot kung tama ka" sabi niya tsaka ako pinapasok ng kotse.

Si Sevi ang nagmaneho habang nanatili akong tulala sa kawalan. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

---------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now