CHAPTER 49

22 1 0
                                    

(049)

SEIRHO POV

Pagkatapos ng mga laro ay kaniya kaniya na kaming uwian.Naninibago ako sa pamumuhay na ito na kung sa tutuusin ay ngayon ko nga lang ginawa at ngayon lang ang ako namuhay sa mundong ito.

Marami ang gustong lumapit sa akin para magpapicture pero kaonti lang ang nagkaroon ng larawan kasama ako dahil nagmadali din akong umuwi.Nagsabi kasi si Master na bumili ako ng makakain bago umuwi.

Hindi naman ako nahirapan dahil ginabayan ako ni Master kung saan bibili at pinapunta niya pa ako sa Mall na pag mamaya ari nila.Nakakabilib nga dahil kahit sa Mall ay nililingon ako at namamangha sila.

May mga mata ding nagtataka at halata ang pagkagulat na makita ulit ako,si master.Maayos ang pagpapatakbo ng Mall base sa isang tauhan nila dito,paniguradong ito ang kinuhang manager ng pamilya ni Lux para sa mag aassist sa Mall.

Nang makauwi ako ay naglinis muna ako ng bahay.Alam kong walang balak si Master lumabas ng lab kaya ako na ang naglinis.Natapos 'nun ay dumiretso ako ng hidden room ni Master.

Nanlaki na lang ang mata ko ng makita itong nakaupo sa sofa habang nakacross arm at malamig na nakatingin sa akin.Inilatag ko sa dinning area ang binili kong makakain at naupo sa kaharap na sofa na kinauupuan ni master.

"Ayos ba ang halik ng mahal ko?" Seryosong tanong niya.

Nanlaki naman ang mata ko tsaka nagbuntong hininga.

"Hindi ko inaasahan nagagawin niya 'yun ah" napanguso ako na nag iwas ng tingin sa kaniya.

"Punasan mo ang labi mo"

Nanlaki ang mata kong lumingon sa kaniya ng abutan niya ako ng panyo pero seryoso pa din ang tingin sakin.

"Bakit?" Nakangiwing sagot ko na tinignan muna ang panyo bago kinuha.

"Hinalikan ka e tsk tsk" maktol niya na nagcross arm at iiling iling sa kung saan ang tingin."Remove that mark on your lips or I remove your lips"

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya ng sabihin niya 'yun.Hindi ko man lang maisip na biro 'yun dahil alam kong kaya niyang gawin ang bagay na 'yun.

Dali dali akong nagpunas ng labi.

"Idiin mo naman ang pagkakapunas" inis na sabi niya na tinaasan pa ako ng kilay.

Napanguso muna ako bago diniinan ang pagkakapunas sa labi ko.

"Wag mo naman halikan 'yun tsk tsk."Kasalanan ko pa tsk tsk."Oo kasalanan mo tsk tsk" napangiwi na lang ako ng maalala na nababasa niya pala ang isip ko."Kahit second Verison kita nagseselos ako shit"

"Dapat kasi ay ikaw na lang ang naroon" sabi ko na inilapag ang panyo sa table."What I mean is bumalik ka na"

Napatikop ito ng bibig tsaka napaupo ulit sa sofang kinauupuan niya kanina.Madiin siyang umiling na nasa malayo ang tingin.

"Hindi ko pa kaya.Kaya ko silang pakisamahan,kaya kong pakisamahan ang mga kaibigan ko pero 'yung makakita ng ikakasakit ko,'yun ang hindi ko pa kaya.Alam kong ikaw lang ang nakakaunawa sakin ngayon"

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now