CHAPTER 89

6 0 0
                                    

LUXZELL POV

"HOY ANG BAGAL NIYO DALIAN NIYO NAMAN!" maktol ko dahil ang babagal nila maglakad!

"Pinagpapawisan ka nanaman" rinig kong sabi ni Ax kaya napalingon ako sa kaniya.

Naglalakad kami papunta sa office ni tito Primo dahil may sasabihin daw ito sa amin. Nakakamaktol talaga dahil tunatagaktak nanaman ang pawis ko, ang bagal pa nila maglakad.

Naramdaman ko na punasan ni Ax ang pawis ko kaya hinayaan ko na lang siyang gawin 'yun. Gustong gusto ko na inaalagaan ako lalo na kapag siya ang nag aalaga tsk tsk.

Nang makarating kami ng office ay binungad agad kami ni tito Primo ng ngiti.

"Maupo kayo" sabi niya, sumunod naman agad kami. "Alam niyo namang nagbibigay tayo ng financial education para sa mga taga Bicol hindi ba?" may kung anong tuwa ang naramdaman ko dahil alam ko na. "Nakakalungkot lang dahil wala si Lucas para tulungan ako" do'n nawala ang ngiti ko, naramdaman ko na lang ang kamay ni Ax na humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa kaniya pero nasa pizza na kinakain niya ang tingin niya. Pagkain nanaman tsk tsk. "Isasama ko kayo sa Bicol at tutulungan niyo sina Lux at Axie na magcontribute ng pera" napangiti akong napalingon sa mga kaibigan ko.

"Kasama po ba ako tito?" tanong ni Nix.

Ngumiti naman si tito at tumango. "Oo naman para may kasamang babae si Axie" sabi ni tito na nilingon pa si Ax na kumakain kasama si Tristan. Tsk tsk basta talaga pagkain, nagkakasundo ang dalawang 'to. "1 week 'to kaya enjoy kayo, ako na ang bahala sa parents at teachers niyo"

Tuwang tuwa naman kaming lahat nang makalabas.

"Sus, masaya si Nix kasi makakasama ako" sabi ni Tristan na ngumiwi pa.

"Excuse me?" pagtataray ni Nix. "Syempre naman" nakangiting sabi nito na niyakap pa si Tristan.

Para namang nandidiri si Tristan na tinulak pa si Nix palayo.

"Don't touch me, kamay mo madumi!" babakla baklang dabi ni Tristan na animoy diring diri kay Nix.

"Bading ka?" natatawang pagtataray ni Nix.

"Hindi syempre" napangiwing sabi ni Tristan.

"Talaga lang ha, baka bading k—ahh!" tili ni Nix ng hilain siya ni Tristan palapit sa kaniya. "S-sabi ko nga hindi ka bading tsh" sabi nito na dahan dahan pang tinulak si Tristan.

Napasinghal naman ako. Bagay sila, parehas maingay.

Nang makabalik kami ng room ay nagsimula na ang klase maya maya. Ang pag aaral ay hindi naman boring sa akin pero hindi na rin challenging. Hindi ko alam pero parang napakadali na lang ng lahat para sa akin.

Nang matapos kami ay nagyaya na silang mag uwian pero niyaya ko si Ax na pumunta sa park.

"Gusto mo bang sumakay tayo ng rides? Mayroon doon oh" turo ko sa ferris wheel.

Napalingon naman siya doon. Tumango tango siya tsaka lumingon sa akin.

Napangiti naman ako tsaka tumango.

AXQUECIA POV

"Akala ko ba excited ka na sumakay doon? Bakit nagkakaganiyan ka?" natatawang tanong ko.

Narito kami sa kanto ng park at nagsusuka si Lux sa basurahan. Kakababa pa lang namin ng ferris wheel nang tumakbo siya dito at nagsusuka suka. Tawa ako ng tawa dahil ang lakas ng loob niyang magyaya at ngayon ay siya pa ang hilong hilo sa aming dalawa.

"Mahal" naiiyak na sabi niya na naupo sa semento habang nakayukong nakapikit, hilong hilo.

Hindi ako natigil kakatawa dahil sa itsura niya, gulong gulo ang uniporme habang bitbit ko naman ang bag niya. Naupo ako sa tabi niya habang hinahaplos haplos ang likod. Nagulat na lang ako ng mapahiga ito sa semento. Marami ang naglingunan pero hindi natigil ang tawa ko. Sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit habang nakaawang ang labi.

"Nahihilo ka pa ba?" natatawang tanong ko na niyugyog pa siya ng bahagya.

Suminghal naman siya tsaka tinapik ang kamay ko. "Wag mo 'kong yugyugin dahil nahihilo pa 'ko." kunot noong sabi niya na nanatili pa ding nakapikit.

Hindi ako natapos kakangiti habang pinagmamasdan siya. Kahit hilong hilong na e nanatili pa rin siyang gwapo. Wala yatang galaw ang magpapapangit sa kaniya.

Ilang minuto kaming ganito ang posisyon. Nanatili siyang nakahiga sa semento habang nakaupo naman ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siya. Maya maya lang ay nagmulat ang mata nito at sinilip ako, pinagkunutan niya naman ako ng noo tsaka napasinghal na naupo, inaayos ang damit.

"I don't do that again, ferris wheel killed me" Natawa naman ako sa sinabi niya dahil kunot na kunot ang noo niya kaya napalingon siya sa akin. "Stop laughing, it's not funny. Mamamatay na ako Ax" kunot na kunot ang noo niya habang turo turo ang ferris wheel, lalo akong natawa. "Tsk tsk" singhal niya tsaka tumayo.

Ang akala kong iiwanan niya ako dahil sa inis ay inalalayan niya pa akong tumayo. Inakbayan ako kinuha ang bag namin. Kahit galit o naiinis man siya ay hindi mawala ang pagkagentleman niya that's I love everything about him. Hindi niya hinahayaang balutin ng inis ang puso niya para sa akin.

"Sakay kaya ulit tayo" pang aasar ko na ngumiti pa.

Lalong sumama ang tingin niya. "You want me to die? Then kill me now, 'wag lang 'yan" inis na inis na sabi niya na tinuro pa ang ferris wheel, natawa ako lalo.

Napasinghal siya pero hindi inalis ang braso sa balikat ko. Hinila ko naman siya sa barbeque-han.

"Kain na tayo, nagugutom na ako" sabi ko, tumango naman siya.

Bumili nga ako ng makakain namin. Halos lahat ay binili ko, isaw, dugo, pork barbeque, kwek kwek, fishball, kikyam at palamig.

"Ilang month na tayo? Hindi ko na matandaan" tanong ni Lux na ikinalingon ko.

"I hate counting monthsarry" sagot ko na ipinagtaka ng reaksyon niya.

"H-hindi ka ba nag eenjoy kapag monthsarry natin?" parang lumungkot ang tono at reaksyon niya, psh napakaexpressive.

"Paanon hindi nag eenjoy? Alam kong March 25 ang monthsarry natin, ayaw na ayaw kong wala ka sa mata ko kapag monthsarry natin. Hindi lang talaga ako nagbibilang" paliwanag ko, ngumiti naman siya tsaka tumango tano.

"Sabagay. Monthsarry is just a number. Mas importante ang nararamdaman natin sa isa't sa" nakangiting sabi niya.

Napangiti naman ako sa kaniya. I don't remember my old attitude since I meet him, he change everything about me. I can't imagine my self without him. I think if we did't meet, I'm still in the messy life.

---------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora