CHAPTER 71

7 0 0
                                    

WARNING: CONTAINS MATURED SCENE AND EFFECT

LUXZELL POV

Nanlaki ang mata namin ni Ax ng makita sina Sevi, Tristan at Yvez na sumunod sa amin sa sementeryo.

"A-akala ko ba may food trip kayo?" Kunot noong tanong ko kay Sevi.

Ngumiti naman ito at naupo sa telang nakalatag sa damuhan na kinauupuan din namin ni Ax, sumunod naman ang dalawang kaibigan ko.

"Sila kasi sasama daw e" nakangiwing sagot ni Sevi.

Napangiti naman si Ax kaya napalingon ako sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Napangiti naman ito.

"kain" yaya ni Ax habang yakap yakap ko siya.

Hindi rin naman marunong tumanggi ang mga kaibigan ko kaya nagsandok na sila ng kaniya kaniya nilang pagkain.

Hindi namin kasama si Wayan at tito, nasa kompanya si tito kasama si Wayan. Ayaw niya din iwan si Wayan sa amin. Masyado ng napalapit si tito kay Wayan na gusto nito ay ayaw mawala sa tabi niya.

Nang matapos kami ay nauna na kaming umalis ni Ax. Pupunta kami ng Mall para manood ng sine.

"Kapag mag asawa na tayo, papagawa ako ng sariling sinehan sa loob ng bahay" sabi ko na ikinalingon ni Ax.

"Para saan?" nakangiwing tanong nito.

"Para sa atin" nakangiting sagot ko.

Mahilig siya manood ng movie. Napapansin ko kasi na sa tuwing pupunta kami ng Mall ay nagyaya siyang manood sa sinehan lalo na kapag may release na bagong movie.

Nang makapasok kami ng sinehan ay madilim na ang paligid. Nakakabilib lang ang mga tao na kahit madilim na ang paligid e kilala kami. Tsk tsk.

Naupo kami sa bandang likod syempre hindi mawawala ang isang katutak na pagkain ang dala ni Ax. May popcorn,chips,fries at tubig.

AXQUECIA POV

Nang magsimula na ang movie ay natahimik na ang lahat at tanging liwanag lang mula sa screen ang nagsilbing liwanag sa loob ng sinehan. Dahil sa likod kami nakaupo ay sobrang dilim ng parteng ito.

Train to Busan part II.

Simula pa lang ay nakakatakot na ang palabas. Napalingon ako kay Lux, seryoso lang ang tingin nito sa screen habang ngumunguya ng popcorn.

Muli akong natuon sa screen. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay nagsimula ng umingay ang sinehan. Nagkalat na kasi ang zombie. Naramdaman ko naman ang braso ni Lux sa balikat ko kay napalingon ako sa kaniya. Muling natuon ang atensyon ko sa panonood ng magtilian angmga manonood.

Napakunot ang noo ko ng maramdaman ang palad ni Lux na pumapasok sa tshirt ko. Tinapik ko 'yun at sinamaan siya ng tingin pero ngumiti lang ito.

Tang*na manyakis.

"Hoy ano ba!" bulong ko sa kaniya ng hawakan niya ang dibdib ko.

Umawang lang ang labi niya na napatingala pa habang nakapikit. Para bang ako ang natukso.

Inalis ko ang braso niya sa balikat ko at ikinalingon niya. Pinagsasamantalahan pa 'ko palibhasa nasa pinakalikod at madilim ang pwesto.

"Can't wait to fuck you" bulong niya sakin na nilapit pa ang bibig sa tainga ko dahilan para magtayuan ang balahibo ko.

"Napakamanyak mo" singhal ko pero nginitian niya lang ako tsaka muling nanood.

Dahil sa inis ay nagsalubong ang kilay ko habang nanonood. Hindi naman p*rn ang pinapanood pero napakamanyak psh.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant