CHAPTER 77

6 1 0
                                    

LUXZELL POV

FIRST DAY OF SCHOOL AND WE ARE SHS 2 NOW!

Last na 'to at college na kami. Hindi na ako makapaghintay na makapagtapos sa pag aaral. Kapag nakagraduate kami ng Senior High e masusuot ko ulit ang togang hinihintay ko.

"Good Morning handsome" bati ko kina Tristan at Yvez, kasama ko si Sevi.

Marami ang nakakaalam na robot siya pero hinayaan ng mga guro dito na pumasok si Sevi sa klase, wala naman daw masamang matuto ito at sisiguraduhin lang na wala itong maaapektuhan o mabubulabog. Tsk tsk. Ano akala nila kay Sevi? Basag ulo?

"Yun oh!" sabi ni Tristan ng malingunan kami, ngumiti naman si Yvez.

"Bagay sayo ang uniform Seirho" sabi ni Yvez.

Napakunot naman ang noo ko. "HOY KAIBIGAN NIYO DIN AKO!" inis na sigaw ko.

"Tsh alam mo Lux na gwapo ka na kaya hindi na namin kailangan sabihin" nakangiwing sabi ni Yvez.

"Buti pa itong robot mo, masyadong humble" sabi ni Tristan na nakiapir pa kay Sevi, napangiwi naman ako.

Malaki na ang pagkakaiba namin ni Sevi. Maputi ako habang hindi gaano si Sevi. Matangkad siya sa akin ng isang kamao at wala pa ring reaksyon ang mata niya pero halata ang tuwa sa itsura niya.

Hindi ko kailanman ipagkakait ang buhay bilang tao sa isang tulad niya na gusto din mamuhay ng ganito. Halata ang tuwa sa ngiti niya ng magsuot ito ng uniform pampasok. Mala Joao Constantino na din ang gupit niya, tulad ni Wayan habang ako naman ay natatakpan na ang mata dahil buhok. Bagsak na bagsak na kulay itim ang buhok ni Sevi habang medyo may alon ang buhok kong naghahalo ang kulay itim at kayumanggi.

"Pumunta kayo ng London hindi ba? Kamusta na si Zev?" tanong ni Tristan na ikinalingon ko.

"A-ayos naman siya" naiilang na sabi ko na hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

Ngumiti naman ito na parang nang aasar. "May something ka pa ano? Hindi ka makasagot ng diretso sa akin. Patay ka kay Axie isusumbong kitang hay*p ka!"

Nanlaki naman ang mata kong lumingon sa kaniya habang tawa naman ng tawa si Sevi at Yvez.

"Hoy h-hindi ah! Tsk tsk tigil tigilan mo nga ako kano!" Inis na sabi ko.

"A-anong kano? Ito! Ito ang kano!" sabi ni Tristan na tinuro pa si Yvez.

"Shut up Tristan. Texon is from United States while Alvarez is filipino. Don't deny it" paliwanag naman ni Yvez.

"Tss. Pinagkakaisahan niyo 'ko. 'Wag na nga lang magtalk" sabi ni Tristan na naupo na lang habang nakataas ang kilay, natawa naman kaming tatlo.

"Pinayungan ko lang noon, crush ko na ngay—"

"HOYYYYYY YVEZ ALVAREZ POTANG*NA MO MANAHIMIK KA!" inis na sigaw ni Tristan na ikinatigili ni Yvez.

Pinayungan nino? Hindi ko alam ang pinagsasasabi nila.

"Oo? Gag* seryoso Tristan?" singit ni Sevi na ikinalingon namin, natawa naman si Yvez tsaka tumango. "Gag* HAHAHAHAHAH kaya pala may something e"

"HOY ANG BASTOS NIYO! SIGE ISIGAW NIYO PA! PARANG HINDI FRIEND" sabi ni Tristan habang nagpapapadyak pa, tsk tsk parang hindi lalaki.

"Kilala niyo?" nagtatakang tanong ko, tumango naman ang dalawa. "Sino?" natatawang tanong ko.

Hindi ko talaga alam kung sino ang binabanggit nila. Wala akong idea kung sino ang babaeng crush ng kaibigan ko.

"HOY! ISA KA PA! 'WAG MO NA KASING ALAMIN ERP!" sabi ni Tristan na salubong na salubong ang kilay. "Nakakahiya!" sabi ni Tristan na napanguso pa.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now