CHAPTER 85

6 0 0
                                    


WARNING: MATURED SCENE AND EFFECT

LUXZELL POV

Nagbati naman sina Nix at Ax. Magkaibigan pala sila 'nung high school sa London. Hindi ko nagustuhan ang pagpapapansin ni Nix para lang mapansin siya ng kaibigan niya! Nadamay pa ako!

"Look they are together"
"Hindi ba't nagkaaway sila?"
"What happened?"

Bulong bulungan sa paligid. Kasama na kasi namin si Nix sa table.

"Tigil tigilan mo ko Axie, hindi ako kasing manyak mo" rinig kong sabi ni Nix dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Sa daldal niya ngayon ay hindi ko makita ang unang Nix na nakilala ko sa kaniya.

"Talagang sasabihin mo 'yan sa harap ng mga lalaki kong kaibigan?" nakangising tanong ni Ax.

"Sus, swerte ni Lux wild jowa ni-ouch!" sabi ni Nix na nilingon pa ako ako pero tinapunan siya ni Ax ng bag.

Wild 'to? tanong ko sa sarili tsaka napalingon kay Ax. Hindi ko alam kung bakit nag iinit ako dahil sa usapang ito.

"Buti nga at hindi ka pinatulan ni Lux sa kamanyakan mo dahil kung hindi..." putol ni Ax sa sinabi tsaka nilingon ako, napalunok naman ako. "Ibibigay ko na siya sayo" sabi ni Ax tsaka lumagok ng wine.

Nangunot naman ang noo ko. "A-Ax naman!" maktol ko kaagad na ngumuso at hinawakan ang kamay niya.

"Lol sorry Axie pero hindi ako tumatanggap ng bigay lang" natatawang sabi ni Nix.

Suminghal naman ako. "Sa gwapo kong 'to, tinatanggihan?lol" gaya ko si sinabi niya, napalingon naman sa akin si Ax.

"Excuse me? Alam kong gwapo ka pero mayroon pang mas gwapo sayo" pagtataray naman ni Nix.

"Excuse me?" panggagaya ko naman. "Kahit lumibot ka sa buong mundo, ako pinakagwapo" taas noong sagot ko.

"The dance floor is now open" anunsyo ni Shainah dahilan para maghiyawan ang mga estudyante at nagtakbuhan sa dancefloor.

"Let's dance tara tara" yaya ni Tristan na hinila pa ako at si Seirho.

Suminghal naman si Seirho. "Hindi ako marunong sumayaw" sabi ni Seirho na ikinatawa namin.

"Tara Axie" sabi ni Nix na hila hila din si Ax kaya nagpahila na din ako.

Nanatili lang si Seirho na nakaupo habang tatawang pinanood kami.

Dahil sa dami ng estudyante ay hinila ako nina Tristan at Yvez, sa mga babae!

"Oy pre! 'Wag dito ayaw ko dito" maktol ko at nilibot ang tingin.

Saan naman kaya hinila ni Nix si Ax? Baka puro lalaki do'n e maharot pa namang Nix 'yun!

"Bading ka ba? Napakatakot mo naman sa babae" pang aasar ni Tristan, natawa naman si Yvez.

Sinamaan ko naman sila ng tingin. "Isusumbong kita kay Jichelle, pakyu ka" pananakot ko kay Yvez.

Naging mapait naman ang ngiti nito. "Go on"

Napakunit naman ang noo ko. "Ayos lang ba kayo ni Jichelle?" nagtatakang tanong ko.

Kwento ako ng kwento sa kaniya pero hindi ko man lang inalam kung kamusta sila. Napakawalang kwenta kong kaibigan.

Umiling siya tsaka mapait na ngumiti. "Tinigilan ko na, nakukulitan yata e" sabi niya na ikinagulat ko.

"Ano ba! Ano ba! Narito nga tayo para kalimutan 'yung problema na 'yan e" sabi ni Tristan tsaka hinila kami sa sayawan.

-When I meet you

♫︎There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about♫︎

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now