CHAPTER 102: VIS VS. CIS

7 0 0
                                    

LUXZELL POV

"Hutek ka! Muntik mo nananaman mapilosopo! Buti na lang at tinapos 'nung announcer" madaldal na bungad ni Nix ng makalapit sa amin si Ax.

Hindi siya pinansin nito at tumuloy sa tabi ko. Hindi naman naalis ang tingin niya sa mukha ko hanggang makaupo ito. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan tsaka naupo ng maayos. Dampi lang 'yun pero ang sarap agad sa pakiramdam. Binaliwala niya ang mga mata sa paligid tsk tsk.

Nang makabalik kami sa room ay naabutan namin si Yvez at Sevi na nakaupo at nag uusap. Sabay silang napalingon sa amin.

"How's the debate?" nakangiting tanong ni Yvez kay Ax.

"Easy" singhal ni Ax tsaka naupo sa tabi ko.

"Luxzell Jeon, pinapatawag ka ni Mr. Alvarez sa office niya. Now na daw" sulpot ni Shainah sa pinto.

Napalingon muna ako kay Ax bago ako tumango kay Shainah at tumayo para lumabas. Napalingon muna ako sa mga kaibigan ko, tumango naman sila kaya lumabas na ako.

"Bakit ako pinatawag?" nagtatakang tanong ko kay Shainah.

"Hindi ko alam, inutusan lang ako" sagot niya, tumango naman ako.

Hanggang sa paglalakad ay pinaglilingunan ako. Tsk tsk. Akala ko ay tahimik lang ang mga taga VIS pero halata ang dami ng sinasabi nila base sa mga tingin nila.

Nang makarating kami ng office ni tito Primo ay iniwan na ako ni Shainah. Nagtataka pa akong pumasok. Bumungad agad si tito Primo na nakaupo at tinitignan ang mga papel na nasa table niya.

"Bakit po tito Primo?" nagtatakang tanong ko tsaka naupo sa upuan na nasa harap ng table niya.

Napalingon naman siya sa akin tsaka ngumiti.

"May bagong business women na gusto kang makasama sa bagong project" nakangiting sabi ni tito Primo.

Napangiti naman ako tsaka tumango tango. "Sure sure, anong project? Sinong business women?" tanong ko kaagad.

"Walang iba, si Elvah Salvador pero hindi si Alisha ang makakasama mo kundi ang panganay na anak niya" sabi ni Tito Primo.

Napakunot naman ang noo ko. May panganay na anak pa pala si Mrs. Salvador.

"Magsisimula kayo bukas sa mismong kumpanya ng mga Salvador. Now. Are you willing to come alone there or magpapasama ka kay Axie?" tanong ni tito Primo.

Napakunot naman ang noo ko. Alam kong selosa si Ax pero alam kong maiintindihan niya naman ako tsaka para rin naman 'to sa kumpanya kaya kahit ako na lang ang pumunta. Paniguradong pagod din naman siya bukas kaya ako na lang ang pupunta.

"Ako na lang po yata ang pupunta. Kaya ko naman na po ang sarili ko" Nakangiting sabi ko.

Tumango naman si tito Primo tsaka ngumiti. "Call me if you need something. Rest day ko naman bukas dahil saturday and ako na rin ang bahalang magsabi kay Axie" sabi nito kaya tumango naman ako.

AXQUECIA POV

"And the winner is... Walang iba. The Calixton International School" announce 'nung announcer psh.

Expected na.

Calixton International Scool.
Essay writting, panalo.
Dance Competition, panalo.
Quiz bee, panalo.
Debate, panalo.

Veiris International School.

Singing competition, panalo.
Poem making, panalo.

Obvious naman. Sabi na nga ba at wala sa itsura ang talino, nasa utak psh.

"Uhm Ax may pupuntahan ako bukas" sabi ni Lux nang makapunta kami ng parking lot.

Hindi sila napaghihiwalay ni Seirho, para silang kambal na kung saan ang isa ay doon din ang isa.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"May project ulit kami ni Mrs. Salvador bukas" sabi ni Lux.

Tumango naman ako. "Sige, gusto mong samahan kita?"

"Wag na, kaya ko na" nakangiting sabi nito.

Tumango naman ako.

"Wow! Amazing! Hindi ka na ba nagseselos?" pang aasar nanaman ni Nix na kinapa pa ang noo ko.

Inis kong inalis ang kamay niya sa noo ko tsaka suminghal.

"Nakakahiya na kung magseselos akong walang sapat na dahilan" sabi ko na nilingon pa si Lux, lumapad naman ang ngiti nito. "Lahat ng pagseselos ko puro kalokohan psh." Sabi ko na ngumiwi pa. "Tsaka alam ko namang hindi ako lolokohin ni Lux"

"Abah! Bagong buhay ka na talaga bestie" sabi ni Nix na pinalo pa ang braso.

Nakauwi na sina Tristan at Yvez dahil pagod na daw sila kaya kaming apat ang magkasama.

"It's nice to your relationship" nakangiting sabi ni Seirho. "Bakit ka magseselos e mas maganda ka sa mga pinagseselosan mo? Mas better ka sa kanilang lahat dahil una sa lahat, may relasyon kayo ni Lux" sabi ni Seirho na tinataas taas pa ang kilay, napangiti naman ako tsaka tumango.

"Mapapaaga yata ang pangangasawa ko" sabi ni Lux na hindi na naalis ang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Tsk ang kokorni ng buhay niyo. Uuwi na ako dahil gabi na at baka magsara pa ang subdivision, walang ibang tao sa bahay kundi si Yaya Clara lang kaya babush" madaldal na sabi ni Nix na kumaway pa bago pumasok ng kotse niya at pinaharurot palabas.

Kaskasero din psh.

"Mauna na din ako, may bibilhin pa akong sangkap sa panibago kong natutunan na lutuin. 'Wag kayong mag alala dahil kapag nagawa ko na 'yun ng perfect e ipapatikim ko sa'yo 'yun" sabi sa akin ni Seirho, ngumiti naman ako tsaka tumago.

Bumaling ito ng tingin kay Lux tsaka tinapik ang braso nito. Nagkatanguan sila bago pumasok ng kotse si Seirho at nagmaneho palabas. Binilhan kasi siya ng sariling kotse ni Lux kaya kahit saan saan ito nakakapunta para lang makabili ng receipe.

"He's not only your robot, he's also your chief" natatawang sabi ko.

Tumango naman si Lux tsaka natawa din. "Yun ang pinagkakaabalahan niya palagi sa bahay. Ang daming lagay ng ref, puro sangkap sa pagluluto niya. 'Yan ang talent na hindi ko nakuha sa kaniya. Marunong ako magluto pero hindi ako mahilig magluto. Marunong ako pero hindi magaling tsk tsk" sabi nito na napakamot pa sa ulo.

Napalingon naman siya sa akin tsaka nilingon ang paligid. Nagtataka din tuloy akong napalingon sa paligid at nagulat na lang ako ng pagharap ko sa kaniya ay salubungin niya ako ng halik. Halik na may respeto. Napakahawak siya sa pisngi ko at ninamnam ang bawat parte ng labi ko. Nang kumalas siya ng halik ay nginitian niya ako tsaka hinalikan sa noo. Inalalayan niya akong makapasok ng kotse tsaka inihatid pauwi.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now