CHAPTER 34

29 1 0
                                    

(034)

LUXZELL POV

Hindi ko alam na marunong pala si Ax kumanta.Hind sa minamaliit ko siya dahil dati niya siyang malii- joke tsk tsk.

She can do everything you can do naalala kong sabi ni Yvez.

She can do everything that I can do.

Hindi ko maintindihan ang tuwa habang tinitignan siya.Kung kaninang umaga lang ay katabi ko siya sa pagtulog,ngayon naman ay kasama ko siya sa uwian.

Hindi ko man lang siya naisip kanina bago pumunta dito dahil sa excited akong tumambay kami dito.Iba talaga kapag hindi ka nag eexpect.Yung hindi mo inaasahan ang mangyayari.

Umingay ang labas ng studio room ng makita si Ax na hawakan ang gitarang hawak ko kanina at tutok ang paningin sakin.Nakangiti siya na pinagmamasdan ako.

Nakangiti lang ako sa harap niya pero kung papasok ka sa kaloob looban ko ay tumatalon ako sa kilig.Parang gusto ko siyang yakapin at basta na lang halikan sa harap ng maraming tao para lang maipakita sa kaniya na sa simpleng titig niya sakin,kinikilig na ko.

Nakakabading tsk tsk.

Napatingin naman ako sa daliri niya ng simulan niyang kalabitin ang gitara.

Sa ganda ng itro ng intstrumental ng kanta ay lalong lumapad ang ngiti ko.Hindi ko pa naririnig 'yan.

"It's you
It's always you
If I'm ever gonna fall in love
I know it's gon' be you"♫︎

Napatingin ako sa mata niya ng kantahin 'yun.Lumaki ang mata ko ng banggitin niya ang lirikong 'yun.

I'f I'm ever gonna fall in love,I know it's gon' be you

Tama?'Yun ang lyrics diba?

Parang may kung anong haplos sa dibdib ko dahil sa parte ng kanta niyang 'yun.

"It's you
It's always you
Met a lot of people
But nobody feels like you"♫︎

Ang ganda ng boses niya.May kung anong angas at lambing na pinaghalo sa boses niya.

Met a lot of people but nobody feels like you

Totoo.Iba ako sa lahat.Iisa lang ako at walang kapareho Ax.Ako lang ang kayang magparamdam sayo ng tunay na pagmamahal.

"So please don't break my heart
Don't tear me apart
I know how it starts
Trust me I've been broken before"♫︎

Napalunok naman ako ng kantahin niya 'yun.Parang may kung anong lungkot sa mata niya ng kantahin niya ang linyang 'yun.

Paano mo nagagawang ipakita sakin lahat ng gusto mong iparamdam galing sa kantang inaawit mo?

"Don't break me again
I am delicate
Please don't break my heart
Trust me I've been broken before"♫︎

Inulit pa?Parte ba ng kanta 'yang ulitin o sinadya mo?

Nangunot naman ang noo kong tinignan siya.

Hindi alintana ang hiyawan,sigawan at tilian ng mga high school students na nakadungaw sa pintuan ng studio room.

"I've been broken, yeah
I know how it feels
To be open
And then find out your love isn't real"♫︎

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now