CHAPTER 47:INTRAMURAL

27 1 0
                                    

(047)
INTRAMURAL

SEIRHO POV

Sevi.Nagustuhan ko ang tinawag sakin ni Master Lux.Seirho Vioax.Tsk tsk akalain mo nga naman at pinapunta na agad ako ng Campus para puntahan ang kaibigan niya.

Nagsilingunan ang mga estudyanteng nadadaanan ko at nakakabilib na humahanga sila sa itsura ng Master ko ay nagtitilian pa at sinisigaw ang pangalan ni Master.May mga estudyante naman na nagulat na nakita ako.Hindi na ako magtataka dahil ilang buwang hindi pumasok si Master at ngayong event ay magpapakita?tsk tsk.

"Kumaway ka naman at ngumiti tsk tsk" maktol ni Master sa isip ko.

Nakaconnect pala ako sa screen na nasa laboratory niya.

Ginawa ko naman ang sinabi niya kaya lalong umingay ang paligid.

"Nasa gymmasium sila panigurado.Pumasok ka diyan at dire-diretso lang" utos ulit ni Master sa isip ko kaya sumunod naman ako.

Dumiretso lang ako sa sinabi niyang daan at naabutan ko ang room na sobrang lawak at punong puno ng estudyante.Nagdire diretso ako at uupo na sana sa mga upuan na nasa gilid pero natigilan ako ng...

"Teka teka.Humarap ka sa mga naglalaro" utos ni Master sa isip ko kaya humarap naman ako.

Napatingin naman ako sa mga babaeng naglalaro ng basketball.Nagulat na lang ako ng may lumingon sa aking babae na halatang nagulat at parang hindi makapaniwala na narito ako.

"Axquecia" rinig kong sabi ni Master sa isip ko.

"Sino?" Tanong ko sa isip,kaya naming mag usap gamit ang isip.

"Yung babaeng tumingin sa iyo"

Sumenyas naman akong ipagpatuloy niya ang paglalaro at ngumiti.Parang may kung anong tubig sa gilid ng mata niya bago ngumiti at tumango tsaka nagpatuloy ng laro.

"Gusto mo siya" sabi ko sa isip. "Gusto ka rin niya." Dagdag ko na nasa babaeng 'yun ang tingin.

"Wag mong iaalis ang tingin sa kaniya.Pakiusap"

"Copy Master"

Sinundan ko naman ng tingin si Axquecia na kahit saan siya pumwesto ay sinusundan ko siya.

Nagtilian din ang mga estudyanteng naroon at nakikita ako.Hindi makapaniwalang narito ako para panoorin si Axquecia.Axie ang tawag nila sa kaniya.

Maganda nga talaga ang babaeng 'yun.Maputi.Mahaba ang buhok.Maganda ang mukha,maliit nga lang.Magaling maglaro ng basketball tsk tsk.

"Stop thinking her tsk tsk.Parang inaagawan mo 'ko ng babae sa ginagawa mo" singhal ni Master sa isip ko.

Napangiwi naman ako.Nababasa niya ang isip ko.Hindi ba dapat may privacy din ang robot na tulad k-

"At kailan ka pa nagmarunong Sevi"

"Sorry Master" napanguso na lang ako tsaka muling tumingin sa mga naglalaro.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now