CHAPTER 130

4 0 0
                                    

LUXZELL POV

Hindi pala madali ang magkaroon ng asawang buntis!

"Luxzell umuwi ka muna sa bahay niyo dahil naglilihi ang asawa mo. Bumili ka daw ng pansit canton na spicy daw"

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Nix. Nasa office ako nagtatrabaho at papahanapin ako ng pansit canton na spicy?

Kakakain niya lang 'nun kahapon ah?

"Yan na yata ang pinaglilihian ng asawa mo" natatawang sabi ni Tristan. "Pagbigyan mo na kung ayaw mong maging dragon 'yun"

Natawa ako sa sinabi niya tsaka nagligpit ng mga pepeles.

"If may maghanap sa akin, pakisabi na naglilihi ang asawa ko kaya bukas na lang sila bumalik" habilin ko kay Tristan at Yvez.

Natawa naman si Yvez sa sinabi ko. Tumango sila tsaka sinenyasan akong bilisan na ang paghahanap ng pansit canton. Nagmaneho ako ng kotse at pumunta ng mga store.

Nainis pa ako dahil walang spicy at puro original flavor lang ang narito. Naubos daw ang mga stock na spicy kaya naubusan ang mga store na nadaanan ko. No choice ako kaya original na lang ang nabili ko.

"Ayaw ko niyan!" tanggi agad ni Ax nang mailabas ko sa paper bag ang binili ko.

"Mahal wala silang stock ng spicy pansit canton kaya ito lang ang nabili ko" paliwanag ko sa kaniya pero lalong nainis ang tingin nito.

"Maghanap ka mahal" inis na sabi nito tsaka padabog na nahiga sa kama niya at tumalikod sa akin.

Napakamot pa ako sa ulo.

Bakit ba kasi ngayon pa naubusang ng stocks 'yung pansit canton kung kailan naglilihi ang asawa ko? Tsk tsk.

"W-Wait lang ha. Maghahanap ako" sabi ko tsaka hinalikan pa ang noo nito.

Nasa bahay na namin kami nakatira. Dahil nasa engineering si Tristan ay ipinagkatiwala ko sa kaniya ang bahay namin ni Ax at napabilib niya ako sa disenyo. Mataas ang bahay namin at pagpasok mo pa lang ay makikita mo na agad ang sala sumunod na may dalawang single sofa at dalawang mahabang sofa. May isang upuan na malambot na mahaba at may dalawang bilog na upuan na malambot din. May bilog na babasaging lamesa sa gitna na sakto lang ang laki pang sala. May malaking Tv at picture frame kung saan nakalagay ang larawan namin 'nung kinasal kami. Puti at asul ang pintura.

Pag diretso mo ay bubungad sa'yo ang malaking kusina kung saan kompleto ang gamit. Apat ang upuan at square na babasagin ang lamesa. Babasagin din ang mga plato at baso. Kumpleto sa pagkain at kagamitan. May refrigerator, oven, blender, rice cooker coffee maker at kung ano ano pa.

Sa gilid naman ang hagdan papuntang kwarto. Isang kama at maliit na table sa tabi para sa patungan ng lampshade. Glass ang nagsisilbing harang at kung sisilip ka sa baba ay makikita mo ang kusina.

Dahil nga naglilihi ang asawa ko ay naghanap ako ng pansit Canton. Nakapunta pa ako ng subdivision nina Tristan para lang makabili ng spicy na pansit canton. Dali dali akong umuwi at niluto 'yun. Tinuturuan na ako ni Sevi magluto pero hindi nga lang kasing galing niya.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Ax sa akin at niyakap pa ako mula sa likod.

Inabot ko sa kaniya ang niluto ko at inalalayan pa itong makaupo. Nakita ko kung paano siya masarapan sa pansit canton. Talagang naglilihi siya.

Makalipas ang walong buwan at narito na ako sa puntong...

"Luxzell manganganak na si Axie"

Aligaga akong napatayo sa upuan ko ng sabihin 'yun ni Yvez.

"S-Saan na si Ax?" tanong ko habang madaling inililigpit ang mga papel sa table ko.

Naghahalo ang saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Nasa hospital na kasama si tito Primo." Sagot ni Yvez.

Dali dali akong lumabas ng office at hinabilinan si Sevi na siya muna ang mag asikaso sa mga empleyado. Kasama ko si Tristan at Yvez at papunta na kaming hospital.

"Relax naman erp! Kinakabahan din ako sa reaksyon mo e" sabi ni Tristan nang nasa byahe na kami.

Natawa naman ako sa sinabi ni Tristan pero hindi na mahinto ang kaba sa dibdib ko.

Sana makalabas ang anak namin ng maayos.
Sana ligtas ang mag ina ko.

Nang makarating kami ng hospital ay patakbo ko itong pinasok at naabutan ko nga si tito Primo na nasa labas. Sinenyasan niya akong pumasok. Pumasok naman agad ako at nakita ko ngang nakahiga na ito habang inaalalayan ng mga babaeng nurse at isang doctor.

"M-Mahal" tawag ko sa kaniya na hinawakan ang kamay niya.

Kinakabahan ako sa itsura niya dahil para bang nanghihina ito.

"Kayanin mo ha." bulong ko dito na hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

Maya maya lang ay sinimulan na ng doctor na pairihin si Ax. Halos bumakat ang kamay ni Ax sa kamay ko sa sobrang higpit at namumula siya sa tuwing iiri. Napapalunok pa ako habang palipat lipat ang tingin sa kaniya pati na rin sa doctor.

"Konti na lang Ma'am" sabi ng doctor tsaka muling umiri si Ax.

Napalingon ako ng marinig ang iyak ng bata. Parang may kung anong haplos ang naramdaman ko ng marinig ang batang umiiyak.

"Gusto mo bang makita Sir?" nakangiting tanong sa akin ng doctor.

Dahan dahan kong binitawan si Ax. Hinalikan ko muna ang noo nito bago ko sinilip ang bata. Napangiti ako ng makitang babae ito. Babae ang anak namin.

Maya maya ay inilabas ng doctor ang anak namin tsaka inasikaso si Ax. Nang maayos na ang kalagayan ni Ax ay doon ako nakahinga ng maluwag. Lumapit ako sa kaniya at hinalik halikan ko ang kamay niya.

"Congrats. You are successful. Congrats" tuwang tuwa na sabi ko na niyakap pa siya.

Naramdaman ko naman ang pagngiti nito. Inutusan kong bumili ng pagkain si Yvez at agad naman itong sumunod. Maya maya ay dumating si Sevi na kasama si Wayan.

"Saan na po ang kapatid ko?" tanong ni Wayan na nilibot pa ang tingin sa loob.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Mamaya maya lang ay darating na ang kapatid mo" nakangiting sabi ko sa kaniya.

Niyakap naman ni Wayan si Ax kaya napangiti naman ito.

"Congrats. Tatay ka na talaga" tuwang tuwa na sabi ni Tristan.

Napangiti naman ako at tumango. Maya maya lang ay nakakain na si Ax at naibalik na din ang bata. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang batang hawak niya.

"Baby" tuwang tuwa na sabi ni Wayan habang nilalaro ang kamay ng baby.

"Anong gusto mong pangalan ng baby natin?" nakangiting tanong ko kay Ax.

"Zelliah Luxecia Alvares Jeon"

Napatitig ako kay Ax nang sabihin niya 'yun. Napangiti ako at kinurot ang pisngi nito.

"Hi baby Ze" sabi ko habang nilalaro ang maliit nitong kamay.

Napangiti ang baby kaya lalong lumapad ang ngiti kong lumingon kay Ax. Napangiti din ito habang tinitignan ang baby.

"Hi baby namin" sabi ni Wayan habang hinahaplos ang pisngi nito.

Inakbayan ko si Wayan habang pinagmamasdan ang magandang biyaya na binigay sa amin. Talagang pinaglihi siya sa pansit canton dahil kulot ang mininipis nitong buhok at namumula ang pisngi dahil sa pinaglihiang spicy. Ang mata at kilay niya ay tulad ng akin habang ang ilong at labi ay namana kay Ax.

Welcome to our life Zelliah Luxecia Alvarez Jeon.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon