CHAPTER 124

4 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Paabot nga no'ng kulay puting folder please" sabi ni Luxzell habang busy ang mata sa pagbabasa.

Wala namang ibang tao sa office kundi kaming dalawa lang kaya paniguradong ako ang inuutusan niya. Nagbuntong hininga ako bago tumayo at kinuha ang puting folder na itinuturo niya. Inilapag ko naman 'yun sa table niya tsaka walang ganang naupo sa pwesto ko.

Dalawa ang table na narito. Pagpasok mo agad ng office ay bubungad sayo ang table ni Luxzell tsaka katabi 'nun ang table ko. Sala set ang nasa harap namin kung saan may dalawang kulay itim na sofa at may isang mahabang sofa. May maliit na round table sa gitna at may Telivision pa. Nasa kanan ko ang pintuan kung saan ang kwarto.

Nasa kanan naman ng Sala set ng bookshelves kung saan puro folder ang lagay at kung ano ano pang papeles about sa kumpanya. Glass ang pader nito kaya nakikita mo ang labas ng building. Presko dahil may aircon.

"Kamusta na pala si Wayan?" tanong niya habang nasa papeles ang tingin.

"Maayos na siya" sagot ko na hindi rin inalis ang tingin sa mga papel.

"Eh ikaw kamusta?" napalingon ako sa kaniya ng itanong niya 'yun.

Nagsalubong ang tingin naming dalawa. Hindi yata maputol ng kung sino man ang titigan namin.

"A-ayos naman ako" sagot ko pero ako na ang unang umiwas ng tingin.

"It's nice to hear" nakangiting sabi niya tsaka muling tumingin sa mga papeles.

Ang akala kong may mapag uusapan pa kami ay wala na pala. Nanatiling tahimik ang office. Wala si Tristan dito dahil nasa T Resort at naghahandle rin doon habang ganu'n din si Yvez sa kumpanyang ipinamana na sa kaniya. Si Seirho naman ay abala sa pagluluto.

Maya maya ay pumasok si Seirho sa office dahilan para mapalingon kami sa kaniya ni Luxzell.

"Kumain muna kayo" sabi niya na inilatag ang pagkain sa table ni Luxzell tsaka naglatag ng pagkain sa table ko. "Paniguradong namiss mo ang luto ko" nakangiting sabi nito.

Napangiti naman ako tsaka tumango. Sinimulan na ang pagkain. Lalong lumapad ang ngiti ko ng malasapan ang sarap ng niluto niyang beef steak at pakbet.

"Tissue" rinig kong sabi ni Luxzell kaya napalingon ako sa kaniya.

Kinuha ko naman ang inabot niyang tissue. Lalabas na sana si Seirho ng tawagin ito ni Luxzell.

"Magdala ka ng pizza, burger,fries tsaka drinks dito" sabi ni Luxzell.

Tumango naman si Seirho tsaka lumabas na ng office. Napalingon ako kay Lux na abala sa pagkain. Sobrang gwapo niya sa formal attire na suot. Hindi ko maimagine na twenty four years old na siya dahil para bang nasa dating panahon pa ako.

"Continue your food" sabi ni Luxzell nang hindi ako nililingon.

Nailang naman akong nagpatuloy sa pagkain.

Maya maya ay dumating na si Seirho na may dalang box ng fries, burger at pizza. Inilapag niya ito sa table ni Luxzell pero tumanggi ito at isinenyas na ibigay sa akin. Nanlaki ang mata ko sa kaniya.

"Para kay Ax 'yan. Drink lang sa akin" sabi ni Luxzell na kumuha ng drinks kay Seirho tsaka sinenyasan ito na ilapag na ang dala sa table ko.

Napatingin naman ako sa mga nilapag ni Seirho na pagkain. Hindi ito karaniwang nabibili ko sa mga store.

"Luto ko 'yan. Sana magustuhan mo" nakangiting sabi ni Seirho.

Nginitian ko naman siya tsaka tumango. Lumingon naman ako kay Luxzell pero nakangiti ito habang nakatingin sa phone niya. Para bang nawala 'yung tuwa ko sa pagkain dahil lang sa inaasta niya. Nakalabas na si Seirho pero hindi ko nagalaw ang inilapag niya sa table ko.

Nagpatuloy ako sa pagreencode ng mga reports. Naramdaman ko naman ang paglingon sa akin ni Lux kaya napatingin ako sa kaniya.

"Magagalit si Sevi kapag hindi mo 'yan kinain" sabi nito habang nasa pagkain ang tingin.

"Iuuwi ko na lang 'yan. Wala akong ganang kumain"

"Miracle" natatawang sabi nito, napangiwi naman ako.

Nang matapos ang trabaho ay pumunta muna ako ng bar para mag inom. Psh nasanay na lang ang laman loob ko na bawat gabi ay umiinom. Napatingin ako sa relo at 11:00pm na. Naisipian ko nang umuwi ng bahay dahil kailangan ko din matulog. Naupo ako sa sofa habang nililibot ang paningin sa bahay. Ang tahimik. Saan ang mga tao rito?

"Wala sila Primo at Wayan dito." sabi ni Yaya Yna.

Napakunot naman ang noo ko. "Saan sila?"

"Birthday ni Luxzell ngayon. Nasa bahay ni Luxzell ang mga 'yun" sabi nito tsaka naglakad palayo sa akin.

Birthday ni Luxzell ngayon?

Dali dali kong tinignan ang phone ko at oo nga! Birhthday niya nga ngayon. Napabuntong hininga ako bago umakyat ng kwarto at naligo. Amoy alak pa ang hiniga ko.

Habang nagbibihis ako ay tumawag si Dad.

"Saan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay. Kanina pa ako tumatawag ngayon ka lang sumagot"

Bungad ni Dad sa akin ng masagot ko ang tawag niya. Tatamad tamad akong naupo sa kama.

"Pagod ako Dad" walang ganang sagot ko.

"Birthday ni Luxzell ngayon at parang nakalimutan mo"

Nakalimutan ko nga psh.

"Hindi niya rin naman ako papansinin diyan tsaka kasama niya naman si Allirah, masasaktan lang ako diyan. Matutulog na lang ako para makapagpahinga ako" sagot ko tsaka nahiga sa kama.

"I'll wait for you before 12 Ax"

Tsaka naputol ang linya. Napabangon ako ng mapansing si Lux ang nagsalita sa phone. Napatingin ako sa orasan.

11:49 pm.

Dali dali akong nagbihis tsaka nagpaharurot ng kotse papunta sa bahay nila. Naabutan ko doon ang dami ng kotseng nakapark sa labas ng bahay niya. Bumungad agad ang tingin ng mga bisita sa akin pero hindi ko na lang pinansin ang mga 'yun.

"You're late"

Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Luxzell.

"S-Sorry" naisagot ko.

"Amoy alak ka pa" sabi niya habang nakakunot ang noo.

Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap agad ng mata ko sina Dad at Wayan. Maglalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at iharap sa kaniya.

"Wala ka bang balak na batiin ako?" nakangiting tanong nito.

Nakaramdam ako ng hiya dahil marami ang matang nakatingin sa amin. Karaniwan dito ay mga taga Bicol sa pagkakaalala ko. Napalunok ako bago nilabanan ang tingin niya.

"H-Happy Birthday" sabi ko tsaka umiwas ng tingin. "Bukas na lang 'yung regalo mo kas—"

"Kasi nakalimutan mo"

Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya 'yun. Doon ko nakita 'yung napakaexpressive na mata niya. Napalunok ako nang makita ko kung paanong naghalo ang tuwa at lungkot sa mata niya. Naramdaman ko din ang paghigpit ng kapit niya sa braso ko.

"K-kumain ka na" seryosong sabi niya na sinenyasan ang mga pagkain tsaka ako binitawan at tinalikuran.

Napalunok pa ako ng sundan siya ng tingin. Nakita ko kung paano siya lumapit sa pwesto ni Allirah at sa anak nito. Kung hindi ko lang nalaman ang totoo ay iisipin kong si Luxzell ang tatay ng anak ni Allirah. Close silang tatlo at nakakainis tignan ang bagay na 'yun.

"Axie" napalingon ako kay Yvez ng tawagin niya 'ko.

Nakita kong tinignan niya si Luxzell tsaka iiling iling at inalalayan ako sa pwesto nina Dad.

"Kanina pa kita tinatawagan at — amoy alak ka pa" sabi ni Dad sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nabaling ulit ang tingin sa pwesto ni Luxzell. Sinusubuan niya ang anak ni Allirah habang nakangiting nakatingin kay Allirah. Tangen* selos na selos na talaga 'ko pero ano bang karapatan ko magselos. Wala na kami dahil tinapos ko na.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now