CHAPTER 74: LONDON

6 0 0
                                    


LUXZELL POV

"AXIE" sabay na bungad nina Xian at Zev kay Ax.

Napalunok pa ako bago sumunod kay Ax. Sabay silang napalingon sa akin. Nakita ko ang paglunok ni Zev ng makita ako.

"L-Lux" tawag ni Zev, napalingon ako sa kaniya.

Nagpapalit palit ng tingin si Zev sa aming dalawa ni Ax. Napatingin ako kay Ax na nakangiting nakatingin sa batang hawak ni Xian. Napatingin naman ako sa batang hawak ni Xian. Lumapit si Ax kay Xian at sinilip ang batang hawak nito.

"Hindi mo sinabi sa amin na may kasama ka pala" nakangiting sabi ni Xian kay Ax na nilingon ako, hindi nang aasar ang tono niya.

"Oh ano ngayon?" nakangiwing sabi ni Ax sa nakakatandang kapaitd.

"Masungit ka pa din huh" sabi ng Kuya niya na tumatawa pa, close pala sila. "By the way, welcome to our home Luxzell" sabi ni Xian na nginitian ako.

Ngumiti din naman ako. "Salamat"

Nabaling ang tingin ko kay Zev na nahuli kong nakatingin sa akin pero agad ding nag iwas ng tingin. Lumapit ako kay Xian at nakisilip din sa baby na hawak ni Xian.

"Gusto mo bang kargahin?" tanong sa akin ni Xian, napangiti naman ako at napatango.

Dahan dahan niyang iniabot sa akin ang baby. Napangiti naman akong napalingon kay Ax na nakangiti ding nakatingin sa akin.

Napatitig naman ako sa sanggol. Naghahalo ang mukha ni Xian at Zev sa kaniya. Mahaba ang pilik mata at kahit baby pa ay makapal na ang kilay nito. Mataba ang pisngi at kulay rosas ang labi.

"Kailan niyo balak magkababy?" natatawang tanong ni Xian na ikinalingon ko.

Nakangiti lang si Ax habang ako ay nagulat sa inasta ni Xian. Hindi ko alam kung pinapaselos niya si Zev o inaalam kung may gusto pa ako kay Zev.

"Tigil tigilan mo 'ko brother." Nakangiwing sabi ni Axie na nakatingin sa baby at hinawakan ang maliit na kamay nito.

"Oo Luxzell. Alam kong magjowa kayo. 'Wag ka ng magtaka dahil sinabi sa akin ni Axie" sabi ni Xian na ikinagulat ko.

"Sige daldalam mo pa Kuya" pagbabanta ni Axie dahilan para matawa si Xian.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong paraan ng usapan nilang magkapatid. Close pala sila parang kami ni Lexzia. Nakakamiss.

Ngayon ay nakikita ko ang personality ni tito Primo kay Xian, palatukso at palatawa.

"Oh Zev! Natahimik ka yata" sabi ni Xian na nilingon si Zev.

Ngumiti lang si Zev pero hindi tunitingin sa akin kundi sa baby lang na hawak ko.

"Don't tell me sister na gusto mo pa 'yung Luxzell ko" sabi ni Ax na idinidiin pa ang salita.

Wala ako sa sariling napangiti dahil sa sinabi ni Ax. Masarap sa tainga ng sabihin niyang Luxzell ko.

"H-ha? Hindi ah. N-nagulat lang ako na kasama mo siya. H-hindi mo naman kasi sinabi na isasama mo siya" sabi ni Zev na hindi man lang ako nilingon.

"Oh talaga lang ha. May asawa ka na, akin na si Luxzell" sabi ni Ax na sinamaan ng tingin si Zev.

Medyo kinilig ako sa pagdadamot sa akin ni Ax sa kapatid niya. Hindi pala medyo, kinilig talaga 'ko. Feeling ko nga ay namumula ako dahil nag iinit ang mukha ko.

"Tsh ano ka ba! Ako lang gusto ng asawa ko" sabi ni Xian na ikinangiwi ni Ax.

Mag asawa na sila? Kailan sila kinasal?

Napatingin naman ako sa mga kamay nila at nakita ko nga ang couple ring nila.

Nginitian naman ako ni Xian na tinaas taasan pa ng kilay tsaka sumenyas na kukunin ang bata kaya dahan dahan ko namang inabot sa kaniya.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now