CHAPTER 35

30 1 0
                                    

(035)

LUXZELL POV

Nasa kwarto ko na kami nina Tristan at Yvez.

"Nagkatabi na kayo ni Axie sa iisang kama?"nagtatakang tanong ni Tristan ng makapasok kami ng kwarto ko. Tumango naman ako."Hanep"natatawang tanong nito.

"Tsk tsk hindi ko siya makakatabi ngayon"maktol ko tsaka padabog na naupo sa kama.

Pinagtatawanan lang nila ko.

"Grabe.Hindi kayo magjowa pero nagkatabi na kayo sa iisang kama tapos nahalikan mo pa."natatawang sabi ni Yvez na parang nag iimagine pa."Hindi ba tumatanggi?"

Kumunot naman ang ko.Anong pagtanggi bang binananggit niya?

"Tanggi saan?"kunot noong tanong ko.

"Sa halik,sa pagtabi mo sa kaniya sa pagtulog?"nagtatakang tanong ni Yvez.

Naglilipat lipat lang ng tingin si Tristan samin.

"Mahirap ba akong tanggihan?"pagmamayabang ko.

Natawa naman si Yvez tsaka si Tristan."Kilala ko kasi si Axie.Mahirap kausapin ang isang 'yun.Hindi ko siya madalas kausap kasi mas gusto niyang tahimik at kumain lang kaysa ang makiusap.Mahirap kasing pakiusapan 'yun"natatawang singhal ni Yvez.

Wala ako sa sariling napangiti.Mahirap oo pero napipilit ko siya.Ibig bang sabihin 'nun ay gusto niya talaga ko?

"Tang*na inlove HAHAHAHAHAHAHAHA"natatawang sabi ni Tristan,nakitawa naman si Yvez.

Napasimangot na lang ako.Nagsisimula nanaman silang mang asar.

AXQUECIA POV

Nasa guestroom na 'ko kasama si Dad.Naliligo na siya at aalis daw siya kasi kailangan niyang pumunta ng company nila ni tito.May importante lang daw silang kakausapin sa kompanya.

Habang naliligo si Dad ay kay kung anong sumasagabag sa isip ko.Ano ba 'tong naiisip ko psh?

Nagkakasundo ang isip at puso ko na gusto kong makatabi si Lux sa pagtulog.Nakakainis.Kaninang sinabi ni tito na hindi kami pwedeng magtabi ay parang gusto kong tumanggi.Bakit Axie?Bakit?

Napalunok ako sa sariling naisip.Gusto ko siyang katabi.Napapilit ako tsaka iiling iling.Nababaliw na 'ko.

Nanlaki na lang ang mata ko ng nakangising nakatingin sakin si Dad.Nakatayo siya sa may pinto ng banyo,nakacross arm tsaka nakangising nakatingin sakin.Napalunok ako tsaka napasinghal na nag iwas ng tingin.

"Gusto mong makatabi si Lux ano?"napalingon ako kay Dad sa diretsong tanong niya."Tsh.'Wag kang tumanggi dahil nakita ko ang reaksyon mo kanina"napakunot naman ang noo tsaka nagbuntong hininga."H'wag kang mag alala,ako ang bahalang magpaalam kay Luca-"

"Dad"inis na singhal ko.

"Oh?Alam kong hindi ka matatanggihan 'nun."natatawang sabi ni Dad.

"Da-"

Magsasalita na sana ako ng pumasok si tito Lucas sa guestroom.Nanlaki kong lumingon kay Dad pero nakangisi na siyang naglilipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni tito.Tinignan ko si Dad na para bang nagbabanta.

"My daughter want to sleep beside to your son"diretsong sabi ni Dad kay tito,hindi natakot sa tingin ko psh.

Napalingon naman sakin si tito na napaawang pa ang labi tsaka ngingising umiling.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now