CHAPTER 23:BICOL

30 3 0
                                    

(023)
Bicol

LUXZELL POV

Nagising ako sa hindi ko alam na dahilan.Pagmulat ng mata ko ay tumama sa kisame.Madilim pa rin ang paligid dahil lampshade lang ang nakabukas.Tatayo na sana ako ng may maramdamang nakapatong sa bewang ko.Nilingon ko ang bewang ko at kamay ni Ax.Dahan dahan akong napalingon kay Ax ay nakapatong nga ang kanang braso niya sa bewang ko.

Nakatagilid siya paharap sakin habang nakapatong ang kanang braso sa bewang ko.Mahimbing pa din ang tulog niya.Inabot ko ang cellphone na nasa table katabi ko.Akala ko ay cellphone ko ang nando'n pero kay Ax pala.

Inopen ko ang phone at kunot noong nilayo ang phone sa mukha ko.Ang silaw tsk tsk.Sinubukan kong tignan ulit.4:00am.Triny kong islide kaso nakalock.Wala akong ginawa kundi ang ibalik sa table na kinalalgyan nito kanina tsaka muling humiga.

Naalala ko na dapat pala ay maaga kami ngayon.Sakto kung tatayo na ako para makaligo na tsaka mag hahanda ng pagkain.Tamad 'to gumawa ng bagay bagay kaya kailangan na ako ang gagawa.

Nag aalinlangan man na alisin ang braso ni Ax na nakapatong sa bewang ko ay sinubukan ko itong iangat ng dahan dahan pero hindi pa man naiaangat ng sobra ay lalo niya akong niyakap.May kung anong kakaibang pakiramdam ng haplos niya.Lumapit siya lalo sakin at inilibot ang braso sa bewang ko para lalo akong makulong.

Nakahiga lang ako at hindi nakatagilid kaya hindi ko harapan mayakap si Ax.Siya ang nakatagilid sa akin at yakap yakap ang bewang ko.Kailangan ko pa siyang lingunin sa gilid ko para makita ang mukha niya.Sinubukan ko ulit tanggalin ang braso niya pero hindi siya nagpahila.

"Dito ka muna saglit.Malamig"nagulat akong lumingon sa kaniya,nanatili lang siyang nakapikit.Ang lambing ng pagkakasabi niya.

Gising siya tsk tsk.

"Ang sabi mo ay maaga tayo tsk tsk"sabi ko na iiling iling pa.

Tumango naman siya."Malamig,mamaya na"sabi niya na lalong niyakap ang bewang ko.

Wala ako sa sariling tumagilid paharap sa kaniya at niyakap siya.Hindi ko alam kung ano nga ba ang turingan namin,magjowa o magkapatid tsk tsk.

Lalong humigpit ang yakap niya na isiniksik pa ang ulo sa dibdib ko.May kung anong kilabot sa katawan ko.Kung umasta kami ay parang magjowa.Ang nakakainis ay gustong gusto ng puso ko na ganito kami.

Hindi ko namalayan na buhatin ng kanang braso niya ay kaliwang binti ko para maipatong sa binti niya.Traydor din ang binti ko at nagpagaan pa para mabuhat niya 'yun agad at maipatong sa binti niya.Maya maya ay binalik niya ang braso at pinapulupot sa bewang ko.

Umalis ang mukha niya sa dibdib ko at tiningala ako para makita ang kabuuhan ko.Yumuko naman ako para makita din ang mukha niya.

Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to. Ilang araw pa lang kami magkasama magkatulog pero napapansin ko kaagad kung paano siya matulog at gumising.Minsan ay good mood at malambing kung gumising tulad ngayon at minsan naman ay para bang kapatid ko,pinaglihi sa sama ng loob sa tuwing umaga.

"I don't know why I'm feel so comfortable with you"pag amin niya na ikinatigil ko.

Ganu'n na lang sa kaniya kadali na umamin ng ganu'n samantalang ako ay pag iisipan pa ng ilang araw kung aamin ba ako o 'wag na.

Isa pa,kahit bagong gising siya ay mabango ang hininga niya.Amoy toothpaste at para bang hindi siya natulog dahil sa amoy niya.Bigla naman akong nakadama ng hiya na baka mabaho ang hininga ko sa umaga.Sanay kasi akong matulog na walang katabi kaya kahit ano pang hininga ko ay ayos lang pero ngayon naiilang ako kahit hindi ko naman talaga alam ang amoy ng hininga ko sa umaga.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now