CHAPTER 60:AXQUECIA's BIRTHDAY

23 0 0
                                    

(060)

AXQUECIA POV

"May sarili ng pamilya si Luxzell?"

"Hindi ba't seventeen pa lang si Luxzell at kakaseventeen pa lang ni Axie ngayon?"

"Anak nila ni Axie ang batang 'yun?"

"Nakuuu ang aga naman nilang magkaanak"

Gusto kong matawa dahil sa sinasabi nila pero isa sa amin ni Lux ay hindi nakaisip na ipakilala si Wayan, Siguro ay mamaya nalang.

Marami ang nagtataka kung sino si Wayan. Hindi pa man namin sinasabi ay nanghuhusga na agad ang tingin nila.

"Good Evening everyone" bati ni Dad sa microphone.

Nasa garden namin ginanap ang party ko. Hindi naman 'to bongga pero masaya akong maraming pumunta. Ayaw ko din naman kasi ng bongga dahil ayaw ko ng sobrang daming tao. Hindi ako sanay na sobrang ingay ang paligid pero kunti kunti akong nasasanay dahil sa kulit ni Wayan.

Habang kumakain ang mga bisita ay nagsasalita si Dad sa microphone.

"Thank you for coming to my unika iha's birthday. I'm glad to see you all here" sabi ni Dad sa microphone.

Nasa garden kami at magkakasama sa iisang table sina Tristan, Yvez, Luxzell, Mallix, Vince at Jichelle.'Nung una ay nahihiya pang sumama si Jichelle kaya kailangan pang pilitin. Nakakandong naman si Wayan kay Lux.

"Alam kong maraming nakakapansin sa batang kandong kandong ni Lux, by the way meet the new member of Alvarez and Jeon" sabi ni Dad na sinenyasan na tumayo at lumapit sa kaniya.

Nasa harap kasi ako at nakaupo malapit sa microphone. May maliit na stage dito na napapalibutan ng balloons at may poster ko na sobrang laki,tarpauline. May nakalagay na Axquecia at 17.

"He is Wayan Axzell Alvarez Jeon" pagpapakilala ni Dad kay Wayan na kinarga pa ito,ngumiti naman si Wayan kay Dad,napakainosente pa. "Kung nagtataka kayo kung bakit Alvarez Jeon,sorry to say but this is not the son of Luxzell and Axquecia" natatawang sabi ni Dad,kita naman ang pagkakaliwanag sa mga tingin ng mga bisita. "This child is adopted by my daughter and Luxzell,this kid treat Lux and Axie as his parents kaya naririnig niyong tinatawag niya itong Mama and Papa" sabi ni Dad,nagpapaliwanag. "And sa mga nagtatanong kung mayroong relasyon si Axie at Lux,mas mabuti pang sila na lang ang tanungin niyo" natatawang sabi ni Dad,napasinghal naman ako. "Enjoy everyone and eat more" nakangiting sabi ni Dad.

"Pwede din po ba akong kumain ng malaming malami?" rinig sa microphone ang boses ni Wayan dahilan para magtawanan ang mga bisita sahil sa pagkabulol nito sa R.

Tumango si Dad tsaka ibinaba si Wayan at sinenyas ako.Agad namang tumakbo si Wayan sa akin at niyakap ako.

"Bakit po ako pinakilala ni tito plimo? Malami na po sa aking nakakakilala? Sikat na po ako?" Nakaawang ang labi niya habang nilakihan ang mata habang nagtatanong sa akin.

Napangiti naman ako. "Ipapakilala ka kasi parte ka ng pamilya namin" pagpapaliwanag ko.

"Palte ako ng pamilya? Kasama si papa Luxzell" bibong bibo na sabi nito.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now