CHAPTER 54

29 1 0
                                    

(054)

AXQUECIA POV

Malakas ang buhos ng ulan ngayong araw.Hindi ako mahilig manood ng TV kaya hindi ko alam kung ano ang mga binabalita.

Sa gitna ng klase ay bumuhos ang malakas na ulan,wala naman sinabing bagyo 'yun pero may mga estudyanteng naglalabasan na ng mga room.

Walang pasok?

Wala naman akong problema do'n.Ang problema ko e kanina pa 'ko hindi pinapansin ni Luxzell.Ano bang problema niya?

"Mr. Alvarez announced that class is suspended.You may go back to your home.Keep safe everyone" sabi ni Mrs. De Vera,Physical Science teacher.

Napabuntong hininga naman akong sumilip sa labas.May mga kaklase na din akong lumalabas ng room kasabay ang teacher namin.

General Academic Strand ang kinuha ko ngayong senior high.Well,undecided ako.Wala akong plano sa future ko dahil alam ko na ang future ko,ang papalit sa pwesto ni Dad sa kumpanya dahil hindi na maasikaso ni Kuya dahil nagpamilya agad.

Bakit pa ako pipili ng ibang strand kung alam ko na din naman kung saan ang bagsag ko?Psh.

Napalingon na lang ako ng dumaan si Lux sa harap ko.Nasa unahan kasi ako nakaupo kaya paniguradong makikita ko ang lahat ng dadaan.Napahinto sa may pinto.Napasilip ako ng may tumawag sakin.

"Axie.Tara na" boses ni Mallix,napalingon ako kay Lux na nakatingin na pala sakin ng seryoso.

Napabuntong hininga akong nag iwas ng tingin tsaka tumayong binitbit ang bag ko.Napangiwi ako ng bigla akong hilain ni Lux papalapit sa kaniya.Nakita ko naman na nagulat si Mallix sa ginawa ni Lux.

"Ako na ang bahala sa kaniya" seryosong sabi ni Lux,si Mallix ang kausap.

Napapangiwi pa 'ko dahil sa higpit ng pagkakawak niya sa braso ko.

Walang nagawa si Mallix kundi ang tumango at naguguluhang lumingon sakin,tumango na lang ako sa kaniya tsaka siya naglakad palayo samin.

Alam kong maraming mata ang nakapaligid pero hinayaan ko na lang dahil...wala lang.

Naramdaman ko naman na bitawan ako ni Lux tsaka naglakad palayo sakin.Napakunot ako ng noo ng matandaan ang sinabi niya kanina.

Ako na ang bahala sa kaniya.

Psh.Really?

Hindi man lang siya lumingon at dire diretso lang ang paglalakad kasama sina Tristan at Yvez.Hindi naman ako manhid para hindi malaman ang inaasta niya.Nagseselos siya psh.

Hindi ko alam na pati pala lalaki mapride na rin?Kakaiba na talaga ang sistema ng mundo ngayon.

Napabuntong hininga pa 'ko bago naglakad pasunod sa gawi nina Lux.Isang room ang layo ko sa kaniya pero napalingon si Yvez sa likod kaya nagtama ang paningin namin.

Huminto siya kaya napahinto din ang dalawang kaibigan at tumingin sakin.Naguguluhan naman silang naglipat lipat ng tingin saming dalawa ni Lux.

"Maiwan niyo muna kami.Kakausapin ko lang ang kaibigan niyong seloso" sabi ko,kausap ang dalawang kaibigan ni Lux.

Napasinghal naman si Lux na nag iwas ng tingin habang natatawa naman ang dalawa.Tinapik nito ang balikat ni Lux tsaka tumango sa akin at naglakad palayo.Naiwan kami ni Lux.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now