CHAPTER 51

26 1 0
                                    

(051)

LUXZELL POV

May gusto akong puntahan ngayong sabado na ayaw kong gawin ni Sevi para sakin.Gusto kong puntahan ang pamilya ko sa sementeryo dahil ilang buwan ko na silang hindi napupuntahan.

"Sure ka ba diyan Lux?" Tanong ni Sevi.

Nasa harap ako ng computer ko na nakarecognize kay Sevi.Kailangan na magkaroon sa system niya na makakain.

Hindi nga lang normal sa normal na tao ang pagproses ng pagkain sa loob ng katawan niya.Hindi siya naiihi o natatae.Ang pagkain na nakakain niya ay malulusaw sa loob ng katawan niya na walang bula,nawawala na lang bigla.

Walang masamang epekto sa system niya ito kaya gagawin ko.

"Sure saan?" Kunot noong tanong ko na nasa computer ang tingin.

Nakaupo naman siya sa upuan na kinauupuan niya palagi kapag nasa loob ng laboratory.

Naglipat lipat naman ang tingin niya sa computer tsaka sakin.

"Na pupunta ka ng sementeryo tsk tsk" singhal niya habang nagcross arm at sumilipi sa kinakalikot ko sa computer.

Napabuntong hininga naman ako tsaka humila ng isang upuan dahil nangangalay na 'ko.Naupo ako do'n at nilingon si Sevi na nasa computer lang ang tingin.

"Oo,madali lang naman ako" sagot ko tsaka muling bumaling sa computer.

Naramdaman ko naman ang paglingon ni Sevi sakin."Sige.Ako na ang bahala dito." Sabi niya.

Wala ng ingay ang namagitan sa aming dalawa hanggang sa maconnect ko na sa kaniya ang ginawa kong program.

Tulad ng nangyayari sa tuwing may dinadagdag ako sa kaniya ay pumipikit siya at parang walang malay pero nanatiling nakaupo sa kinauupuan niya.Napalingon naman ako sa computer at nagloloading na ito,napatingin naman ako kay Sevi.Naglipat lipat ang tingin ko sa kaniya at sa computer hanggang sa mafully loading na ito.

Nanatili ang tingin ko kay Sevi ng hindi ito nagmulat.Napakunot ang noo kong napatingin sa computer,fully loading na.Parang may kung anong kaba akong naramdaman kaya sinubukan kong tignan lahat ng screen na nakakonekta kay Sevi,ayos naman.

Napatingin ako kay Sevi at nanatili itong nakapikit.

"S-Sevi" tawag ko na ginalaw pa siya pero nanatili lang talaga siyang nakapikit."Bakit walang nangyari?S-Sevi!" Malakas na sigaw ko pero wala talaga.

Kunot noo kong nilingon ang computer pero walang nagbago sa system niya,normal ang takbo nito.Sinubukan kong kalikutin ang bawat program na nakaconnect sa kaniya.Tinignan ko din ang system niya,ayos naman.

Napalingon ako kay Sevi ng marinig ko 'tong tumatawa.Kumunot ang noo kong tumingin sa kaniya na hindi natinag sa pagtawa.

"To much concern master" natatawang sabi niya.Napasinghal na lang ako sa inis dahil pinagtitripan niya lang pala 'ko."Pwede na ba 'kong kumain?" Parang batang tuwang tuwa siya.

Napabuntong hininga muna ako bago tumango.Excited naman itong tumayo at pumunta ng dinning area.Dahil gusto ko rin siyang makitang kumain sa unang pagkakataon ay sumunod ako para panoorin siya.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now