CHAPTER 32

25 1 0
                                    

(032)

LUXZELL POV

Nang matapos akong maligo ay lumapit agad ako sa pweato nina Dad.

"Dad"naiilang na tawag ko,pati si tito Primo ay napalingon sakin."A-ano?uhmm"nahihiya pa akong naglilipa lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni tito.

Nasa guest room pa rin si Ax habang nasa kwarto sariling kwarto na si Lexzia.Si Mom,Dad at tito Primo ay kasama kong narito sa sala.

"May kailangan ka?"tanong ni Dad.

May kung anong pagkailang at hiya na maghangad ng request sa kanila kasi baka si Ax ay ayaw rin ang gusto ko.

"Dad,t-tito."tawag ko na ikinakailang ko pa."A-ano pwede po bang magtabi kami sa pagtulog ni Ax?"sa wakas na ay nabanggit ko rin pero napayuko agad ako at napapikit sa kahihiyan.

Gusto ko talagang magyari 'yun.Gusto kong makatabi si Ax sa pagtulog.Hindi ko alam kung bakit gusto ko basta gusto ko!!!

Sabay sabay naman silang natawa,kahit si Mom.Napalingon naman ako sa kanila.

"Sure sure"sabi ni tito na ikinangiti ko"Walang problema samin 'yan lalo't nagpaalam ka kaso.."paputol ni tito na ikinakunot ng noo ko."Kung 'yun ay papayag si Axie"natatawang sabi pa ni tito Primo,nakitawa din si Mom at Dad.Napakamot naman ako sa ulo tsaka iiling iling na lumingon sa taas."Sabihan mo na do'n.Baka sakaling mapilit mo"

Hindi ko alam kung nang aasar ba si tito o hinahamon ako.

Ngumiti naman ako sa kanila tsaka tumango at patakbong umakyat ng kwarto.Kumatok muna ako.

"Tuloy"sabi ni Ax kaya pumasok na ko.

Nakita ko pang magulat siya pero binaliwala niya agad ako at humarap sa salamin.Kulay itim na padjama at kulay maroon na tshirt,lalong umaangat ang puti niya.Isinara ko ang pinto tsaka naupo sa kama.

Nakatalikod siya sa akin,nakaharap sa malaking salamin na sa sobrang laki ay nakikita ko ang sarili ko.Nakaupo naman siya sa upuan na naroon sa harap ng salamin at kung ano anong nilalagay sa mukha.

Skin care tsk tsk.

"Pwede ba akong magrequest?"nakangiting sabi ko na tinitignan ang repleksyon niya sa salamin.

Kumumot naman ang noo niyang tinignan din ako sa repleksyon ng salamin."Ano 'yun?"halata ang pagtataka sa tono niya.

Kinakabahan ako,oo.Hindi na ata 'to mawawala sakin kapag kaharap ko talaga siya.Para bang hindi pa rin ako sanay sa kaniya pero gusto ko siya.Tsk tsk weird.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya.Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.Nanlalambing.Nakita ko naman na magulat siya at nailang pang tignan ako sa salamin.

"Pwede bang tabi tayo matulog ngay-"

"What?No!"tanggi niya agad kahit hindi pa ako tapos magsalita.

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at iniharap siya sakin.Nakakakaba nanaman ang tingin niya.Ang sungit!

"Please?"nakangiting sabi ko,sinusubukan siyang kumbinsihin.

Lalong kumunot ang noo niya na itulak pa ako,hindi naman kalakasan pero napaatras ako.Nagtataray nanaman ang tingin niya na tinaas pa ang isang kilay.

"A.YO.KO"Pagdidiin niya tsaka suminghal pa bago tumingin sa salamin.

Bakit masungit nanaman siya?Kanina bago ako umalis ay nakangiti siya pero ngayon ay masungit nanaman.Baka halik ko ulit ang ikakangiti niya.

Wala ako sa sariling napatingin nanaman sa labi niya.Namumula 'yun na medyo basa pa.Dahan dahan nanaman akong napatingin sa mata niya na abala kakatingin sa ginagawa niya sa harap ng salamin.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now