CHAPTER 127

7 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"GOOD MORNING" bati sa akin ni Luxzell.

Napatakip pa ako ng mukha sa kahihiyan. Naalala ko pa kung anong nangyari kagabi psh.

Inalis niya ang palad ko sa mukha ko tsaka hinalikan ako.

"Tumayo ka na diyan, pag uusapan na ang kasal natin"

"HA?" Gulat na tanong ka sa kaniya na napaupo pa.

"Ha?" ginaya niya ang tono ko tsaka natawa. "Syempre kailangan kasal na tayo bago lumabas 'yung baby" sabi niya habang nakangiting napatingin sa tiyan ko.

Napasinghal naman ako tsaka inis na napakamot sa ulo. "Hindi ka pa nga sure kung may nabuo na e" kunot noong sabi ko.

"Masyado mong ginalingan kagabi kaya paniguradong may nabuo t— Aray ha" natatawang sabi niya ng paluin ko siya sa braso ko.

Nahiya ako sa sinabi niya kaya nailang akong tumingin sa mismong mata niya.

"Halika na. Nasa labas na si tito na at naisabi ko ng nag usap na tayo kagabi at handa na 'kong pakasalan ka pero hindi ko sinabing nag uuhmm tayo kagabi" natatawang sabi niya.

Ginagawa niyang biro ang bagay na 'yun pero ang totoo niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Inalalayan niya akong tumayo at bigla akong naupo ng maramdaman ang sakit sa maselang parte ng katawan ko. Nag alala naman si Lux na sinilip pa ang mukha ko.

"W-What's wrong?" tanong niya na pinasadahan ng tingin ang kabuuhan ko.

"M-Masakit pa ang ano ko. Nahihirapan akong maglakad" nahihiyang sabi ko.

"Naku po" sabi niya na nasapo pa ang sariling noo. "Mahahalata tayo kapag ganiya'n ka. Ganito na lang. Makikiusap ako na bukas na lang dahil tinatamad ka pa" sabi niya na para bang 'yun ang pinakamagandang ideya sa buong mundo. "Magpahinga ka na. Ako na bahala ha. I love you" sabi niya tsaka inalalayan pa akong mahiga at hinalikan ang noo ko.

Napangiti naman ako ng magmadali itong makalabas. Hindi ako makapaniwala na may nangyari na talaga samin. Naitakip ko ang palad ko sa mukha dahil sa hiya. Tapos na 'yun pero ngayon pa ako nahiya. Pero wala akong pinagsisisihan na ginawa namin 'yun.

"Hey wake up" rinig kong boses.

Dahan dahan akong nagmulat ng mata at bumungad agad sa akin si Luxzell. Nakaformal suit siya kaya nagtaka ako.

"S-Saan ka galing?" nagtatakang tanong ko.

"Nakalimutan mo agad?" natatawang tanong niya habang nag aalis ng sapatos at relo niya. "Baka nakalimutan mong CEO ako ng J.A Company at araw araw my trabaho doon" nakangiting sabi niya tsaka naupo sa tabi ko. "Ang haba ng tulog mo, gabi na" natatawang sabi niya kaya napalingon ako sa relong inilapag niya. 9:30 pm. "Masyado bang nakakapagod?" natatawang tanong niya.

"Psh. Baka nakakalimutan mong nagbreak tayo at wala pang clear na usapan sa pagbabalikan natin"

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Nagseryoso ang mukha niya kaya natawa ako. Inis itong naghubad ng coat niya tsaka padabog na pumasok ng Comfort Room. Natatawa naman ako sa naging reaksyon niya. Nagbibiro lang naman ako.

Nang makalabas ito sa C.R ay naupo ito sa kama na bihis na at nagtitiklop ng damit na hinubad niya. Tumayo ito ng hindi ako pinapansin kaya hinila ko ang damit niya kaya napaupo ulit siya sa kama. Naupo naman ako at niyakap siya. Hinahalik halikan ko pa ang pisngi niya.

"Biro lang 'yun ha" natatawang sabi ko na lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya.

"Hindi magandang biro 'yun" nakangusong sabi niya, natawa na ako.

Hinarap niya ako tsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Pumunta ka nanaman ba sa Allirah mo?" nakangusong tanong ko.

Tumawa siya tsaka hinarap ako. "You are jealous again. You want 1 roun—"

"What the hell? Masakit pa nga ito dahil kagagawan mo tapos magyayaya ka pa ng 1 round?" inis na sabi ko sa kaniya.

"I'm telling you, one jealous is equal to one round" natatawang sabi nito.

"Shut up" pagbabanta ko.

"Okay. Utang muna dahil masakit pa" sabi niya tsaka kinuha ang paper bag na nasa tabi niya. "Kumain ka na muna" sabi niya na inilapag ang pagkain. "Niluto 'yan ni Sevi kaya bumili ako ng drinks sa labas" nakangiting sabi niya. "Ginigising ka daw ni Sevi kanina pero tulog mantika ka" natatawang sabi nito.

Napaiwas naman ako ng tingin sa hiya. Nilatagan niya 'ko ng pagkain sa plato ko tsaka nginitian ako bago siya kumain.

"I love you" malambing na sabi ko, napalingon naman siya tsaka napangiti.

"I love you too" sabi niya pa tsaka hinalikan ako sa labi.

Sobrang saya ko na okay na kami. Para bang ilang araw lang lumipas ang problema kung balit ganu'n kadali kami nagbati. Nangangako na 'ko sa sarili ko na magtitiwala na ako sa kaniya kahit kailan. Hindi na ako magseselo— joke psh.

LUXZELL POV

"Are you sure of that?" tuwang tuwa na tanong ni Yvez.

Sinabi ko na kasi sa kanila na balak ko ng pakasalan si Ax.

"It's nice to hear" sabi naman ni Sevi.

"Kahit anong balak mo susuporta kami" sabi naman ni Tristan.

Napangiti naman ako sa kanila.

"Siguro sapat na 'yung edad namin para dito. Hindi na rin ako makapaghintay" tuwang tuwa na sabi ko.

"I can't explain my feeling right now. Sobrang saya ko dahil lumalaki na talaga tayo. Imagine may balak ka ng magpakasal" sabi ni Yvez na parang maluluha pa.

Napangiti naman ako sa kaniya at niyakap ito. "It's been a long year and we still together" nakangiting sabi ko sa kanila. "Kung dati ay pangarap kong magsuot ng toga, ngayon pangkasal na. Kung dati gusto kong humawak ng diploma, ngayon anak ko na" hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayon.

"I'm happy for you Luxzell" sabi ni Tristan.

Napasinghal naman ako habang tumatawa. "Nagbabalak pa lang naman ako, hindi pa ako kasal ang kokorni niyo"

Sabay sabay kaming natawa dahil sa pinagsasasabi namin pero halata ang tuwa sa kanila at nakakatawa pa si Sevi na nagvolunteer agad na siya ang magluluto sa kasal namin.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now