CHAPTER 40

23 0 0
                                    

(040)

TRISTAN POV

Monday ngayon at ito ang araw ng pagbalik at pagpapasok naming apat sa eskwela.Hindi ko pa malimutan ang nangyari kagabi sa sementeryo.Ang katunayan nga niyan ay hindi na ako nakatulog dahil kakaisip kay Lux.

Si Axie ay natulog sa bahay ni Lux,inutos ni tito Primo.Nagtext naman si Axie na natulog daw agad si Lux pag uwi.Umabot kami ng alas dyes ng gabi bago nakauwi sa kaniya kaniyang bahay.

Pagdating naman ng bahay ay isang katutak na tanong naman ang galing kay Mom at Dad,kinakamusta si Lux.Hindi ko naman masabing okay dahil hindi naman talaga.

Ang iniisip ko naman ngayong araw ay kung papasok si Lux ngayon sa lagay niya?Alam kong hindi siya pipilitin ni Axie na pumasok na ganu'n ang sitwasyon niya.

Sabay kaming napalingon ni Yvez ng pumasok si Axie ng walang kasama.

"Hindi niya pa daw kayang pumasok"bungad agad ni Axie.Napabuntong hininga na lang kami tsaka tumango."Gusto niya rin daw makapag isa kaya pinagbigyan ko kung 'yun talaga ang ikakaluwag luwag niya"dagdag pa ni Axie.

Wala kaming ibang ginawang tatlo kundi ang pumunta sa office ni Mr. P at pag aralan lahat ng pinag aralan ng mga kaklase namin nung wala kami.Madami dami rin ito kaya ang schedule namin ay bukas na ang quiz.Hindi rin kami pwedeng umabsent ngayon dahil absent kami ng ilang linggo.

Breaktime...

Pagpasok namin ng Canteen ay sumalubong agad samin ang usap usapan tungkol sa pagkamatay ng pamilya ni Lux.

Nagulat na lang ang lahat ng paluin ni Axie ang lamesang blangko,walang nakapwesto.Palong pagkalakas lakas na nag echo pa sa loob ng Canteen.Pati ang mga waiter at mga tauhan na naka assign sa Canteen ng Campus ay nagulat din sa ginawa ni Axie.

"Stop talking about the family of Luxzell specially if he's here.Kapag may narinig akong bulungan tungkol sa bagay na 'yan ay haharapin ko at pagkekwentuhin ko sa harap ko mismo.Naiintindihan?"hindi pasigaw ang pagsabi ni Axie pero may diin na nagdudulot ng takot sa mga estudyanteng nasa loob ng Canteen.

"S-sorry Axie"
"Ikaw kasi e sabi kong 'wag na"
"Hindi ko naman kasi alam na magagalit siya"
"I'm really sorry Axie"
"Hindi na mauulit"

Sagot ng mga estudyante.Paano niyang napasunod ang mga estudyante?

Naunang naglakad si Axie kaya sumunod naman kami at nag order ng makakain.

LUXZELL POV

Nagising ako sa boses ni Ax.Magkatabi kaming natulog.

"Good Morning.Kumain ka na"nakangiting sabi niya.

Inalalayan akong tumayo hanggang sa makaupo ako sa dinning area.Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko tsaka naupo sa tabi ko.

"Ikaw ang nagluto?"tanong ko habang nasa pagkain ang tingin.

May itlog,hotdog,bacon at pansit.May nakatimpla nading kape at gatas.

"Oo"nakangiting sabi niya tsaka nagsimulang kumain.

"Hindi ka naman marunong magluto diba?"tanong ko na nilingon pa siya tsaka nagsimulang kumain.

"Youtube psh"singhal niya tsaka nagpatuloy kumain."Kaya mo na bang pumasok?Ngayon ang pagbalik natin sa Campus"naisabi niya na ikinalingon ko.

Oo nga ngayon na 'yun?

"Ayaw ko pa"sabi ko na iniwas ang tingin sa kaniya."Gusto kong mapag isa sa ngayon"sabi ko tsaka dinali dali ang pagkain.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now