CHAPTER 1

221 9 0
                                    

(001)

𝐋𝐔𝐗𝐙𝐄𝐋𝐋 𝐏𝐎𝐕

"Hi mom goodmorning," bungad ko kay Mom pagbaba ko ng kwarto.

Patakbo akong bumaba ng kwarto at niyakap si Mom at kiniss sa noo.

"Good Morning," bungad din sakin ni Mom na niyakap pa ko.

"Good Morning my hadsome Dad," pambobola ko kay Dad na ikinangiti niya.Tinapik ko naman ang braso nito.

"Good Morning my hadsome and smart son," bola rin sa 'kin ni Dad na ikinatawa ko.

"Good Morning my lil sister," bati ko naman sa nakababata kong kapatid na si Lexzia.

Wala akong nakuha sa kanya dahil sa pagtataray niya. Yes!ganiyan na ganiyan siya.

"Bakit bad mood ka?" nang aasar na tanong ko"Wala kang pagkain? Pera?laruan?"

Sinamaan niya lang ako ng tingin habang nakanguso. She's still young. She's only 12 years old, first year high school and I am 17 years old, Grade 11 student a senior high school.

"Let's eat,'' sabi ni Dad na nanguna na sa pagkain.

Dahil sa gwapo at mabait na ko ay pinaghanda ko ang kapatid ko ng makakain sa kanyang plato.

"Tigil tigilan mo ang pagsimangot. Nakakapangit 'yan bahala ka," pang uuto ko sa kapatid ko.

Tinignan niya naman ako na para bang may nagawa talaga kong masama sa kanya.

"May nagawa ba ang kuya? Bakit ang sama ng tingin mo?" kunot-noong tanong ko habang nagsasalin ng kanin sa plato niya.

"Nakalimutan mo agad?" pagtataray ng kapatid ko.

Napatitig ako sa kanya.Masama talaga ang tingin niya.

Nakalimutan?Alin?

"Edi nakalimutan mo nga kuya!" pagmamaktol ni Lexzia.Tinignan ko lang siya na parang nagtatanong ang mata."Sabi mo ay sasamahan mo 'ko magmall kahapon pero nalaman ko kasama mo mga kaibigan mo at naglaro kayo ng billiar."

Napakamot na lang ako sa batok ng maalala ko ngang sinabi ko 'yon sa kanya. Tsk tsk. Makakalimutin na ata ako.

"Sige babawi ako, gusto mo kapag uwi natin ng klase ang diretso tayo sa mall," pagprisinta ko.

Bigla naman nagliwanag ang mukha niya at talagang bata bata pa ang reaksyon. Tsk tsk.

"Sabi mo 'yan kuya ha! Baka mamaya niyan e makalimutan mo nanaman," napangiti nalang ako dahil talaga tsk tsk, she's so cute.

Tumango naman ako at sinalinan siya ng ulam sa kanyang plato. Nakangiti naman siyang nagsimulang kumain. Parang bata kung ngumuya at talagang ninamnam ang pagkain. High school na pero isip pa din. Tsk tsk.

Nang matapos kami sa pagkain at dumiretso agad ako sa kotse ko. Dahil nga sa gwapo ako at mabait na ay inalalayan ko ang kapatid kong makapasok sa kotse ko. Sabay kaming pumapasok sa school araw araw at minsan ay sabay kaming umuuwi pero dahil minsan naman ay late na ako kung umuwi dahil nga sa gwapong mahilig gumala HAHAHA,driver ni Dad ang naghahatid pauwi kay Lexzia.

"Kuya, naiinis ako kay Walter psh. Sa tuwing papasok ako ay hindi ako tinatantanan dahil daw ay boto ka naman sa kaniya," nakangusong sabi niya.

Napangiti na lang ako.Walter Alonzo,kabatch ni Lexzia at talagang may crush siya sa kapatid ko, napakagwapo niya kaso mas gwapo nga lang ako. Botong boto ako sa kanya dahil matalino siya kaso mas matalino nga lang ako HAHAHA tsaka close ko talaga ang lalaking yun. Magkapatid na rin ang turingan namin.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now