CHAPTER 68

45 3 0
                                    

(068)

LUXZELL POV

Nasa simbahan kami dito sa Masbate. Maraming tao. Pagdating namin ay dinumog kami ng mga taong narito, karaniwan ay kaedad namin or kaya mas bata sa amin.

Kasama ko si tito, Tristan, Seirho, Wayan at Ax. Wala si Yvez dahil nasa bahay nina Jichelle. Pinagkaguluhan kami at hindi na maintindihan kung simbahan pa ba 'to o concert namin tsk tsk.

Lalo kaming pinagkaguluhan ng makalabas kami. Marami ang nag abang sa labas at maraming nagrerequest na magpapicture. Hindi man lahat alam ang pangalan namin e, may nakakakilalang iba dahil kilala si Dad at tito Primo.

Kahit si Wayan ay todo din ang pacute sa tuwing may magpapaicture sa kaniya. Si Sevi naman ay parang wala lang, tsk tsk robot e. By the way, bago kami pumunta ng Bicol ay inalis ko na ang connection ng utak namin. I mean is hindi ko na nababasa ang isip niya. Wala na ring screen ang nakakonekta sa mata niya. Binigyan ko siya ng privacy. May palatandaan din na ako ang tunay at siya ang robot. Iniba ko na kasi ang kulay niya,medyo may pagkakayumanggi na, lalo kong pinasingkit ang mata niya, mala Joao Constantino na rin ang buhok niya at mas matangkad na siya sa akin ng isang dangkal.

Si Tito Primo ay todo bantay naman kay Wayan. Si Wayan ay panay pacute sa mga nagpapapicture sa kaniya. Si Sevi ay ngingiti ngiti lang kapag may nagpapapicture. Si Ax naman ay pinagkakaguluhan ng mga lalaki kaya sumasama ang tingin ko,hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya. Maalis lang ang tingin kapag may magpapapicture sa akin. Si Tristan lang yata at Wayan ang nag eenjoy sa pagkakataong ito tsk tsk.

Marami din ang nagtataka na may kakambal pala ako pero pinapaliwanag ni tito na robot ko si Sevi. Marami ang namamangha kay Sevi at ang daming humihila hila sa kaniya. Napapasinghal ako dahil baka mapahamak si Sevi kakahila nila. Si Ax naman ay hindi na rin natutuwa, pilit na pilit ang ngiti nito. Dapat pala hindi na lang kami nagtangka na magsimba tsk tsk.

Nang makalabas kami do'n ay pumunta kami ng mga restaurant na madadaanan namin sa Masbate. Marami rami ang makakainan dito at sino pa ba ang matutuwa? Si Tristan at Ax syempre tsk tsk. Hindi rin nagpapahuli si Wayan na nakikipagpadamihan din ng kain pero hindi namin pinapabayaan dahil baka masobrahan ng busog at magkasakit pa.

Kinabukasan...

Last day namin sa Masbate. Hindi rin kasi pwedeng magtagal dito lalo na't may trabaho din kami sa Pasig. Ilang buwan akong nawala sa kumpanya pero dahil magaling si tito at Ax ay nakayanan nila. Hindi rin naman ako pwedeng umasa sa kanila dahil kailangan ko din asikasuhin lahat ng ari arian ni Dad na naiwan. Nasanay na 'ko na wala sila pero hindi ibog sabihin 'nun ay makakalimutan ko na sila.

Swimming ang ginawa namin ngayong last day. Nakakatuwa dahil marunong si Wayan lumangoy. Nakikipag unahan siya sa amin lumangoy. Habang nakikipaglaro si Wayan kay Sevi at Tristan ay lumapit ako kay Ax. Wala si tito dito dahil may inasikaso nanaman.

Nasa gilid siya ng dagat habang nakangiting nakatingin kay Wayan. Naupo ako sa buhangin katabi niya. Napalingon siya sa akin. Lalo akong lumapit sa kaniya at inakbayan siya habang kina Wayan ang tingin.

"Alam ko kung anong past ni Wayan" sabi ko na kay Wayan pa din ang tingin, napalingon ako kay Ax pero hindi na siya nakangiti at nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "Syempre isa 'yun sa mga rason kung bakit nagpatatag sa akin" nakangiting sabi ko na nasa kay Wayan nanaman ang tingin. "Mahirap 'yung pinagdaanan ko, lalong humirap 'nung nilayuan mo 'ko" sabi ko na nilingon siya.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now