CHAPTER 39

41 0 0
                                    

(039)

AXQUECIA POV

"We need to call Lacson.He need to know this"sabi ni Dad.

Nasa bahay kami ni Luxzell.Nakakalungkot na dalawang beses pa lang ako nakapunta dito pero napuno na ng magagandang memory para sakin.

"For what?"nagtatakang tanong ko kay Dad.

Nasa pinto kami ng sala nina Lux,do'n nilagay ang mga kabaong ng family niya.Kanina pa hindi naalis ang tingin ko kay Lux na minsan ay hindi man lang natinag sa pagkakaupo at tutok na tutok ang paningin sa kabaong ng pamilya na.Ang sakit niya sa dibdib panoorin.

"I need to go in Naga"biglang sabi ni dad na ikinalingon ko."Hindi daw mapakali si Lacson 'nung nalaman na namatay si Lucas"

Nangunot naman ang noo ko."Why he acts like that?"

Napabuntong hininga naman si dad na nag iwas ng tingin."Lacson treat Lucas as his real father."may kung anong kilabot ang gumapang sa binti ko."He wants to died also."He wants to kill his self.I need to convince him"sabi nito na napatango na lang ako.

"I'm going with you"sabi ko na ikinagulat niya."Andito naman ang family ni Tristan at Yvez.They can care Luxzell while we are in Naga City." sabi ko.Tumango naman agad si Dad tsaka napabuntong hininga.

Isa sa mga ugali ni Dad,sa tuwing may malalim na iniisip siya o may malaking problema ay dinadaan niya sa pagbuntong hininga.Alam kong sobrang sakit kay Dad ang nangyari dahil base sa kwento niya ay malapit na kaibigan niya si tito Lucas magsimula high School hanggang sa mag ka anak silang pareho.

Nagpaalam na si Dad sa family ni Yvez at Tristan na bantayan si Lux at asikasuhin ang mga pumupunta.Hindi ko lang inaasahan na pati ang mga taong taga Pasig na naging malapit sa pamilya ni Lux ay nagvolunteer na mag aasikaso din sa mga darating at babantayan si Lux.

Hindi ko kilala ang mga taong narito pero base sa mga reaksyon nila,lungkot sa mga mata nila ay halatang malapit ito sa pamilyang Jeon.Nakakatuwang tignan na maraming nagmamahal kay Lux maliban sa pamilya ko at pamilya ng mga kaibigan niya.

"Tito"bungad agad ni Lacson sa amin pagdating sa bahay nila,umiiyak siya at halata sa mata ang pamumula na para bang ilang oras siyang walang tigil sa pag iyak.

Simple ang bahay nila.Semento pero walang pintura.Maraming tanim ang nakapalibot.

"Condolence Primo"parehas na bungad ng mag asawa,paniguradong magulang ni Lacson.

"Salamat."pilit ang ngiting sabi ni Dad,halata na nagpipigil ng luha.

Marami ang nakakaalam na malapit na magkaibigan ang Dad ko at pati si tito Lucas.Ngayon ko lang nalaman dahil sa lahat ng taong pumunta sa bahay ni Lux ay kinakamusta si Dad at Lux.

"Hindi naman inaasahan na ganu'n ang mangyayari.Pasensiya na at hindi kami makakapunta?"sabi 'nung lalaki,ama ni Lacson.Medyo matanda na,sa tingin ko ay singkwenta na ang edad.

"Bakit po?"singit ko,ikinalingon nilang pare pareho.Halatang kilala na nila 'ko dahil hindi mo mapapansin ang pagkagulat o pagtataka sa rekasyon nila.

"W-Wala kaming pera pamasahe para makauwi ng Pasi-"

"Sagot ko na ang pamasahe"singit ko sa sinabi ng ama ni Lacson,nagulat siya at napalingon pa kay Dad.Tumango naman si Dad.

"Nakakahiya man po pero hindi na namin matatanggihan 'yan dahil gusto po talaga naming makapunta do'n kahit isang beses man lang.Palagi siyang pumupunta dito,kahit man lang ngayon ay mapuntahan namin siya do'n pero hindi namin gusto ang madadatnan namin"halatang malungkot ang tono niya.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now