CHAPTER 84: WELCOME PARTY

4 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Ganda niya huhu"
"Gagi ang ganda niya talaga!"
"Sana sila na lang rumampa e"
"Epal kasi 'yung Nix e, paano naman kaya nakapasok 'yun sa listahan?"

Rinig kong usap usapan ng mga estudyante ng makapasok ako. I was wearing a simple dress. It's color red and red sandals. Nakatali naman ang buhok ko habang wala masyadong makeup ang mukha.

Naupo ako sa isang gilid kung saan na nakita ko si Yvez.

He so handsome this night. He's wearing a grey formal attire and black and white neck tie. He still handsome anything. Psh no new, we are Alvarez.

"Your so handsome" nakangiting sabi ko na nilibot pa ang tingin sa kaniya.

Ngumiti naman ito. "Thank you, you're pretty too." tsaka siya ngumisi. "Himala at napaaga ka" natatawang sabi niya na inayos ang pagkakaupo.

Nilingon ko naman ang paligid. "Wala pa si Lux?" tanong ko na nilingon pa si Yvez.

"Wala pa" natatawang sabi nito.

"Why are you laughing at?" kunot noong tanong ko.

"Nung dati kasi ay si Lux ang naghahanap sayo, ngayon ikaw na" natatawang sabi nito. "I'm so happy for you, nagbago ka na talaga. Sana tuloy tuloy na 'yan" nakangiting sabi ni Yvez.

Napangiti naman ako tsaka tumango. Alam ni Yvez kung ano ako dati at palagi niya akong pinagsasabihan sa bagay na 'yun. Parang kapatid na ang turingan namin pero ako lang talaga 'tong masungit.

"Hey" sabi ni Tristan dahilan para mapalingon kami sa kaniya. "Good look huh" bungad sa amin ni Tristan na tinignan pa kami ni Yvez.

Ngumiwi naman ako. "No new, we are Alvarez" natawa naman si Yvez habang napangiwi naman si Tristan.

"Bagay pala sayo ang dark blue formal attire" sabi ni Yvez na nilibot din ang tingin kay Tristan.

"No new, we are Texon" gaya nito sa sinabi ko, napangiwi naman ako. "Wala pa si Lux? Nakakapagtakang nalate 'yun sa ganitong okasyon" natatawang sabi nito tsaka naupo sa tabi ni Yvez.

Sakto na ang upuan na narito, lima kami. Nasa harap banda ito ng stage. Nasa pool area ulit kami at medyo madilim na ang paligid. Napatingin ako sa relo, 6:54 pm. 6 minutes na lang at 7pm na. Malapit na magsimula ang pageant.

"All candidates procede to the backstage" sabi ni Shainah sa microphone.

Napalibot naman ang tingin ko sa paligid, wala pa din si Lux.

"Seirho" tawag ni Tristan dahilan para mapalingon ako sa kaniya, he's wearing a red formal attire. "Where Luxzell?" tanong nito na nilingon pa ako.

"May bibilhin pa daw kaya pinauna na ako" nakangiting sabi nito tsaka naupo sa tabi ni Tristan.

Nagsimula ng mag introduction si Shainah at hindi mapakali ang mata ko kakalingon.

"Just relax Axie, he's coming, nalate lang 'yun" sabi ni Yvez na uminom pa ng wine.

Napahinga naman ako ng malalim tsaka napatango. Nanatili na lang ang mata ko sa stage. Nagsimula ng mag akyatan ang mga rarampa. Wala ako sa sariling napangiti ng maalala ko ang unang beses naming magsama ni Lux sa stage. Naalala ko din 'yung unang hawakan namin ng kamay, unang titigan at unang halik na nagpabago sa akin.

"Wala pa si Lux" sabi ni Seirho dahilan para mapalingon ako sa kaniya, naglilibot naman ang tingin nito. "Hindi rin matawagan. Anong oras na oh" sabi nito na tinignan pa ang phone niya.

"Bullshit tang*na! Dapat hindi mo iniwan mag isa Seirho" nag aalala ng sabi ni Tristan para mapunta sa kaniya ang tingin ko, napalingon naman siya sa akin na napalunok pa. "W-Wala pa si N-Nix" sabi nito  na ikinalaki ng mata ko.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now