CHAPTER 94: BICOL

6 0 0
                                    

LUXZELL POV

Nagising kami ng maaga para matapos agad ang contribution. Napapadali ang lahat dahil marami kami at talagang minamadali namin para masulit ang bakasyon. Isang linggo lang kasi kami rito at dapat sa byernes ay tapos na kami para maging bakasyon namin ang sabado at linggo.

"Napakatahimik mo naman Alisha" sabi ni Sevi kay Alisha.

Nasa resto kami dito sa Hotel, private dinning area. Kumakain kami nina Tristan, Yvez, Sevi at Alisha.

"A-ah sorry, n-naiilang kasi ako sa inyo" sagot naman nito.

"Sa amin ba talaga o sa pinsan ko?" tanong ni Yvez dahilan para mapalingon kami sa kaniya.

"A-actually sa inyong lahat, lalo na kay Ate Axie" sagot naman ni Alisha dahilan para mapalingon naman ako sa kaniya.

Nangunot naman ang noo kong naglilipat lipat ng tingin sa kanila.

"Bakit ka naman naiilang sa pinsan ko?" natatawang tanong ni Yvez.

"P-para kasing ayaw niyang kasama ako tapos ang sungit niya kung titignan" sagot ni Alisha.

Alisha is just 15 years old.

"Ganu'n talaga ang reaksyon 'nun pero mabait 'yun" sabi ni Yvez na ngumiti pa.

Parang kapatid na lang din ang turing namin kay Alisha.

"P-pwede bang umuwi na ako sa byernes? N-naiilang talaga ako kay Ate Axie. P-parang hindi ko kayang tumagal sa tingin niya" sagot nito na ikinagulat ko.

"Ha? A-ayaw mo talagang magbakasyon dito pagkatapos ng trabaho? Sayang naman" singit ko, umiling naman siya. "K-kung 'yun ang gusto mo, sige pero pumayag ka sanang ipahatid kita sa mga tauhan ko" sabi ko, tumango naman siya.

Nang matapos ang usapan ay naligo na kami at sabay sabay nagkita sa labas ng hotel, syempre kasama ko na si Alisha. Nakasakay kami sa van na pagmamay ari ni tito Primo at sabay sabay pumunta ng school.

Tulad ng dati ay kunting pagpapakilala at kunting talastasan tsaka nagsimula na agad ang trabaho. Hindi sumama si Yvez dahil siya naman daw ang magbabantay habang si Tristan naman ang sasama. Si Sevi naman ay tuwang tuwa din sa ginagawa at hindi rin natapos ang tawanan dahil sa mga biro ni Tristan, medyo energetic ngayon kaysa kahapon dahil kasama namin ngayon si Tristan. Si Alisha naman ay tipid kung ngumiti at halata ang pagkahiya.

Nagpaulit ulit ang gawain. Gigising ng umaga, kakain at maliligo tsaka trabaho ulit. Pag uwi ay kakain at magpapahinga. Nakakapagtaka din ang pananahimik ni Ax pero hindi ko na lang inaalala 'yun dahil baka dala 'yun ng lagnat niya. Hanggang sa dumating ang byernes at nagpumilit na si Ax na sumama kahit na medyo masakit pa daw ang ulo niya at halata na galing ito sa lagnat dahil sa itsura, pero maganda pa din siya.

"Yun oh! Sa wakas at makakapunta na din ako sa mga school dahil nagsasawa na akong bantayan ang matigas na ulo ng babaeng 'yan" sabi ni Nix na nilingon pa si Ax.

Nakasakay kaming lahat sa van at papunta sa bacacay, last school na pagbibigyan namin ng financial education.

Napalingon naman ako kay Ax, hindi siya tumabi sa akin kundi sa pinsan niya. Hindi ko na lang pinansin 'yun hanggang sa makababa kami ng van.

"Sevi, ikaw muna ang bahala kay Alisha. Kailangan kong alalayan si Ax, kagagaling niya pa lang sa lagnat at baka magkasakit ulit dahil sa pagod" sabi ko kay Sevi, tumango naman agad ito.

Habang naglalakad kami ay lumapit ako kay Ax pero hindi niya ako nilingon, nanatili siyang tuwid ang tingin sa nilalakaran habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng jacket niya. Inakbayan ko siya at hinalikan ang noo pero hindi niya man lang ako nilingon. Doon na talaga ako hindi makapagpigil.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin