CHAPTER 17

28 2 0
                                    

(017)

AXQUECIA POV

Nasa byahe na kami papuntang Bicol.Sa kotse ako ni Luxzell.Ayaw niyang dalhin ko ang kotse ko dahil dagdag pa raw sa daldalhin namin kaya narito ako sa kotse niya.Psh.Gusto lang ata ako nito kasama dami pang dinadahilan.

Siya ang nagmamaneho habang nasa tabi niya naman ako.Saturday morning ngayon at ang sabi nila ay baka mamaya pang 6 or 7pm ang rating namin sa Naga.Sabi ni Tito Lucas ay sa Naga City ang hotel na tutuluyan namin dahil sa linggo ay pahinga muna,vacation daw aniya.Sa monday until friday ang araw na nakaassign na magdidistribute kami ng financial education para sa 20 school.

Hindi ko alam kung kakayanin sa 5 days ang pagdistribute dahil 1st year to 4th year high school pala ang bibigyan namin,20 schools pa sa iba't ibang school sa Bicol.

Sa byahe ay napansin ko ang katahimikan ni Luxzell.Hindi ako sanay na tahimik ang bunganga nito.Hindi niya man sabihin e halata naman na lutang siya at parang ang lalim ng iniisip.

"May problema?"tanong ko na ikinalingon niya pero madali ring binalik ang tingin sa daan."Ang tahimik mo huh"nang aasar ang pagtawa ko pero nagbuntong hininga lang siya.

"Nanliligaw ba ang Kuya mo kay Zev?"kunot noong tanong niya na nakafocus pa rin sa pagmamaneho.

Napakunot din ang noo ko tsaka kung saan saan tumitingin.

Kung sa tutuusin ay hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko naman talaga alam.Ang alam ko lang ay gusto ni Kuya si Zev.

"Sa pananahimik mo pa lang ay parang alam ko na ang sagot"pilit ngiting sabi niya.

"A-actually I don't know.I am busy on school and company.We have no time to see each other even we are in one school"pagpapaliwanag ko.Tumango tango lang siya."Tsaka muna isipin ang bagay na 'yan pagkatapos nitong project.Tutulungan pa kita"pagpiprisinta ko.

Napalingon naman siya sakin at ngumiti.

Ang akala ko ay wala na siyang pagtingin kay Zev dahil bihira ko na lang sila magkita pero ngayon ay obvious na obvious naman na mayroon pa.

Maaga kaming umalis.5:30 am ay paalis na kami ng Pasig City.Ngayon ay 7:00 am at traffic pa dito sa EDSA.Marami ang sasakyan at talagang walang masingitan.

"Gusto mong kumain?"pagyayaya ko na inabot ang box sa likurang upuan.

Dahil hindi rin naman gumagalaw ang sasakyan dahil sa traffic ay nakakain kami.

Kami muna ang naunang umalis at sabi ni Tito Lucas ay isusunod na lang ang mga groceries.Sabi ni Tito ay nakatruck raw ang mga 'yun.

"Wag kang lamon ng lamon dahil baka matae ka,walang Cr sa kotse ko"hindi ko alam kung concern ba si Lux o nang aasar.

Habang tutok ako sa pagkain ay hindi ko napansin na tutok naman si Lux sakin.Nangunot ang noo kong nilingon siya.Ano nanaman nasa isip nito?

Nakangiti siyang nakatingin sakin.Kunot noo naman akong subo ng subo ng burger.Bago kasi kami umalis ay bumili ako ng isang box ng burger at isang box ng fries.Syempre luto na tsaka mayroon ding limang box ng pizza at limang 1.5 Coke.

"Can I taste it?"tanong niya pero nasa daan ang tingin.Pumuforward ng kunti.

"Alin?"tanong ko habang nasa pagkain ang tingin.Hindi ako nagsasawang ngumuya nguya ng burger.

Inayos ko ang box sa kandungan ko at takam na takam na ngumuya ng burger.

"That"sagot ni Luxzell.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now