CHAPTER 50

24 1 0
                                    

(050)

AXQUECIA POV

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sobra akong natutuwa dahil kasama ko nanaman siya.Napakatraydor talaga ng nararamdaman ko.Ang akala ko man lang ay mawawala na dahil ilang buwan ko siyang hindi kasama pero ito ngayon,nagpakita lang ay gusto ko na ulit.

Nagmamaneho siya habang nasa labas naman ang tingin ko.Wala akong maisip kung saan kami pupunta dahil hindi pamilyar ang daanan sakin.Napalingon naman ako kay Lux,seryoso lang siyang nagmamaneho.

Napabuntong hininga lang ako na binaling ulit sa labas ang tingin.

"Iwasan mo ang lalaking 'yun" sabi niya sa gitna ng katahimikan.

Napalingon naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.

Iwasan sino?

Ano bang pinagsasasabi niyang iwasan?psh.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi man lang siya lumingon sakin,seryoso ang tingin sa labas,focus na focus sa pagmamaneho.

"Ang sabi ko,iwasan mo ang lalaking 'yu-"

"Sino bang lalaki?" Inis na tanong ko.

Nagulat ako ng bigla niyang itigil ang kotse at muntikan na 'kong masubsob sa pagkabigla,buti na lang ay nakaseatbelt ako dahil kung hindi ay nasugatan pa ang mukha ko.

Psh.Gusto niya na yatang mamamatay kami ng sabay.

Lumingon siya sakin habang walang karea-reaksyon ang mukha,nakatagilid paharap sakin.Napakunot ang noo ko tsaka nailang na umiwas ng tingin.

"Umiwas ka sa doon sa Mallix,ayaw ko sa kan-"

"Psh.Sino naman nagsabi sayong gusto ka niya" pabulong na sabi ko pero halatang narinig niya.

Wala pa din karea reaksyon ang mukha niya at nakalapat ang labi.Hindi ko malaman kung naiinis siya sa sinabi ko.Wala man lang ako makitang reaksyon.

Kunot noo kong pinagmasdan ang mukha niya.Nakakapagtaka na walang reaksy- I mean,pagkakakilala ko kasi kay Luxzell ay very expressive.Malalaman mo agad ang reaksyon niya,hindi siya marunong magtago ng reaksyon.

Kapag tuwang tuwa siya ay makikita mo agad sa mata at labi,kapag malungkot ka ay maramradaman mo na kahit pati ikaw ay malulungkot at sa tuwing galit naman siya ay makakaramdam ka ng kaba dahil nakakatakot ang tingin niya,para bang tumatalim na kayang kaya kang saksakin nito.

Pero ngayon,walang reaksyon ang mukha niya.Wala naman akong ibang naiisip na dahilan kundi baka nagbago siya dahil sa nangyari,hindi nakakapagtaka kung ganu'n nga.Siguro ay dapat na 'kong masanay.

Okay na sakin na ganito kaysa malungkot siya at hindi ulit magpakita.Okay na sakin na walang reaskyon ang mata at mukha niya basta nakakasama ko siya.

Tang*na!Nagayuma yata ako ng pag ibig na 'yan!

"Iiwas ka sa kaniya o ako ang iiwas sayo?"

Bumalik ako sa reyalidad ng itanong niya sakin ang bagay na 'yun.Naguguluhan akong tumitig sa kaniya na naglilipat lipat pa ng tingin sa dalawang mata niya na hindi ko talaga makita kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now