CHAPTER 16

30 4 0
                                    

(016)

LUXZELL POV

"Nagugutom na 'ko"rinig kong sabi ni Ax habang nasa naglalaro ang tingin.

Napabuntong hininga naman ako.Lumapit ako kay Mr. Castro na napalingon din sakin.
"Mr. Castro,pwede po bang kumain muna kami saglit dahil nagugutom ang kapares ko"pagpapaalam ko na napalingon pa kay Ax na nasa amin din ang tingin.

Napalingon naman si Mr. Castro kay Ax tsaka tumingin sa hawak index.Ang dami pang index bago ang samin tsk tsk.

Tumango naman si Mr. Castro."15 minutes only"sabi nito

"Thank you Mr. Castro"sabi ko na napangiti pa.

Lumapit naman ako kay Ax tsaka sinabi ang bag ko sa likod ko habang bitbit naman ang bag ni Ax.

"Let's eat"sabi ko.Kunot noo naman siyang tumingin samin tsaka tumingin kay Mr.
Castro.Nagbuntong hininga naman ako."Nagpaalam ako.15 minutes lang kaya dalian mo"

Imbis na magpasalamat ay inagaw niya ang bag niya sakin at tinarayan pa ko bago naglakad palayo.

Walang utang na loob tsk tsk.

Wala akong nagawa kundi ang sundan siya.Pagdating namin sa line ay walang ibang estudyante kundi kaming dalawa lang kaya tahimik.Hindi pa naman kasi breaktime kaya ganu'n katahimik ang Canteen.

Nanlaki na lang ang mata ko ng mapansin ang order ni Ax na isang katutak ang binili niya.Sphagetti,Chicken,fries,burger,juice,yakult,pasta,softdrinks at macaroni soup.

Napanganga pa ako ng bitbitin niya 'yun sa iisang tray.Gutom talaga siya?Nauna na siyang naupo sa table kaya naiwan ako sa line.Nag order naman ako ng 1 cup spicy noodles at juice,burger and fries tsaka naupo sa blangkong upuan sa table ni Ax.

Napalingon siya sakin pero tuloy tuloy pa rin ang pagkain niya.Kunot noo naman akong kumakain habang pinapanood siya.Wala siyang tigil kangunguya.Matitigil man pero iinom siya.

Bukod kay Tristan at Yvez ay wala na akong ibang kilalang ganito katakaw kumain.Si Ax lang ata ang babaeng ganito kung kumain na nakilala ko.Saan niya naman nilalagay ang pagkain?

"Stop staring Lux."nagtataray nanaman ang tono niya."Hindi ka mabubusog kakatitig sakin"

Napaawang ang labi ko sa yabang niya.Akala ko pa naman ay ako na ang pinakamayabang pero parang nagkakamali naman ata ako.

Nagbuntong hininga na lang akong nagpatuloy sa pagkain.

"I remember.Sabi ni Tito Lucas ay pupunta tayo sa sabado sa Bicol."sabi niya na nasa pagkain pa rin ang tingin at talagang may subo subo pa tsk tsk.

"Ano naman ang gagawin natin do'n?"nakakunot noong tanong ko.

Bakit ba palaging kay Ax sinasabi at hindi muna sakin.Feeling ko tuloy sampid ako tsk tsk.

"Donating a financial education to every students in Bicol"sabi niya na may subo subo pa din pero lumingon naman sakin."Gusto mo?"biglang tanong niya sa seryosong usapan.

Tinuro niya ang macaroni soup sakin.Umiling naman ako.

"Donating?okay.Ilang school?"pagbabalik ko sa usapan namin.

Kumunot muna ang noo niya tsaka kung saan tumingin.Binalik ang tingin sa pagkain tsaka sumubo ng burger.Napakatakaw.

"20 school I guess"sabi niya habang may subo subo pa din.Napatango tango naman ako."Pag uusapan 'yun mamaya kaya dapat ando'n ka"tumango ulit ako.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now