CHAPTER 113

6 0 0
                                    

LUXZELL POV

Marami ang bulungan sa room sa Campus tungkol sa pag eeskandalo ni Mrs. Salvador. Sobrang lungkot ko, halos pilitin ko ang sarili ko para lang pumasok kahit na alam kong hindi magpapakita si Ax dito. Alam kong malayo siya sa akin at kung sa totoo lang ay gusto ko siyang puntahan kaso hindi ko alam kung saan.

"Wala din si Nix" sabi ni Tristan sa akin.

Napatingin naman ako sa likod ko. Wala na nga talaga siya. Paniguradong magkasama silang dalawa sa kung saan. Nag aalala ako. Nag aalala ako na baka magkasakit si Ax kakaisip sa nangyari. Nag aalala ako kay Wayan, sana ayos lang siya.

Alam kong naapektuhan si Wayan sa nangyari sa amin at ayaw kong dumating sa puntong kamuhian niya ang isa sa amin.

"Kumain ka Lux" sabi ni Sevi na inabutan ako ng isang burger at softdrink.

Naupo naman sina Tristan at Yvez sa tabi ko.

"Kumain ka Lux, payat ka na nga lalo ka pang mamamayayat" sabi ni Tristan.

Kinuha ko ang inabot ni Sevi at pilit na nginunguya ang binili niyang burger. Kanina pa ako lutang at hindi alam kung ano na ang nangyayari.

"Alam mo ba kung saan pwedeng pumunta si Ax?" tanong ko kay Yvez.

"Hindi ko alam Lux. Maliban sa London, hindi ko na alam" sagot niya na nilingon pa sina Tristan at Sevi.

London?

Hindi ko alam kung paano ako makakapunta doon. Hindi ko rin kabisado ang lugar na 'yun.

"Don't please for someone attention Luxzell" sabi ni Sevi dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Hayaan mo siya kung lumayo siya sa'yo dahil kung ikaw ang mahal niyan, babalik at babalik 'yan sa'yo" seryosong sabi nito na nasa mata ko ang tingin. "Hindi mo kasalanan at wala kang kasalanan"  pagdidiin niya sa bawat salita.

"I think he's right" sabi ni Tristan dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Lumingon ito kay Yvez. "Hindi naman sa minamasama ko ang pinsan mo sa paningin ni Lux pero kung pinagkakatiwalaan ka talaga niya, una pa lang pinakinggan niya na ang paliwanag mo"

Napatikop naman ang labi ko. Tama ang mga sinasabi nila.

"Yeah, Tristan is right. She's my cousin but this time I'm with you Luxzell. Naipit ka lang sa sitwasyon" sabi naman ni Yvez.

"But it doesn't mean that forget your feelings with her" sabi ni Sevi na ikinatango ng dalawa. "Ang sa amin lang, 'wag kang masyadong tanga Luxzell, baka nakakalimutan mo na wala kang kasalanan sa sitwasyong ito at naiipit ka lang"

Halos manuot sa loob ko ang lahat ng sinabi nila. Alam kong may punto sila pero hindi ko mapigilang hanap hanapin si Ax bawat sigundo. Nasanay kasi akong nasa paningin ko siya. Nasanay akong masaya kami palagi. Nasanay akong nasa tabi ko siya palagi. Ang sakit lang kasing isipin na tinapos niya 'yung relasyon namin ng hindi man lang nililinaw ang lahat.

"Luxzell tawag ka ni tito" sabi ni Yvez sa akin.

Napabuntong hininga naman ako bago pumunta ng office ni tito. Naabutan ko siyang nakaupo kaharap si Mrs. Salvador at Allirah. Napalunok pa ako bago naupo sa tabi ni tito.

"Kug hindi ka maniniwala na hindi si Luxzell ang ama ng dinadala ng anak mo, sige. Ako na ang gagastos sa pang check up at gamot ni Allirah. Kahit anong tulong basta related sa bata sige" nakangiting sabi ni tito, napalingon ako sa kaniya. "Pero kapag nakalabas na ang bata ay ipapaDNA test ko kay Luxzell."

"Deal." Mataray na sabi ni Mrs. Salvador na nilingon pa ako. "Once na positive, ikakasal kayong dalawa.

"At once na negative, ipapakulong kita" pekeng ngiti na sabi ni tito Primo.

Gulat kaming napalingon sa kaniya.

"T-tito you don't need to do that" sabi ko na nilingon pa ang Salvador.

"M-mom" takot na takot ang tono ni Allirah.

"No. Sinira nito ang relasyon niyo ng anak ko." seryosong sabi ni tito, napalunok naman ako.

"T-tito please don't do that. Yo don't need to do that. Allirah needs her mother." pakiusap ko. Napalingon naman ako kay Allirah at sinenyasan itong lumabas na.

Sinunod naman agad nito ang pakiusap ko. Naiwan kaming lutang sa loob ng office. Kung hindi pa ako niyaya ni Sevi ay paniguradong hindi pa ako makakauwi.

Lumipas ang ilang araw at walang paramdam si Ax. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Para bang mababaliw ako dahil hindi ko nakasama si Ax ng ilang araw.

"Luxzell kumain ka na" sabi ni Sevi.

Narinig ko naman 'yun pero para bang wala akong naiintindihan. Gusto kong bumilis ang oras para mailabas na ang anak ni Allirah at makuhanan na ng DNA test. Hindi ko nga alam kung bakit naghihintay pa ako ng DNA test kung sa tutuusin ay wala naman talaga akong ginawa at alam ko naman na ang magiging result. Alam kong wala akong kasalanan pero nag aabang ako ng resulta. Nakakabaliw.

"Luxzell" tawag sa akin ni Sevi, napalingon naman ako sa kaniya.

Inabutan niya ako ng bowl na may kanin at sinabawang baboy, siya ang nagluto. Kinuha ko naman 'yun.

"Wag kang magmukmok dahil lang sa babae Lux"

Napalingon ako kay Sevi nang mangaral ito.

"Hindi lang siya babae Sevi" paglilinaw ko. "Mahal ko 'yun e, minahal ko na 'yun"

"Wala naman akong sinabing hindi mo mahal ang akin lang 'wag kang maglugmok sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Wala kang ginawa Luxzell. Bakit? Inintindi ka ba niya?" gusto kong maluha sa pandidiretso ni Sevi sakin. "Pinakinggan niya ba 'yung paliwanag mo? Nakinig ba siya sa'yo? Nagtiwala ba siya sa'yo? 'Wag kang tanga Luxzell"

Hindi alam kung galit ba siya dahil wala namang reaksyon ang mukha niya pero padabog itong umalis sa harap ko. Napatikop naman ang bibig ko at hindi ko nanaman namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Pinakinggan niya ba 'yung paliwanag mo? Nakinig ba siya sa'yo? Nagtiwala ba siya sa'yo? 'WAG KANG TANGA LUXZELL.

Naiintindihan ko ang punto niya. Wala akong kasalanan pero hindi naniwala siya sa iba. Nagpaliwanag ako pero hindi siya nakinig. Hindi siya nagtiwala sakin. Ako 'yung naiipit pero ako 'yung naaagrabyado. Pakiramdam ko kasalanan ko lahat.

------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora