CHAPTER 63

25 0 0
                                    

(063)

LUXZELL POV

Nasasaktan ako sa tuwing makikita siyang umiiyak pero ngayon,dumoble ang sakit dahil ako ang dahilan ng pag iyak niya. Ayaw kong may umiiyak na babae dahil lang sa lalaki pero ngayon, ako ang dahilan ng pag iyak niya.

Napalunok ako bago hawakan ang pisngi niya pero umiwas ito para hindi ko 'yun mahawakan. Napayuko at napakuyom ang kamay dahil sa inis sa sarili ko.

"You don't need to use someone just to skip the reality" sabi niya na ikinalingon ko,hindi pa rin siya lumilingon sa akin. "Alam kong malungkot ka at malungkot din kami dahil sayo." sabi niya tsaka napayuko at lumunok. "Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko ay wala kaming kwenta sayo kaya ka nagmukmok mag isa, hindi ka nagtiwala sa amin na kaya namin maging pamilya mo lalo na ni Dad. Kinalimutan mo 'yung taong mahahalaga sayo dahil lang sa lungkot mo" madidiin ang pagkakasabi niya na nasa mismong mata ko nakantingin. "Sinasaktan mo 'ko sa paraan na gusto mong bumalik 'yung dating saya mo dahil pakiramdam ko hindi ko kaya 'yun maibigay sayo"

Napaluha ako sa sinabi niya. Napahikbi ako dahil sa sobrang sakit. Hindi ko alam na 'yun pala ang mga naiisip niya. Wala akong masabing dahilan ngayon dahil hindi sapat ang talino ko sa pakikipagtalastasan sa kaniya dahil una pa lang alam kong mali na 'ko at tama siya.

"I'm sorry Ax." umiiyak na sabi ko na aaktong yayakapin siya pero umiwas agad siya.

"Pagpahingahin mo muna ako ngayon. Birthday ko ngayon, baka nakakalimutan mo" inis na sabi niya at padabog na lumabas ng kotse niya.

Para bang nawalan ako ng lakas ngayong araw. Totoo nga ang sinabi ni Sevi, iba na ang iniiyakan ko. Kung nawala ang pamilya ko ay masakit, pakiramdam ko dumoble ang sakit ngayon dahil sinaktan ko 'yung taong mahal ko.

Dumoble kasi masakit pa rin sa akin 'yung nangyari pero natabunan 'yun ng sakit ngayon.

Mali yata talaga ang naging plano ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang magiging kalabasan.

TRISTAN POV

Napansin ko ang sobrang pagkatamlay ni Axie ngayon. Nakakatakot din siyang tanungin dahil napakaseryoso ng mukha niya. Wala na kaming klase ngayon dahil last one week ay recognition na namin sa pagtatapos bilang SHS 1.

Nasa open field ako nakatambay habang nakaupo sa sementong upuan na katabi ng puno. Lumapit si Yvez sa akin at napansin yatang nakatingin ako kay Axie kaya napalingon din siya do'n.

"Paniguradong hindi mo pa alam ang nangyari kagabi kaya nagtataka ka kung bakit ganiyan si Axie" sabi ni Yvez na naupo sa tabi ko, napalingon naman ako sa kaniya.

"A-anong nangyari?"nagtatakang tanong ko.

Lumingon siya sa akin at napabuntong hiningang tumingin sa langit. "Robot ni Lux ang nakasama natin 'nung mga nakaraang buwan pagkatapos pumanaw nina tito Lucas"

Para bang may dumaloy na kuryente sa katawan ko dahil sa sinabi niya. Nanalaki ang mata ko habang nakaawang ang labi at napapakurapkurap pang tumingin sa kaniya.

T-totoo ba ang narinig ko?

Sinabi ko na nga ba't may kakaiba e.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now