CHAPTER 9

33 5 0
                                    

(009)

TRISTAN POV

"Kamusta ang meeting niyo kahapon?Pumayag na ba si Axie?"tanong ko kay Lux habang papasok ng Canteen.

Breaktime ngayon.

Naikwento niya samin ang nangyari sa office ni Mr. P nung nakaraang araw.

—flashback

"Loko!First time ko yatang tanggihan"maktol ni Lux matapos utusan siya ng Dad niya na magbigay ng papeles kay Mr. P pagkatapos ng announce tungkol sa Welcome Party.

Nagtataka naman kaming lumingon sa kaniya ni Yvez.Nagkatinginan pa kami ni Yvez bago niya naisipang tanungin si Lux.

"What happen?"nagtatakang tanong ni Yvez na napalingon pa sakin.

Nag iwas naman ng tingin samin si Lux tsaka gigil na nagkamot ng ulo.Parang ang laki ng problema niya psh.

"Sa gwapo kong 'to.Ayaw pa?Seriously?"singhal na sabi ni Lux habang nakatayo at nakapameyang na malayo ang tingin.

Nagkakalingunan naman kami ni Yvez na parehong walang idea sa pinagmamaktol ni Lux.

"Ikwento mo nga kasi samin hindi yung para kang tanga na nagmamaktol diyan psh"inis na sabi ko rin.

Lumingon samin  si Lux na naglilipat lipat pa ng tingin saming dalawa ni Yvez tsaka nagbuntong hininga bago nagsalita."Sa gwapo kong 'to!Si Ax lang ang tumanggi sakin.Really huh"

Nagulat ako sa sinabi niya.Nagkalingunan naman kami ni Yvez na parang iisa lang ang nasa isip.

A-akala ko ba..Totoo ba?Bakit?Napaano?

Kunot na kunot ang noo na tinignan kami ni Lux na parang nagtataka sa reaksyon namin.

"Oh?"nakataas ang isang kilay niya habang tinitignan kami ni Yvez."Tsk tsk oo alam kong maling tinanggihan ako ni Ax dahil sobrang gwapo ko para tanggihan niya lan—"

"Kailan pa?"nagtatakang singit ko sa sinabi ni Lux.

Lalong kumunot ang noo nito tsaka gigil nanang kumamot ulo niya."Kanina nga!"inis na sabi niya.

Nagkalingunan naman kami ni Yvez na nakaawang din ang bibig at hindi maintindihan ang nangyayari tulad ko.

"Bakit ganu'n?A-akala ko ba si Zev?"naguguluhang tanong ko.

"Si Zev nga ang gusto ko"sabi ni Lux na kunot ang noo."Kaya nga ako naiinis dahil ang gwapo ko at tinanggihan lang ako ni Ax"

Nagkalingunan naman kami ni Yvez na tulad ko ay naguguluhan din.

"Y-yun na nga.Si Zev lang tapos bakit ayaw mong tanggihan ka ni Axi—"

"Teka nga teka!"pigil na Lux sa sinasabi ni Yvez tsaka kunot noong palipat lipat ng tingin saming dalawa."Ano bang iniisip niyo?Ang sinasabing kong tinanggihan ako ni Ax ay yung sa pageant.Ayaw niyang sumali at ang pakiramdam ko ay tinanggihan niya ang gwapong tulad ko."

Mahabang paliwanag ni Lux.Nagkalingunan naman kami ni Yvez tsaka sabay na natawa dahil iisa ang nasa isip namin.

"Tsk tsk.Kanina pa 'ko nagmamaktol.Iba pala nasa isip niyo."inis na sabi ni Lux tsaka padabog na umupo.

"So ayaw niya edi disqualified ang batch?"tanong ni Yvez.

"Napilitan siya.Sasali siya pero napilitan.Really?Sa gwapo kong 'to kapilit pilit na kapartner?"

Hindi na ata mawawala ang yabang sa kaluluwa niya.Sanay!

—end of flashback

"Sinabi ko na ngang napilitan e!Tsk tsk masyado ka ng makakalimutin.Mag memory plus gold ka na"pang aasar sakin ni Lux.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now